Niel's POV
I woke up at 6am at the morning, so I do my routine. I took a bath, brush my teeth, come my hair, dressed in uniform, then go downstairs to eat. That's my everyday routine.
Pagdating ko sa kusina wala na parents ko as usual, maaga kasi aalis si mom and dad ewan ko ba kung bakit sila maaga parati. Minsan nga lang kami magkakasama kumain, pero pag may celebration palagi kaming magkakasamang kumain ng dinner na kami lang. Sabi kasi sakin ni mommy na ayaw niya daw ng kulang kami basta may celebration, kasi daw sa isang taon lang daw yun mangyayari. Dahil nung bata pa daw siya hanggang sa lumaki na, di daw niya nararanasan na kompleto silang kumain ni minsan. Kaya ayaw niyang maranasan ko yun lalo na pag birthday ko o kahit na anong selebrasyon. Ewan ko ba jan kay mommy, eh pwede naman araw-araw sabay kaming kakain kahit dinner man lang. Pero naiintindihan ko din naman ang parents ko kaya okay lang, pero pag ako na ang magkakapamilya gusto ko na parati kaming sabay kakain. Open kasi kami ni mommy sa isa't-isa lalo na pag may problema, hate kasi ni mommy pag may problema akong kinikimkim. Naghihinala kayo kung bakit ko nasabi yan? Ganito kasi yun, year ago may problema ako pero para sakin di naman yun gaano ka importante, sensitive lang kasi si mommy pagdating sakin, sabi kasi ni lola miracle daw kasi nabuhay pa ako nung ipina-nganak ako, kaya daw iintindihin ko si mommy parati pag dating sakin. Kasi until now my mom is scared if there's something will happen to me, baka kasi daw di ko makaya at .... basta yun na yun... About lang naman sa taong mahal ko ang problema ko year ago, but now I can say that i truly move-on. Ewan ko kung kailan pa ako nakakamove-on sa kaniya, basta dumating na lang yung araw na di ko na siya masiyadong naiisip, di na ako nasasaktan pag pinag-uusapan siya ng mga kaibigan ko, di na ako affected pag dating sa kaniya.
So back to reality, pag dating ko sa kusina nandon na ang dalawang mokong na nakikikain lang naman sa bahay namin. Ewan ko ba sa dalawang to eh meron naman silang taga luto sa bahay nila pero dito sila kumakain sa bahay namin, pero okay nato kasi may kasama akong kakain araw-araw. Pumunta na ako sa upuan ko ko at nagsimula na akong kumain.
Dre, isasabay ba natin sila Audrey? tanong sakin ni Ken. Teka ano kaya ang meron sa kanila, di kasi to nagku-kwento pa samin eh. Si Jae tahimik lng kumakain sa gilid, isa din tong mokong nato, di ko pa natanong kung bakit umalis siya kahapon eh wala naman siyang ibang lakad.
Bakit namin natin sila sasabay, wala ba silang sasakyan? Sa pagkaka-alam ko kasi may sasakyan naman sila Tricia, tsaka may driver din so bakit pa natin sila isasabay? sagot ni Jae sa kaniya. Mukhang may nangyari ata kahapon na hindi maganda sa kanila ni Leen. Di nalang nagsalita si Ken at nagpatuloy kumain.
Natahimik kaming lahat hanggang sa nagyaya na si Jae na papasok na daw, baka daw kasi malalate pa kami. Si Jae ang pinakamatalino sa aming tatlo, though lahat naman kami matalino pero di kasi kami makakalamang sa kaniya kaya we consider him na siya ang pinakamatalino sa amin. He loves reading, eyeglass nalang ata ang kulang sa kanya para tatawagin na siyang nerd, he always bring books everytime, or whenever he goes. But let me rephrase something, minsan gagamit pala siya ng eyeglass pagsasakit na ang mata niya kakabasa.
Tricia's POV
Dumating na kami sa school, papasok na sana kami may mga babaeng nagtatakbuhan paparating sa labas. Di namin alam kung anong meron, kaya nakikisuyo nalang din kami kung sino ang titignan nila sa labas. Naglalakad kami parating sa labas ng may isang itim na sasakyang huminto sa harapan, nagsisigawan na ang mga babae nung bumukas ng maliit ang sasakyan. Bakit sila pinagsisigawan? Ano ba sila dito? tanong samin ni Krishna. Baka sila ang sikat dito. sagot naman ni Leen kay Krishna. Mabuti naman at nagsalita natong isang to, simula kasi kanina di ito umiimik samin. Mabuti naman at may salita na kaming narinig mula sayo Leen, pero matanong ko lang sayo Leen. May problema kaba? Simula kasi kahapon na umalis si Jae di kana kasi masiyadong nagsasalita. May nangyari ba? tanong na naman ni Krishna sa kaniya. Nakikinig lang talaga ako sa kanila, hinihintay ko kasing bubukas na yung sasakyan at lalabas na ang nasa loob para makapasok na kami. Walang nangyari kahapon, medyo nawalan lang ako ng mood kahapon. Tsaka tahimik tahimik din minsan Audrey, mas lalo ka ng naging madaldal ngayon. Try mong tumahimik kahit isang araw lang, maganda sa pakiramdam, try mo din. sabi sa kaniya ni Leen. Magsasalita pa sana si Krishna ng bumukas ang kotse, at iniluwa ang lalaking kasama namin kahapon. Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga babaeng nandito sa labas, akala ko kung sino na sila lang naman pala. Wag mong sabihin sila ang sikat dito? Pero kung sila naman, di naman nakakapagtaka kasi sa hitsura pa lang pasado na. Ang pinagtataka ko lang kasi ay apat silang lumabas sa kotse eh tatlo lng naman sila kaghapon. Sino kaya yung isa?