♫♫ ♫♫
Alice Chen Point of View:
Ala siete ng umaga papasok na ako ng paaralan lagi akong late kahit medyo malapit lang naman ang school sa bahay namin. Pwede naman lakarin o sumakay ng jeep at dahil nagtitipid ako ay naglakad na lamang ako.
Maraming tao dahil lunes ng panahon na iyon. Nakatayo lang ako sa kabilang pedestrian at nag aantay na mag green ang traffic light, nakatulala dahil medyo inaantok pa ako pero may naramdaman akong kakaiba na parang may nakatingin sa akin.
Paglingon ko nakita ko ang isang batang babae na nakamasid sa akin nakaupo siya sa kabilang gilid ng daan at may hawak ng lapis at isang puting papel marungis sya at sa tingin ko sa kalye na sya nakatira. Tinignan ko sya sa mga mata nakita kong lumawak ang ngiti nya at maya-maya ay tumayo at naglakad papunta sa akin para iabot ang papel at nag mamadaling tumakbo.
Im suddenly confuse at tiningnan na lamang ang likod ng tumatakbong bata. Hawak ko ang papel na binigay nya at Nabigla ng makita ang aking sarili na nakaguhit doon. Lumaki ang mata ko sa pagkamangha. Napakaganda! Isang sketch na wawariin mo'y detalyado at makikita ang pakakahawig sa totoong litrato.
" Ako ba talaga ito? " naisatinig ko hindi kasi talaga ako makapaniwala.
Hindi ko namalayan na nag green na pala yung ilaw, nasa unahan kasi ako at nabubungo na ng mga tao, doon ko palang napagtantong mahuhuli na ako sa klase nagmamadaling tumawid at patakbong nakarating sa school.
Pag dating sa eskwelahan ay di padin mawala sa isip ko yung batang babae. Grabe ang galling nya! Paano kaya sa edad nya na iyon ay napakagaling na niyang gumuhit? Hindi talaga ako maka move on, tinignan ko ulit yung drawing nya. I was neither mesmerized nor overwhelmed with the master piece! That little girl has a God's gift and an idea suddenly pop out in my head. Napangiti ako. J
→→→→→→→→→→→→→→→→→→→→
Pauwi na ako dahil alas singko na ng hapon, my plan is to drop by usually kasi nag jijip ako pauwi. Tamad na kasi ako mag lakad ngunit dahil I have plan of meeting her today I decided to just walk nagbabakasakaling makasalubong ko siya. Malapit na ako sa familiar na traffic light then I saw her beside the same street light na nakita ko kaninang umaga. She's holdin pencil and bond paper. Nilapitan ko sya,
" Hi " sabi ko
Ngumiti lang sya at sa tingin ko nakilala nya na ako umupo ako sa tabi nya wala na akong pakeelam kung madumihan man itong uniform ko, muli'y kinausap ko sya.
"Salamat pala sa ginawa mong drawing, grabe sobrang galling mo!" at hyper na ngumiti sa kanya.
"ako nga pala si Alice. Anong pangalan mo?"
Ngumiti sya at nag-sulat.
"Wala po'ng anuman" nakalagay sa sinulat nya.
Tinanong ko syang muli, " Anong pangalan mo?"
Bigla siyang nalungkot at umiling. Napaiisip ako hindi umimik. Wala syang pangalan?
Napalitan ng ngiti ang mukha nya at inabot sa aki ang isang bond paper nakadrawing doon ang isang aso na patawid ng kalsada. Ngumiti rin ako at pinuri ang gawa niya.
" Bago ko malimutan may hihilingin sana akong pabor sayo." Tumango lamang siya.
" Maari mo ba akong turuan gumuhit?"
kinakahaban kong sabi sa kanya, natatakot ako sa reaction niya imagine mo kaya isang matandang tulad ko nagpapaturo sa isang bata! Pero wapakels! Ang mahalaga naman ay maturuan nya ako para matupad na ang pangarap ko.Tinignan ko siya sa mga mata nakita ko ang isang maaliwalas na mukha at ngiti na nagsasabing pumapayag siya.
Sa sobrang saya ko niyakap ko siya wala akong pakeelam kung madumi ang damit at mabaho siya, ang mahalaga sa akin ay pumapayag na siyang turuan ako. Nagkwentuhan kami at doon ko nalaman ang istorya nya.
Doce anyos na ang batang babae na ito,she's a homeless at may isang matandang babae lamang ang mabait na nag papakain sa kanya, napag alaman kong hindi siya nakakapag salita, pero mas ikinagulat ko yung sinabi niya na wala siyang pangalan, gusto kong mag usisa pa, ngunit nahihiya na akong mag tanong pa. binigyan ko siya ng pagkain na binili ko sa canteen kanina sa school, ala syete na ng gabi at malamang na hinahanp na ako ni lola. I told her that I will come back tomorrow pagkatapos ng klase ko halfday lang naman kami bukas kaya mahaba-haba pa yung oras namin.
BINABASA MO ANG
DRAW WITH ME
General FictionNangyari na ba sayo na minsan sa buhay mo ay natupad ang pinaka aasam asam mo. ang pangarap na matagal mo nang minimithi. na isang araw ay may isang taong dumating sa buhay mo na tumulong sa iyo iparealise na masyado pang maaga para sumuko. that you...