♫♫ ♫♫
Kinabukasan pagkagaling ko sa eskwela ay agad kong pinuntahan yung batang babae at tulad ng dati andun padin sya sa pwesto nya kahapon at hawak yung bondpaper at maliit na lapis, malinis sya ngayon di tulad kahapon. Lumapit ako dala yung mga pinamili kong mga supplies na lapis, drawing notebook, coloring at kung ano-ano pa syempre may dala din akong pagkain. Lumingon sya nang maramdaman yung presensya ko.
"Hi" tumabi ako sa kanya at inilahad yung mga pinamili ko.
"Para sa iyo iyan para hindi na lumang maliit na lapis yung lagi mong ginagamit, may pang color nadin diyan para mas maganda yung idradrawing mo. Meron din ako dito para habang tinuturuan mo ako ito yung gagamitin ko."
Bakas sa mukha nya yung kasiyahan, nag sulat siya ng pasasalamat at tumango lamang ako.
" Sya nga pala meron akong ssabihin sayo."
Lumingon lang siya sa akin ng may pag tataka.
" Naiisip ko kasing wala kang pangalan kaya bibigyan na lamang kita. Simula ngayon ikaw na si Jamae. "
Niyakap niya ako at naramdaman ko ang patak ng mga luha niya sa aking uniform. Alam kong masaya siya at natutuwa akong nakakatulong sa isang tulad niya na pinagkaitan ng mga bagay.
Sumulat siya ng bumitaw sa pag kakayakap sa akin.
" ate alice maraming salamat po sa lahat, ako po si Jamae. Kinagagalak ko po kayong makilala. " a soft smile came from her lips.
Im so overwhelmed then hug her. We spent time together, she teach me how to draw on that time, unti-unti ay natututo ako sa kanya. I said my goodbye dahil mag gagabi na lola will surely freak out dahil alam nya ay pumasok lang ako sa school.
Kinabukasan ay dinaanan ko si Jamae sa parehong lugar, walang pasok ngayon at nag dala ako ng mga gamit para sa drawing session namin, Lumipas ang araw at natututo na ako, hindi nya ako pinagtawanan, matyaga siyang nagtuturo sa akin. At ito yung masasabi kong pinaka masayang nangyari sa buhay ko.
" Ate Alice, maari mo po bang ikuwento kung ano ang itsura ng paaralan ? "
isang gabi na magkasama kami at pinabasa nya sa akin
" Yun ba? Hmmm. Malawak ang school may ibat-ibang classroom para sa mga studyanteng nag aaral at mga nag tatayo ng club, may garden din kung saan preskong lugar para mag aral o magpahinga, library kung saan maraming mga libro at rooftop na tulugan ko. Hehe " natatawang paliwanag ko
Nanatili syang seryosong nakikinig, amusement written all over her face.
" Masuwerte ka ate Alice. Ni minsan hindi ko pa nararanasan makapunta sa paaralan, gustuhin ko man wala akong kakayahan. Ang alam ko po kasi bawal ang katulad ko sa ganong lugar. "
BINABASA MO ANG
DRAW WITH ME
General FictionNangyari na ba sayo na minsan sa buhay mo ay natupad ang pinaka aasam asam mo. ang pangarap na matagal mo nang minimithi. na isang araw ay may isang taong dumating sa buhay mo na tumulong sa iyo iparealise na masyado pang maaga para sumuko. that you...
