♫♫ ♫♫
Nabahag ako sa nabasa kong sinulat nya, nalulungkot ako para kay Jamae ang batang tulad nya ay hindi dapat nakakaranas ng ganitong paghihirap sa buhay, maraming mga bata ngayon na pumapasok para lamang sa baon at sa crush nila at hindi masyadong pinapahalagahan ang pag-aaral, marami syang naging kaklase na pumapasok lang dahil gusto makasagap ng tsismis o kung ano ang in ngayon samantalang ang mga katulad ni Jamae na nangangarap na makapag aral ngunit walang kakayahan.
Ngunit kahit na ganon ay wala akong nababasang pait sa buhay nitong si Jamae, she simply accepted her life and be contented of what she had kung para sa mga pinag dadaaanan ng ibang bata dahil kulang ang baon nila o kaya ay hindi sila crush ng crush nila mas mahirap ang mga pinagdaanan na ni Jamae pero kahit na ganon nakukuha nya padin na ngumiti at maging positibo sa lahat ng bagay.
Ngumiti ako sa kanya, itong mga nagdaan na araw nagiging iba na ang pananaw ko sa buhay mas naaapreciate ko na ang mga bagay na meron ako di tulad ng dati na wala akong tiwala sa mga bagay na nagagawa ko. Nang nakasama ko si Jamae nagkaroon ulit ako ng tiwala sa sarili ko at pag-asa na balang araw matutupad ko din ang mga pangarap ko.
Dumaan ang dalawang buwan at patuloy padin ang pagtuturo sakin ni Jamae at lubos talaga akong nagpapasalamat dahil natututo na ako marunong na akong magdrawing! Akala ko talaga imposible maabot ito pero wala ngang imposible kung magsususmikap kang gawin ang mga bagay na gusto mo.
Pauwi na ako galing eskwelahan Im more excited dahil may ibibigay akong regalo kay Jamae. Nakita ko syang nakaupo sa ilalim ng street light at katulad ng dati dala-dala niya din ang mga gamit naming sa pag-guhit.
" Hi " bati ko sa kanya ng makalapit ako,
Lumingon sya sa akin
" TADAAA !! " pinakita ko sa kanya ang ibat ibang lapis na nabili ko sa labas ng school namin, nakita ko syang natuwa at nagpasalamat.
" Binili ko yan sa tapat ng school, naisip ko kasing magugustuhan mo yan, sya nga pala Jamae naalala mo yung sabi mo na gusto mong makakita ng school? Idradrawing ko yun para sayo ! " at tumawa ako
" naisip ko sanang picturan nalang pero mas espesyal kapag pinag hirapan kong idrawing diba? "
Nakita kong tumango siya at niyakap ako.
"maraming salamat ate Alice"
........................................................................................................

BINABASA MO ANG
DRAW WITH ME
General FictionNangyari na ba sayo na minsan sa buhay mo ay natupad ang pinaka aasam asam mo. ang pangarap na matagal mo nang minimithi. na isang araw ay may isang taong dumating sa buhay mo na tumulong sa iyo iparealise na masyado pang maaga para sumuko. that you...