♫♫ ♫♫
Maganda ang naging resulta ng horror booth namin, marami ang natakot at marami din ang nagandahan sa disenyo ng booth naming. Masaya kami lahat dahil mas marami ang pumipila sa booth namin. May break kami at ginamit ko yung pagkakataon nayon para iguhit ang gym naming, actually gumawa ako ng scrap book ng buong school at imbis picture ay drawing ko ang nandoon, ito yung sopresa ko kay Jamae. Simula sa gate ng school namin hanggang sa gym, classroom, library at cafeteria.
Alas kwatro na at naghahanda na akong umuwi, excited na ako at bukas kakausapin ko yung head ng school namin para makapag enroll si Jamae sa school foundation na tumatanggap ng mga gifted child na gustong makapag aral ngunit walang kakayahan. Nag paset na ako ng meeting dahil kaclose ko naman ang student council president. Iniligpit ko na ang mga gamit ko at inihanda yung ibibigay k okay Jamae. Nagpaalam na ako sa mga kaklase at adviser ko nagkayayaan pa kumain sa labas pero tumanggi ako dahil may usapan kami ni Jamae.
Quarter to four ng lumabas ako ng gate ng school, napag pasyahan kong maglakad sa kanto para pumara ng jeep dahil ayoko na maglakad mas mabilis kasi kapag mag jijeep nalang ako, sumakay ako ng jeep at tatlong kanto nalang mula sa baba baan ko at nagkatraffic, alas singko medya na at halos hindi umaandar ang mga sasakyan nagsimula akong kabahan, nagsibabaan nadin ang mga pasahero bali tatlo nalamang kami na natira. Palingon lingon ako at hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko. I feel uneasy and the same time frighten.
Usap usapan na nagkaroon ng aksidente sa kanto, hindi ko na ako makatiis dahil alas sais na at siguradong matagal na nagaantay si Jamae sa lugar na yon, bumaba ako ng jeep at tumakbo. Hinagl na hingal ako at nagtaka dahil maraming tao ang nagkukumpulan sa lugar na yon. Nakarinig ako ng ambulansya at sirena ng pulis, halos ipagtulakan ko ang mga tao sa dadaanan ko bumilis ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba.
Narinig kong nag uusap ang dalawang babae,
" Kawawa naman yung batang nasagasaan, nakainom kasi yung driver ng truck at sumalpok sa poste, hindi ata napansin yung batang nakaupo doon. Tsk tsk. Delikado na talaga ang panahon ngayon. Blahblahblah .. "
Halos mabingi ako ng marinig ko yun, hindi ako naniniwala. Nag uunahang pumatak ang mga luha ko, napaupo nalamang ako sa malamig na simento, wala na akong naiintindihan sa paligid ko, halos lumaki yung ulo ko sa balita na sumabog sa akin. Sobrang sakit, yung taong tumanggap sa akin, yung taong tumulong sa akin, yung taong walang sawang sumuporta sa pangarap ko yung naniwala sa kakayahan ko. Ayoko ! ayokong tanggapin. Umiyak ako ng umiyak.
Tumigil ako sa pag iyak at napansing gabi na, alas siete na at nawala yung ingay nang mga tao, nakaupo ako sa dating inuupuan namin ni Jamae at nakasamid sa kadiliman ng gabi, napaka tahimik at tanging ako na lamang sa ilalim ng poste ng ilaw ang nandoon.
Humangin ng malakas, at nagpantay sindi ang ilaw.
Napapikit ako at nang dumilat ay nakita ko ang isang papel sa harapan ko.
Nanginginid ang kamay na dinampot ko ito,
There was it. Drawing ni Jamae, ako at siya na masayang gumuguhit sa lugar na ito mismo. Pareho kaming nakangiti at base sa larawan palubog na ang araw. Sa ibaba ng larawan na iyon ay may note akong nakita. Napaiyak ako ng mabasa ko iyon.
DRAW WITH ME ATE ALICE. MARAMING SALAMAT.
-JAMAE
THE END.
BINABASA MO ANG
DRAW WITH ME
General FictionNangyari na ba sayo na minsan sa buhay mo ay natupad ang pinaka aasam asam mo. ang pangarap na matagal mo nang minimithi. na isang araw ay may isang taong dumating sa buhay mo na tumulong sa iyo iparealise na masyado pang maaga para sumuko. that you...