♫♫ ♫♫
Kinabukasan ay maaga ako pumasok, wala pa si Jamae sa lugar namin. Dala-dala ko yung mga gamit ko sa sketching balak ko na ngayon mag drawing habang wala pang masyadong tao sa school.
Pumasok ako sa room at nakita kong wala pang studyante ang pumasok, umupo ako sa teacher's table at nag umpisang magdrawing.
Natapos ko sya ng bandang nag sisipasukan na ang mga kaklase ko, nagtaka sila kung bakit maaga ako at nakiusyoso sa ginagawa ko, marami ang di pumansin dahil alam naman daw na nila na sinasapian na naman ako ng pagka assuming, binababoy ko daw ang art , at nangangarap na naman ng gising pero may iba din na lumapit at nagulat sa gawa ko.
" Totoo bang ikaw ang gumawa nito Alice ! " sigaw ni Nicole sa akin ang kaibigan ko dito.
" sobrang ganda ! Guys tignan nyo oh, "
Pinag agawan na nila yung gawa ko at natatawa nalang ako dahil halos lahat ng mga kaklase ko ay hindi makapaniwalang gawa ko nga yun, marami sa kanila ang hindi makapaniwala , marami din ang natuwa at humiling na iguhit ko sila.
Hindi ko na namalayan ang oras at mag gagabi na, nawala na sa isip kong may usapan kami ni Jamae na ngayon ko ipapakita ang drawing ko.
The next day I become busy, marami na ang nag papagawa sa akin ng drawing. Pinasali nadin ako sa art club ng school, sobrang busy ko na at hindi na ako nakakapunta sa tagpuan namin ni Jamae, madalas na ako gabihin minsan ay maaga akong pumapasok. Nakalimutan ko na talaga ang usapan namin.
07:10 AM
Thursday
Papasok na ako sa school, may festival ngayon sa school namin at may booth ang bawat senior students, horror booth ang gagawin ng clase namin kaya ginabi na ako kaka drawing ng mga creepy stuffs na pwede naming gamitin sa booth, as always nalalakad ako nang Makita ko si Jamae na nakaupo sa tabi ng daan at bahagyang may ginagawa, isang lingo nadin ang lumipas simula ng huli naming pag uusap.
" Jamae!" I called her.
Lumingon sya at ngumiti ng makita ako.
" Good morning! Pasensya ka na at ngayon lang ulit ako nakipagkita sayo, huwag kang mag alala, may sopresa ako mamaya pag uwi ko. Magkita tayo ng alas singko sa lugar na ito at meron akong ibibgay sayong napaka halaga. Sa ngayon aalis muna ako para pumasok. Antayin mo ako ha? "
Tumango sya at ngumiti, dali-dali akong tumakbo papasok sa paaralan.
BINABASA MO ANG
DRAW WITH ME
General FictionNangyari na ba sayo na minsan sa buhay mo ay natupad ang pinaka aasam asam mo. ang pangarap na matagal mo nang minimithi. na isang araw ay may isang taong dumating sa buhay mo na tumulong sa iyo iparealise na masyado pang maaga para sumuko. that you...