Chapter 3: New Day

166 8 0
                                    

Hi po sa mga readers nito gusto ko lang po sanang malaman niyo na mabagal po akong mag update at sorry po kung laging may typos at error. Yun lang po.

-DoYouNeedMe-

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

CHAPTER 3: New Day

P.S

Bago po tayo magsimula, ito po yung nangyari kay Amber.

Amber's POV

Pagkapasok ko sa bahay hindi ko mapigilang umiyak at humagulgol.

I can't believe na sinayang ko lang yung panahon na kasama ko siya, hindi naman literally na katbi ko siya. Yung para bang nakikita ko siya araw-araw, yung ganoon ba.

Masyado ko kasing sineryoso yung sinabi niya sa akin na boundary ako at pinaglaruan niya ako.

Pero tama din siya kasi pag hindi pa siya umalis sa lalong madaling panahon at ngayong alam ko na ang lahat, mas masasaktan lang kaming dalawa. Mas magiging close kami sa isa't isa at hindi na mapaghi-hiwalay pa kaya mas maganda na siguro na ganito na lang.

Pinalilipat niya na rin ako ng school dahil marami kaming nagawang masasayang alaala doon na kapag binalikan ko pa masasaktan lang ako.

Tanga din kasi ako eh.

Napahiga agad ako sa kasama pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto.

Masyado siguro akong napagod. Masyado ding maraming nangyari ngayon, maraming magbabago, maraming sakit, maraming kasiyahan at lalo na maraming lungkot.

Dapat sinulit ko na ang panahon na magkasama tayo kanina.

Ngayong alam ko nang aalis ka, ramdam ko na ang lungkot kahit hindi ka pa umaalis.

Tama ka Ken, buti nasabi mo na boundary lang ako at ginamit mo para hindi ako masaktan para kapag nasabi mo sa akin iyon, hindi na masakit, pero mali ka din eh, mas lalo akong nasaktan.

Kinuha ko yung teddy bear na nasa tabi lang ng kama ko na bigay niya sa akin noong huling date namin. Si Mr. Cuddles.

"Pwede ko ba siyang pigilang umalis?" hawak-hawak ko ito at pinitik pitik ang ilong nito.

Naghihintay akong magrespond ang teddy bear pero naalala ko nga pang pala na walang buhay ang teddy bear at hindi nakakapagsalita.

Ang tanga mo Amber, ang tanga mo! -_-

"Bakit nga pala kita kakausapin kung hindi mo naman ako matutulungan" padabog kong binato ito sa kabilang side ng higaan ko.

Binagsak ko kaagad yung katawan ko ulit sa higaan ko.

Iniisip ko kung ano ang gagawin ko ngayong alam kong aalis na siya.

Pipigilan ko kaya siya o hahayaan ko na lang siyang umalis since nangako naman siyang babalik siya.

Pero paano kapag hindi niya tinupad yung pangako niya?Tuluyan na niya kaya ako iiwan?Babalik pa kaya siya o kaya may iba siya doon?

My ghad! Ang daming tanong na gustong masagot sa isip ko ngayon.

Pagulong-gulong na ako sa kama ko. 

Masisiraan yata ako ngayon!!!

Wala na akong maisip!

Wait! Nag-iisip pala ako ngayon, ang galing, alien!

"Aish, para na talaga akong baliw ngayon!" sigaw ko.

Kinuha ko naman agad yung teddy bear na ibinalibag ko kanina na bigay ni Ken sa akin.

"At ikaw naman! IKaw lang yung pwede kong kausapin at pwedeng pagtanungan ko pero ano naman mapapala ko sa iyo dahil hindi ka naman sasagot!" sigaw ko sa teddy bear sabay duro sa noo nito.

Why Is Love Complicated?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon