Kaya po 2.5 kasi continuation po ito kung bakit sila lilipat ng school.
Saka parang maganda pagka may. 5 pa eh...
-DoYouNeedMe-
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-
Chapter 2.5: Reason(Part 2)
Michelle's POV
Umalis na sina Krystal at Ella para kumain sa mcdo. Dapat pala nagpabili ako ng float sa kanila.
"Ayos ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Kyra kay Amber.
"Oo naman" sabi ni Amber.
"Alam mo dapat hindi mo iniiyakan yung Ken na iyon" sabi ni Kyra kay Amber.
"Tama si Kyra, iyakan mo lang siya kapag nawala siya sa tabi mo, nawala siya sa piling mo" sabi ko sa kanila. Nagtu-tubig na yung mata ko at handa ng umiyak kaya tumingala na lang ako para mapigilan.
"Ang masaklap pa doon, alam mong mahal ka niya at mahal mo siya pero tuluyan naman siyang nawala" sabi ko. Hindi ko na kaya, hindi ko na kaya yung sakit.
Akala ko yung pagtingala mapipigilan ko yung luha pero napaluha pa rin ako.
"Ang sakit, sobra, alam mong kayo na ang magka-katuluyan pero hindi matanggap ng puso mo na wala na siya" sabi ko.
"Uy, Mich, huwag ka nang umiyak" sabi sa akin ni Amber.
"Ang daya ng tadhana no?" tanong ko sa kanila.
"Mich, alam naming mahal mo siya higit pa sa buhay mo pero tanggapin mo na wala na siya" sabi ni Kyra.
"Ginawa niya iyon para sa iyo" sabi sa akin ni Amber na lalong nagpatulo ng luha ko.
Lumapit si Amber sa akin at tinapik-tapik ako.
"Iiyak mo na lang iyan" sabi ni Kyra sa akin.
Tumabi silang dalawa sa akin at hinayaan na lang akong umiyak.
Ang dami ng problema namin. Sobra at ang sasaklap pa.
Pagkatapos noon hinarap ko sila at inayang maglibot na lang sa campus.
Habang naglalakad nagkwe-kwentuhan kami ng masaya ng biglang huminto sa pag-lalakad si Amber at nag-iba agad ang expression ng kanyang mukha.
Napatingin kami ni Kyra sa tinitingnan ni Amber.
Napanga-nga na lang ako.
Naglalakad papalapit si Amber kay Ken, ang kanyang ex na hindi naman siya minahal at pinag-laruan lang siya at ginawang boundary.
May kasama si Ken na limang babae at isa doon nilalandi ni Ken. Dahil nga cassanova kaya habulin ng mga babae.
Siguro iyon yung nakita noon ni Amber na kalaplapan ni Ken sa ilalim ng puno sa garden.
Nagulat kami noong napansin ni Ken si Amber tapos sinabing "Hi babe"
Nakuha pa talaga ni Ken na maghi kay Amber kahit may kasama siyang ibang babae. Walang magagawa pure casanova eh.
Napahinto ng kakatawa yung girl na lumalandi kay Ken at tiningnan si Amber paa hanggang ulo tapos inirapan. The nerve of that Girl!!!
Hindi ko hahayaan yung babaeng iyon ganunin si Amber! Susugod pa lang sana ako sa girl pnahinto na ako ni Kyra at hinayaan.
"Pero -"
"Hayaan mo, sasabihin ko na lang kung kailan, ok?" pagputol sa sasabihin ko dahil kay Kyra.
BINABASA MO ANG
Why Is Love Complicated?!
RomanceWhy Is Love Complicated?! - yan ang karamihang mga tanong ng mga taong may mahal, minamahal, at minahal... Ang tanong nga ay bakit nga ba Why Is Love Complicated?! Alam natin na marami ang tinatawag sa love, tulad ng mga: - Love at first sight - On...