Hi po sa mga readers *kaway kaway* sorry po kung may mga typos at errors sa chapter 1.
Saka po wag niyo po akong ibash kasi wala naman po akong ginagawang mali.
-DoYouNeedMe-
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-
Chapter 2: Reason
Krystal's POV
~Flashback~
Noong March 16
At garden...
Nakahiga kami dito sa damuhan habang nakatitig sa langit, lahat kami nakatahimik at pinagmamasdan ang mga ulap.
"Bakit ganoon?" si Ella iyan, nagtanong.
"Anong bakit?" tanong ni Kyra kay Ella na parang naguguluhan sa tanong ni Ella.
"Oo nga eh, anong bakit ba?" tanong din ni Mich(Michelle) kay Ella.
Naguguluhan nga rin ako eh, hindi ko maintindihan kung bakit siya nagkakaganito.
"Bakit ang bilis?" tanong ulit ni Ella.
"Anong mabilis?" nagtanong na din ako dahil sobrang naguguluhan na din ako sa mga pinagsasabi niya.
Hindi niya pa sinasagot yung mga tanong namin kaya tumingin-tingin ako sa paligid.
"Wala pala ganoong tao dito no?" tanong ko sa kanila pero hindi nila ako sinagot.
So ganoon, para tuloy akong hangin, wala man lang pumapansin sa akin, ganyanan pala ah.
Pero pansin ko lang ah, ang tahimik naman nila Mich ngayon, kahit alam kong nagtanong siya kay Ella author, tahimik siya kaya wag mo na po akong barahin. Tapos naman si Amber kanina pa hindi umiimik ang bruha, naninibago tuloy ako sa kanilang dalawa, hindi nambabara si Amber tapos si Mich naman hindi nang-aasar.
May dumaan po bang anghel?
O nangtri-trip sila?
Ok, balik kay Ella masyado nang nalayo sa pinag-uusapan kanina kaya balik kay Ella.
Naghi-hintay pa rin ako sa sasabihin ni Ella.
"Bakit ang bilis ng panahon?" tanong niya sa amin.
Napansin kong napalingon na din si Mich at Amber kay Ella.
"Bakit ka ba nagkaka-ganyan?" tanong ko kay Ella.
"Ganito ka-" kasi-simula pa lang ni Ella bigla na lang sumingit si Kyra.
*insert death glare for Kyra*
"Ella, wag mo nang patagalin pa at wag kang paligoy ligoy, direct to the point na" sabi ni Kyra kay Ella. Grabe napatayo yung balahibo ko sa sinabi ni Kyra. Nakakatakot ka talaga Kyra, sobra!
"Sabi ko nga, ano kasi, uhmmmm..." sabi ni Ella.
"Anong ano kasi huh?!" sabi ni Kyra, kawawa naman si Baby Ella ko.
"Kasi akalain mo iyon ang bilis ng panahon na parang kung kailan lang bata pa lang tayo saka kakakilala ko pa lang sa inyo tapos naging magka-kaibigan tayo at " pinutol ni Ella ang kanyang sasabihin.
"At?" tanong ni Michelle kay Ella.
"Bilisan mo nga, sabihin mo na kasi oh!" masyado na akong naiirita, ang tagal niya naman magsalita ulit.
"Sabihin mo na nga Ella, may pabitin bitin ka pa kasing nalalaman eh" lagot ka Ella, ginalit mo na yata si Kyra.
Hindi siya pinansin ni Ella habang kami naman nila Mich ay naghihintay ng sasabihin niya at yung si Amber ay nakatingin sa kawalan na para bang malalim ang iniisip.

BINABASA MO ANG
Why Is Love Complicated?!
RomanceWhy Is Love Complicated?! - yan ang karamihang mga tanong ng mga taong may mahal, minamahal, at minahal... Ang tanong nga ay bakit nga ba Why Is Love Complicated?! Alam natin na marami ang tinatawag sa love, tulad ng mga: - Love at first sight - On...