Special Chapter: Goodbyes

211 6 4
                                    

Sorry po kung matagal yung update, busy po kasi eh, saka may tinatype pa po akong isang book at isang oneshot kaya medyo natagalan sa pag-update.

BTW, may media po dyan, paki play po mamaya para mas feel niyo.

-DoYouNeedMe-

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

SPECIAL CHAPTER: Goodbyes

Amber's POV

 "Bakit ayaw mong sagutin yung tawag ko?!" inis kong sabi.

Kanina pa ako sa kanya tumatawag pero hindi naman niya sinasagot. Nakaalis na kaya siya? Pero hindi eh, nagri-ring pa yung phone niya so ibig sabihin noon wala pa siya sa eroplano.

May pag-asa pa akong natitira para maabutan ko siya sa airport.

Alam kong nahihirapan ka pero Ken ito lang ang tandaan mo, hindi lang ikaw kaya kung akala mo ikaw lang ang nahihirapan sa ating dalawa, well, nagkakamali ka.

Kung ito nga lang talaga yung paraan para ipagpatuloy natin ang relasyon nating dalawa, payag ako sa gagawin mo pero huwag lang ganito.

Ayaw kitang mawala sa akin kung parang nagiging selfish ako, oo, ayaw kitang mawala sa tabi ko.

Alam kong maraming segundo minuto, oras, araw at mga linggo ang nasayang na hindi tayo magkasama pero please lang Ken, hayaan mo akong sabihin lahat ng gusto kong iparating sa iyo.

'I like you Amber'

'Wala ka bang sasabihin'

'Bakit? Nagtatanong ka ba'

'Amber naman, bahala ka mambababae ulit ako sige'

'Uy Ken wag naman!'

'Sabihan mo naman ako ng I like you'

'Ayoko nga'

'Sige ka ang daming babae naman dito mamimili na talaga ako n-'

'Oo na I like you!'

Napangiti ako ng maalala ko iyon. Tumingin ako sa teddy bear na nasa passenger's seat, yung bigay ni Ken.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa daanan.

Andito na ako sa airport pero hindi pa rin ako umaalis sa kotse ko.

Nag-iisip pa ako kung ibibigay ko yung teddy bear na binigay niya sa akin.

Nag-isip isip pa ako ng saglit pero hindi ko na ito kinuha at pumasok na ako sa airport.

"Ang daming tao naman dito" banggit ko.

Tumingin tingin ako sa paligid ko kung makikita ko pa ba siya.

Calling the passengers that will be departing to South Korea

Unti-unti na ako nawawalan ng pag-asa na makita ko siya kahit saglit lang.

Naghanap-hanap ako ulit kahit wala na akong pag-asa pang makita siya.

Nakakabunggo na nga ako ng ibang tao pero wala akong pakialam sa kanila ngayon.

Napagod ako sa kakahanap sa kanya dahil ubod ng daming tao ngayon dito.

Pero noong naghahabol ako ng hininga, nakita ko siya.

Alam kong siya iyon. Kilalang kilala ko siya.

"Ken!" sigaw ko.

Bigla siyang napalingon sa direksyon ko. Hindi nga ako nagkakamali si Ken nga talaga iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Why Is Love Complicated?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon