Update #5 - Chapter 5 - Where's Reed?!

212 9 2
                                    

Update #5 - Chapter 5

‘’REED!’’ napabalikwas si Charmaine sa pagkakahiga.

Naramdaman niyang may mga tubig na umaagos nanaman sa mga mata niya.

Inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid.

Puro puti ang nakikita niya. Hindi niya kwarto ito.

Nasa hospital siya.

Napahawak siya sa ulo niya at naalala niya ang nangyari sa kanya.

Bigla nanaman siyang napaiyak.

Naramdaman niyang may yumakap sa kanya at napatingin naman siya sa taong ito.

‘’mommy!’’

Umiiyak ito habang nakayakap sa kanya.

‘’buti naman anak nagising kana, halos mabaliw ako sa pagaalala sa iyo, buti nagising kana’’ sabi nito saka muling yumakap sa kanya at nagiiyak.

‘’mo-mommy so-sorry po’’ pahinging tawad niya.

kumalas ito sa pagyakap sa kanya ‘’ayos lang iyon anak, ang mahalaga ligtas ka at maayos, wag mo nang uulitin yon ha?’’

‘’opo, hindi ko nap o uulitin’’ sabi niya.

May dumating na doctor at chineck-up siya

‘’ok naman po siya, kailangan niya lang pong magpahinga at pwede niyo na rin siyang inuwi kung gusto niyo’’ sabi nito sa mommy niya.

Napabangon ulit siya ng may maalala.

‘’mommy!’’ tawag niya sa kanyang mommy ‘’nasan po si Reed?’’ punong puno ng pag-aalalang tanong niya sa ina.

Napayuko naman ang ina niya at mukhang lungkot na lungkot na halos maiyak na.

Bigla nalang tunulo ang luha niya ng masagana at nanghina siya.

‘’mommy, ano po? Nasan na siya? Maayos naman siya hindi ba? Gusto ko oo siyang puntahan at may mahalaga po akong sasabihin sa kanya’’ sabi niya rio.

Ayaw niyang maniwala sa iniisip niya, ok lang ito. Mali siya, walang nangyaring masama dito.

‘walang nangyaring masama sa kanya Charmaine, wag kang mag-isip ng masama, mali ini-isip mo, mali’ sabi  niya sa sarili pero hindi niya parin mapigilan ang pag-iyak.

Pano kung totoo ang hinala niya? Anong gagawin niya? Kasalanan niya ito. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung may masamang mangyayaring masama dito. Hindi dapat siya nagpunta dito nang araw na iyon. Hindi dapat siya sumugod sa baha.

Napahagulgol na siya.

‘’Charmaine! Charmaine!’’ tawag ng isang pamilyar na boses sa kanya.

Bigla naman siyang napatingin dito.

Nagulat siya ng makita ito, napayakap siya dito at nagiiyak sa balikat nito.

‘’tahan na Cha tahan na’’ pag-aalo ni Presea sa kanya.

May narandaman naman siyang humagod sa kanyang likuran bumitaw siya sa pagkakayakap kay Presea.

‘’buti nagising kana’’ sabi nito ng nakangiti.

Niyakan naman niya ito.

Si Winry.

‘’alam mo kung wala lang tayo dito masasapak na  kita ng todo’’ sabi nito saka siya kinurot sa ilong pagkatapos nilang magyakapan.

‘’ano naman ang iniiyak iyak mo diyan?’’ tanong nilang dalawa.

‘’si Reed kasi… si Reed’’ sabi niya saka nanaman napahagulgol at tinakpan ang mukha gamit ang kanyang dalawang kamay ‘’ si Reed...’’

‘’bakit?’’

August 9, 2012

5:40 am

Easy to Get - CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon