Update #3 - Chapter 3

186 9 4
                                    

Update #3 - Chapter 3

Kinabukasan nasuspenda ang klase dahil sa malakas na ulan at maraming lugar ang binaha.

Na-plano na pa man din niya na kakausapin niya ngayon si Reed.

Itinawag na rin niya ito kay Presea kanina bago ma- announce na walang klase.

Naiinip na siya, hindi siya mapakali. Gusto na niyang kausapin si Reed tungkol sa kaninalang dalawa.

Nakapagdesisyon siyang puntahan nalang ito sa kanila. Alam na rin naman niya ang bahay nito.

Nagbihis siya bago lumabas ng kwarto. Nasa may hagdan na siya ng bumalik siya sa kwarto niya.

Kinuha niya ang susi niya.

‘kalimutan ba ang susi, ang tanga ko naman ngayon’ sabi niya sa isip niya.

Nang malapit na siya sa pintuan para lumabas, bumalik nanaman siya ng kwarto niya.

‘katangahan talaga Charmaine umiiral’ sabi nanaman niya sa sarili.

Kinuha niya ang kanyang bag, nakalagay na doon ang wallet at ang kanyang cell phone, yun lang naman ang kailangan niya.

Papalabas na siya ng kwarto niya ng bigla siyang napahinto.

Iche-check niya muna kung kumpleto ang kanyang dadalhin.

Tinignan niya kung dala na niya ang cellphone, wallet at syempre ang susi, susi ng kotse niya.

Nangma-check na niya ang gamit niya at kumpleto naman, umalis na siya. Paglabas niya sa kwarto nakita niya ang kanyang mama, pero hindi niya ito pinansin at tuloy-tuloy lang siya sa pagbaba mula sa hagdan.

‘’Charmaine’’ tawag sa kanya ng mama niya, tumigil naman siya at tinignan ito ‘’where do you think your going? Look ang lakas ng ulan’’

‘’sandali lang ako mommy, may kakausapin lang ako sige bye’’ saka siya nagtuloy umalis.

Pinaandar niya ang kanyang sasakyan.

Mediyo malayo layo ang lugar kung saan nakatira si Reed kaya kailangan niyang bilisan.

Nasa kala-gitnaan na siya ng biyahe niya papunta kila Reed ng makitang mataas ang baha sa dinadaanan niya, hininto niya ang kotse niya, wala naman siyan alam na ibang dadaanan kaya nagtuloy na siya. Wala siyang pakialam kung baha man, ang mahalaga makausap na niya si Reed ngayun-ngayon din.

May limang minuto na din siyang nakasulong sa baha simula ng tumigil siya kanina ng biglang namatay ang sasakyan niya.

Mediyo kinabahan na siya.

Sinubukan niyang paandaring muli ang makina pero pagka-andar nito ay namatay ulit.

Kinalma niya ang sarili at sinubukang paandaring muli ang makina, pero hindi na ito umandar pang muli. Ilang beses niya pang sinubukang paandarin ito pero nabigo siyang paganahin muli ang makina.

Nahampas niya ang kanyang manubela.

Tinignan niya ang paligid.

Puro tubig.

Mataas ang baha.

Walang tao.

Tinigan niya ang side mirror niya at hindi na niya mapigil ang kaba.

Sa kakasubok niya yata kanina na paandaring muli ang makina ng sasakyan ay hindi niya napansin na tumataas na ang tubig.

Tumataas ang tubi g baha.

Easy to Get - CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon