Update #9

198 5 0
                                    

Update #9

‘’aahhmmm… excuse me’’ narinig  niyang sabi ni Reed ‘ano naman kaya ang sasabihin nitong aso nato?’ tanong niya sa loob-loob niya, nasabi niyang aso kasi pag-ngumingiti ito sa kanya o kaya naman ay ngumingisi, nagmumukha itong aso.

‘’alis na muna po ako, baka babalik nalang po ako mamaya’’ patuloy nito.

Bigla naman siyang napaupo pagkadinig niya sa sinabi nito saka tumaas ang kilay.

Napatingin naman ang lahat sa kanya.

‘’at saan ka naman pupunta ha lalaki?’’ tanong niya dito.

‘’makapagtanong parang asawang babae? Eh dini-deny mo nga na kayo na, ibang klase’’ Winry, na nakahalukipkip.

Tiningnan niya lang ng masama ito.

Lumapit naman ito sa kanya at umupo sa tabi niya sa kama saka hinawakan ang kamay niya.

Humawak naman ito sa batok nito na parang nahihiya.

Binawi naman niya ang kamay na hawak nito ‘’makahawak?’’ sabi niya.

Nag-tawanan naman ang mga kasama niya sa sinabi niyang iyon.

‘’excuse us, mauuna na muna kami sa inyo, may kailangan pa kasi kaming tingnan na iba pang pasyente’’ sabi ng doctor ‘’babalik nalang kami kung may kailangan kaming gawin o icheck-up kay Charmaine o kung may kailangan kayo’’ tumingin naman ito sa kanya ‘’pahinga ka ha hija’’ sabi nito saka naman humarap sa parents niya ‘’pagpahingahin niyo po muna siya at kahit anong oras pwede niya na siyang ilabas, ok lang naman po siya’’ sabi nito.

‘’ah opo sige po, salamat’’ sabi niya at nginitian naman siya nito.

Napatingin naman siya sa Nurse na katabi nito.

‘what a beautiful Nurse, bakit hindi nalang ito mag model o kaya ang mag artista’ sabi niya sa loob niya.

Napatingin naman ito sa kanyan at ngumiti.

‘mas lalo siyang gumaganda kapag ngumingiti’ sabi niya pa ulit.

She want to be as beautiful as her.

Lumabas na ang kanyang Doctor kasama ang magandang Nurse at umalis.

Tinignan niya ang dalawa. Mukhang bagay na bagay ang mga ito. Tingin niya may future ang mga ito.

She’s wondering kung may relasyon ba ang mga ito.

‘’guys pansin niyo ang ganda nung Nurse no?’’ sabi bigla ni Jemaika.

‘’napansin mo din pala’’ sabi naman ni Lily.

‘’pati yung Doctor ang gwapo, bagay sila’’ sabi niman ni Winry.

‘’oo nga gwapo a maganda, they fit together’’ sabi naman ni Maggie na napatingin kay Ralph at nginitian.

‘’oo nga, kahit na hindi sila nag-uusap, basta mag-kasama sila kikiligin kana kahit wala man silang ginagawa’’ sabi naman ni Leigh na mukhang kinikilig nga dahil sobra kung makangiti. Kumawit naman ito kay Jason.

‘’and they love each other’’ bigla sabi ni Presea.

Napatingin naman kaming lahat sa kanya.

Easy to Get - CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon