Update #8

205 7 8
                                    

Update #8

‘’wag ka nang magkaila, sinabi mo na iyon at wala ng bawian, mahal mo din ako at yon ang totoo, tapos’’

Napalunok naman siya, napaka-lapit kasi ng mukha nito sa mukha niya ‘’a-anong tapos. Walang tapos dahil wala naman nag-umpisa’’ sabi niya ‘ano kaba Charamine! Ang tanga mo, bakit yun ang sinabi mo? Anong connect? Ang tanga lang!’ saloob loob niya.

Hindi siya makapag-isip ng mabuti at ng tamang sasabihin, napakalapit kasi ng mukha nito na parang hahalikan siya nito.

Ang bilis ng tibok ng puso niya, parang may kabayo na naghahabulan sa loob.

Ang init na rin ng mukha niya.

Hahalikan ba siya nito?

Shet lang!!! bakit ganito ang init ng mukha niya at sumasabay pa ang mga kabayong naghahabulan sa loob ng dibdib niya.

‘’bakit parang ang layo ng sagot mo?’’ sabi nito ang lalo pang inilalapit ang mukha sa kanya.

Palapit ng palapit.

Nakatingin naman ito ng diretso sa mga mata niya.

Nanghihina na ang kanyang mga kamay na nakatukod sa likod niya sa kama, sinosoportahan nito ang katawan niya para hindi mapahiga dahil sa napapaurong pahiga ang katawan niya dahil inilalapit nito ang mukha sa kanya.

Napatingin naman siya sa labi nito.

Parang nangaakit iyon na halikan niya.

Napakapula niyon, mamasa-masa pa at mediyo naka-awang din na parang nagyaya na halikan niya.

'Shet talaga!' Ang init ng mukha niya. Hindi niya alam kung namumula siya o ano.

‘’umamin kana... ah! Umamin kana pala kanina, itinanggi mo lang, sabihin mo na kasi na mahal mo na talaga ako’’ sabi nito sa mahinang boses na napakalapit parin sa mukha niya.

Lalong nanghina ang kamay niya ng magsalita ito, nakakapanghina kasi ang boses nito, hindi magtatagal at bibigay na talaga ang kamay niya sa pagsoporta sa katawan niya at mapapahiga siya sa kama ng wala sa oras.

Na-amoy din niya ang maiinit at mabangong hininga nito.

Ano kaya ang feeling ng mahalikan ng mga labi na iyon?

Napaka-swerte ng babaeng hahalikan nito.

Mukhang masarap halikan at kagatin.

Napa-lunok nanaman siya at napakagad labi.

Damn! Baka hindi siya makapagpigil at mahalikan niya ito!

Charmaine Charmaine, behave… babae ka… tandaan mo yan.’ Paalala niya sa sarili.

Napatingin ulit siya sa mga mata nito.

At ang lechugas na nilalang! Kinindatan siya.

At dahil doon…

Bumigay na ang kamay niya at napahiga siya.

Sinalo naman nito ang ulo niya gamit ang kaliwang kamay nito at ang likod niya gamit naman ang kanang kamay naman nito.

At dahil doon…

Nanlaki ang mata niya.

‘FUCK! SHET! DAMN! HELL!’sigaw niya sa sarili niya.

‘ANG FIRST KISS KO!’

Napasama ito sa pagkahiga niya at tumama ang labi nito sa labi niya.

Easy to Get - CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon