Update #15 - Chapter 9 - Break ang Gas

120 5 0
                                    

Update #15 - Chapter 9 - Break and Gas

Naglalakad si Reed at Charmaine palabas ng masyon ng mga Ladesma. Tahimik lang sila hanggang sa makarating na sila sa kulay pula na Audi car ni Reed.

‘iba na talaga mayaman, kahit na bata palang nakakpagdrive na at may ganitong sasakyan pa. naks naman’ bulong niya sa sarili.

 

‘parang ikaw hindi’ kontra naman niya sa unang sinabi.

 

‘oo nga pala’

Pinagbuksan na ni Reed si Charmaine ng pinto at pumasok na sa loob ng sasakyan. Umikot naman si Reed sa kanyang sasakyan at saka narin pumasok sa loob ng kanyang Audi Car.

Pinaandar na niya ito saka na sila tuluyang umalis sa lugar ng mga Ladesma. Habang nasa biyahe naman sila walang nagtangkang bumasag sa katahimika nilang dalawa.

Reed

Napakasaya parin ni Reed sa mga nalaman tungkol sa mga magulang ni Charmaine at sa mga sinabi ng mga ito sa kanya kaya nananahimik parin siya at yun ang iniisip niya.

‘hindi ko parin makalimutan yung sinabi ng parents ni Charmaine. Nakakagulat na matagal ko na pala siyang fiancé. Suportado pa ako ng mga parents namin sa relasyon namin…hmm… sa magiging relasyon pala namin. Nakakatuwa ang kulang nalang talaga ay sagutin na ako nitong pinakamamahal kong si Charmaine. Officially. Sobrang saya ko na parang wala ng paglalagyan ang saya pero kulang parin. Nagmamahal nga naman ang gulo’

 

 

Charmaine

Sa kabilang banda naman, nakatingin lang si Charmaine sa labas ng bintana ng sasakyan. Pinagmamasdan ang dinadaanan nila.

Hindi naman niya magawang kausapin si Reed dahil naalala niya parin yung ginawa at pinagsasabi niya dito kaninang umaga.

‘bakit naman kaya hindi ako kinakausap nito?’ tanong niya ‘galit kaya siya?’ nagaalalang tanong niya ‘kasi naman Charmaine ang engot mo lang naman. Kung anu-ano kasi yang tumatakbo sa utak mo ayan uloy nangyayari sayo’ kastigo niya sa sarili ‘dapat gumawa ako ng paraan para makapag-usap kami ngayon habang nasa biyahe pa, kasalanan ko naman kaya dapat ako ang unang gumawa ng hakbang para makapagusap naman kami kahit papaano’ pagplaplano niya.

 

Tiningnan  niya si Reed at nakita naman niyang nakangiti ito.

Easy to Get - CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon