Update #1 - Chapter 1

525 11 10
                                    

hello guys! sana magustuhan niyo tong story na ito. sana magvote at comment kayo, kung gusto niyo lang naman haha! I will appreciate it kung magvovote at mag iiwan kayo ng comment. feel free din to criticise, ok lang naman sa akin haha!

ENJOY READING GUYS!

Update #1 - Chapter 1

‘’pano ba to? Bukas na Valentines hindi ko pa nasasabi sa kanya na gusto ko siya’’ kinakausap ni Charmaine ang sarili niya.

Naglalakad siya sa hallway papunta sa gym, nakayuko naman siya habang naglalakad, nakahawak ang kaliwang kamay sa kanang siko at ang kanang kamay naman ay nakahawak sa baba.

‘’paano ba?’’ tanong niya ulit sa sarili.

Ini-isip niya kasi kung paano niya aamin na may gutso siya kay Reed.

‘’pano kaya kung ganito sabihin ko ‘ Reed gusto, kita matagal na, pwede bang tayong mag-date bukas?’’’

‘’Ay mali-mali!’’ niya sa sarili niya.

‘magmumukha naman akong desperada’

‘hindi nga ba desperada na ko nito?’ sabi niya ulit sa sarili.

‘’pano kung ganito ‘may sasabihin ako sayo Reed pero wag kang mabibigla, gusto kita matagal na, yun lang salamat’ tapos aalis na ko’’

‘’ay hindi, parang tanga naman ako noon, aamin tapos mag-wa-walk-out ano yun?’’

‘’aahhmm… pano ba? Anu bang sasabihin ko?’’

Nag-isip nanaman siiya ng magandang sasabihin at paano gagawin.

‘’ganito kaya—‘’

‘’HI CHARMAINE’’ masiglang bati sa kanya ni Reed.

Nabigla naman siya.

‘’GUSTO KITA REED!’’ pasigaw na sabi niya dahil sa pagka-bigla ‘’hamp!’’ natakip niya ang kanyang bibig gamit ang kanyang dalawang kamay.

Luminga-linga siya ‘’sino yun?sino nag-sabi nun ha? Sino? Sino?’’ tanong niya, hindi  niya kasi alam ang gagawin, nasabi niya yun ng wala sa oras dahil sa pagkabigla ‘’nasan na bakit nawala? Bakit hindi ko makita kung sino nag-sabi non’’ patuloy parin na pagmamaang maangan niya.

Nahihiya siya sa nangyari. Kung bakit naman kasi nanggugulat ito.

Hindi niya na alam ang susunod na gagawin kaya tumingin nalang siya dito at kitang kita niya ang napakalapad na ngiti nito.

Lumapit ito sa kanya at yumuko papalapit sa mukha niya.

Pumikit naman siya sa pag-aakalang hahalikan siya nito.

Pero walang labing dumampi sa kanyang mga labi.

Naramdaman lang niya na may hangin tumatama sa kanyang labi.

Pag-mulat ng mata niya, nakita niya ito na malapit parin sa mukha niya at itsurang hahalikan siya, nakangiti at hinihipan ang labi niya.

Namula naman siya sa ikinilos niya. Bakit ba niya inisip na hahalikan siya nito?

‘’talaga?’’ tanong nito.

‘’ha?’’ tanong din niya.

‘’na gusto mo ako’’

‘’sino ? ako? Ano ka? Ano… ahmm.. ano ka--’’

Easy to Get - CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon