Chapter 33
The rain outside the window is pouring harsh, ngumuso ako at pinicturan ang labas ng bahay pagtapos ay sinend kay Elos iyon. Hindi ako makakaalis na ganyan ang bugso ng ulan, kahit magpayong ako ay mababasa pa rin ako panigurado.
"Met, sama ka na!" ani Cheena habang kumakain ng Nova, nakasalampak siya sa sofa at nakapatong ang dalawang paa sa center table.
"Hindi ako puwede, may pasok ako sa araw na 'yon."
"Tss, sumama ka na, beb!" gatong ni Eero, naka aviators siya habang nakahilig ang batok sa sandalan ng sofa. Mukhang pagod na naman.
"May pasok nga ako! Kulit mo!"
Kanina pa sila nangungulit sa akin na sumama sa birthday ng pinsan ni Eero na gaganapin sa susunod na araw, hindi talaga ako puwede noon dahil final examination kinabukasan. Mahirap na at baka hindi ko pa ma-take iyon dahil sa paglalasing ko kung sakali sa birthday party ng pinsan niya.
"Bakit? Gabi naman 'yon, a?" asik ni Cheena.
"Magpapahinga ako sa gabi dahil exam namin kinabukasan nun!" giit ko sabay irap kay Chi.
"Ano ba naman 'yan! Naging kayo lang ulit niyan ni Elos, e!"
Humagalpak si Eero at tinanggal ang aviators niya.
"Natumbok mo, friend! Sa susunod abo na lang tayo niyan! Hindi na kilala!"
Nagtawanan silang dalawa at nag high-five, sumalampak si Eero sa tabi ni Cheena at nakiagaw din sa Nova nito. Nagkrus ako ng mga braso sa dibdib at matalim silang tiningnan.
"Hindi naman kami madalas magkita, a! Kung sasama ako sa inyo, baka wala akong maisagot sa exam."
"Magreview ka bago pumasok, simple!" Tawa ni Cheena sabay suntok sa hangin. "So, deal na! Sama ka na! Hahatid ka na lang ni Eero bago mag alas dose, oh!"
"Yes!" sang-ayon ni Eero. "Tulungan pa kitang mag review!"
I just sighed and rolled my eyes, tumalikod na ako para tumungo sa kusina. Mom was cooking for lunch, si Tito Jaime naman ay may meeting sa Laguna para sa business kaya wala rito sa bahay simula pa kaninang umaga.
Ngumiti si Mommy nang makita ako, I smiled back and helped her put plates and utensils on the table.
"Kumusta si Elos, nak? Sama ba siya sa lunch ngayon? O dinner na?"
Nagkibit balikat ako at tiningnan ang cellphone, may text si Elos doon kaya binasa ko muna.
Elos:
Landed back, sweetlips. Siguro, 3pm pa ako makakabalik ng Manila. Malakas din ulan dito.
Elos:
I miss you. What are you doing?
Elos:
Have you eaten lunch?
I bit my lips and typed a reply, hinila ko ang isang upuan para maupo roon.
"Hindi siya makakasabay ng lunch, 3pm pa raw siya makakabalik ng Manila." imporma ko kay Mommy.
Isang linggo pa lang simula noong pag-uusap namin ni Elos sa condo niya, kinabukasan ay nagpasya agad siyang magpakilala ulit kila Mommy. Mom was shocked, si Tito Jaime ay tatawa-tawa naman at parang inaasahan na ang presensya ni Elos ulit.
Pinagsabihan din ako ni Mommy tungkol kay Eero, kahit papaano naman ay iniisip ko pa rin siya at ang nararamdaman niya kaya kahit kailan ay hindi ko sinasakto si Elos kapag nasa bahay si Eero. Though, nabawasan ang pagpasyal niya sa bahay nitong nakaraan dahil may tinatrabaho na sa kanilang kumpanya.
