Shancai
'I won't forget this day. Thank you so much. Goodnight, my princess. I love you.'
Napangiti ako sa sinend na text sa akin ni Daoming Si. Kahit ako ay hindi makapaniwala sa araw na ito. Ang daming plot twist. Akala ko buong linggo nanaman kami hindi magkikibuan dahil sa bunganga ko pero ito lang ang nakapagpatigil sa lahat ng bangayan namin.
I'm finally entrusting myself to Daoming Si. Well, hindi naman buong sarili. Syempre dapat nagtitira tayo para sa sarili natin.
Rereplyan ko na sana ang mensahe sa akin ni AhSi pero nagulat ako nang hindi ito nagsesend. Shit. Wala na akong load! Naku! Patay ako nito kay Daoming Si. Naiimagine ko nanaman ang nakasimangot na mukha niya.
Nagring nanaman ang cellphone ko.
'Come out. Now.'
Sinasabi ko na nga ba. Agad akong bumangon at sumulyap sa mahimbing na natutulog na si Xiaoyou kaya naman agad akong tumakbo palabas ng kwarto. Pagkalabas ko palang ay may humila na sa akin at napagtanto ko agad na si Daoming Si 'yon. Hindi na ako pumalag mga tulog na ang mga tao dito maliban sa aming dalawa. Dinala niya ako sa kwarto niya, pag dating namin doon ay agad ko siyang hinampas pagkabitaw niya sakin.
"Ow! What's wrong with you? Hindi ka na nga nagreply sa akin, nakuha mo pang manghampas!"
"Shhh!" Agad kong tinakpan ang bibig niya. "Ano ka ba? Gabi na. Baka marinig nila tayo."
Inalis niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa kanya. Ngayon ay mas malapit ang distansya namin sa isa't isa at halos marinig ko na ang bilis ng tibok ng puso ko.
Hindi ito ang unang pagkakataon na makita ko siya ng malapitan pero iba parin ang dating nito sa akin. Who wouldn't be attracted to Daoming Si? Hindi ko matanggap sa sarili ko mismo na we're together. That he's in love with someone like me.
"Laway mo." I shook my head as he smirked. "Wag ka masyadong magpahalatang in love ka sa akin."
Lumayo ako. "Tss. Masyado ka naman atang gwapong gwapo sa sarili mo." Kahit na halata na, talagang dinedeny ko pa. Ganyan katatag pride ko.
"Bakit hindi ka nagrereply?"
"Gosh, ilang minutes palang ako hindi nakakapagreply ganyan ka na. Tsaka wala akong load."
"Walang load? Dapat lagi ka nang may load lalo na ngayon! Dapat alam ko kung nasaan ka at anong ginagawa mo."
"Aren't you being possessive? Anong point ng pagkakaroon ng load kung lagi naman tayong magkasama?"
Tumaas ang kilay niya. Ha! Ano? Narealize mo din ano? "Kahit na. In case lang. Ah, basta! Dapat may load ka lagi."
"Hindi naman ako kasing yaman mong may load lagi."
"Edi papaloadan kita! Dapat magreply ka agad. You understand?"
Huminga ako ng malalim. Alam kong wala akong magagawa pag ginusto niya ang isang bagay. Kahit pa napaka immature o ano yan. Wala akong laban. "Fine. Yun lang ba sasabihin mo? Matutulog na ako." Maglalakad na sana ako palabas ng kwarto niya nang bigla niya akong hatakin ulit pabalik.
"Not so fast, missy. You're going to sleep here."
Nanlaki ang mata ko, "okay ka lang ba?"
"Why? It's not like this is the first time we're going to sleep together." Naalala ko nanaman nung pinatulog siya nila mama sa bahay noong galing siyang London. "But this time, magkatabi na tayo. Hindi na tayo matutulog in separate."
BINABASA MO ANG
Against All Odds
FanfictionThis story is inspired by Meteor Garden 2018. Starring: Shen Yue as Dong Shancai Dylan Wang / Wang He Di as Daoming Si Darren Chen as Huaze Lei Caesar Wu as Xi Men Connor Leong as Meizuo