CHAPTER 11

457 15 6
                                    


CHAPTER 11

Monday family day na ni Autumn "NANAY ! NANAY ! GISING NA !" niyuyogyog siya ng anak antok na antok pa siya sobrang excited ang anak nang tignan niya ang oras 5am pa lang e 9am ang start ng family day dati rati hindi naman ganito ang excitement ng anak kapag yung ninong niya ang kasama nila pero tumayo na siya kailangan niyang magluto ng almusal dahil dito mag-aalmusal si Congressman at yung lunch pa nila.

Sumama sa kusina ang anak "baby naman matulog ka pa doon baka mamaya antok na antok ka sa school." Aniya rito "hindi po nanay basta masaya ako ngayong araw." Abala nagkukulay ang anak sa coloring book nito

"bakit ka ba masaya at excited di tulad kina ninong mo."

"uhhmmm ewan ko Nanay ang bait bait po kasi ni Congressman Kyle sa atin e." sagot ng anak pinagpatuloy ang pagluluto pumasok na sa kusina sina Tatay Esto at Manang

"good morning po tatay esto at mamang!" bati ng anak sa dalawang matanda ngumiti ang mag-asawa sa kaniya "milagro ang aga mong gising." Anang Mamang "naku mang excited siya masyado." Natawa ang mag asawa sa kaniya at hinaplos ang buhok naupo na sila at nilapag na ni Summer ang gatas sa dalawa.

"gusto mo bang maging daddy si Congressman?" tanong ni Tatay Esto habang nakangiti "sana nga siya na maging daddy ko kasi ang bait bait niya" naka pout ang anak "Autumn hindi pwede yun, friends lang kami ni Congressman." Saway sa anak

"wala naman imposible pag-pray mo kay Lord , Autumn sana siya na ang maging daddy mo."

"Tatay." Saway ni Summer di niya alam maiinis o matatawa siya "Single ka .. Single siya." Asar nila sa kaniya nailing na lang siya "tulungan na kita" ani Manang.

Nang mag 6:30am na dumating na si Kyle at ang kapatid na si Amethyst kilala na niya sino si Amethyst dahil may kulay ito sa buhok "ate amy ! tito Kyle!" salubong ng anak sa dalawa sabay yakap sa mga ito nagbeso silang dalawa ni Amethyst.

"mag breakfast na tayo ready na."

He saw how beautiful Summer today kahit naka white shirt at shorts lang ito naka messy bun.

Nagmano siya sa dalawang matanda saka nag agahan matapos nilang mag agahan pinatulungan nilang dalawa ni Summer ang mga dadalhin hindi siya nakakasawang tignan kasi naman ang ganda niya kahit just woke up ang ichura.

"maliligo lang kami saglit ni Autumn diyan na muna kayo sa sala."

Habang naliligo sila ng anak pakanta kanta ang anak "you are my sunshine my only sunshine you make me happy when skies are gray ..." nakangiti lang niya pinagmamasdan ang anak.

"kakantahin niyo ba yan ni Congressman mamaya?" tanong niya

"hindi po Nanay, masaya lang talaga ako kaya ako kumakanta."

Habang nasa sala "salamat Hijo." Pasasalamat ng dalawang matanda sa kaniya "para saan po?" tanong niya "mula kasi nakakasama moa ng mag ina di na namomoblema kakatanong si Autumn tungkol sa tatay nito laging masigla ang bata at bukambibig ka niya." Kwento ni Manang

"ewan ko po dito kay Kuya di pa ligawan si Ate" bulong nito baka lumabas ang mag ina

"ayaw ko ngang madaliin gusto ko kaibigan muna." Si Kyle

Makalipas ang 15 minutes bihis na bihis ang mag ina may iniabot itong tshirt "pinapasuot ng school kung gusto mo lang." aniya "oo susuotin ko ako ang Daddy ni Autumn ngayon." Wika ni Kyle habang nakangiti "pwedeng forever na lang Congressman?" sabay pagpasok ni Ram

"RAM!" pinadidilatan siya ng mata ni Summer ang cute cute talaga ng blue eyes niya pansin yun ni Kyle saka kahit simple lang ang suot ng babae sumisigaw pa rin ang pagiging elegante nito dahil anak siya ng Henson.

Pumasok siya sa banyo para magpalit paglabas niya magiliw na magiliw si Amy kay Autumn nakakalong ito at nilalaro ang buhok.

Kung liligawan niya talaga ang babae mukhang di siya mahihirapan.

"shall we go?" tanong ni Summer sabay tingin sa wrist watch tumango siya saka niya tinulungan magbitbit ng kakailanganin nila expect niyang may bodyguards naka convoy sa kanila nasasanay na siya ulit noong nasa pamilya pa niya may mga guards din sila.

Habang nasa biyahe sila may TV ang kotse ni Kyle kaya nanonood sila ng umagang balita nasa TV na naman niya ang ama papatayin sana ni Kyle pinigilan niya ito kahit papaano miss na miss na niya ang ama.

"Sir, you have 3 children 2 daughters and 1 son nasaan ang bunso niyong anak?" tanong ng reporter sa kaniya naging matigas ang mukha ng ama "wala na akong bunsong anak she's already dead." Di niya mapigilan tumulo ang luha niya pinatay ni Kyle saka inabutan siya ng tissue hinawakan niya ang kamay nito ng mahigpit "kami na ang pamilya mo ngayon Summer." Aniya

Binato ni Ginang Bedingfield ang baso sa TV nabasag iyon "HOW DARE HIM TO TELL HIS DAUGHTER THAT SUMMER IS ALREADY DEAD?!?" tanong niya kay Ginoong Bedingfield tumingin siya sa asawa "hahabol ako ng Senadora Thomas nang magtutuos kami ng Henson na yan!"

"sigurado ka ba sa desisyon mong iyan Ava?"

"Oo, nang makikita niya ang hinahanap niya."

"uyy smile ka na diyan makikita ni Autumn mamaya mo na lang iiyak kapag tayong dalawa na lang." alo niya sa babae tumango ito ayaw niyang masira ang mood ng anak dahil masaya ang gising nito.

Nakarating na sila sa school ramdam niya nag aalangan pumasok ang anak dahil sigurado aasarin na naman na proxy lang ako tatay na dala niya

May lumapit na kaklase nito "iba na naman ang dala mo Autumn? Anak ka ba talaga ng nanay mo o napulot lang sa tae ng kalabaw? Nag-aarkila ka lang ng daddy sa daan." aba aba bumabastos na ibang bata ngayon sa harapan pa niya mismo saan ba ang mga magulang nito.

Akmang iiyak na ang anak sumabat si Amy "bastos kang bata ka ahh sino ang magulang nito?!? Pakituruan ng GMRC!" nagulat ang mga magulang nasa kwarto dahil nakita nila kasama nila si Congressman Kyle at kapatid nito "Amy huwag ..." pigil ni Summer.

"no ate, dapat pagsabihan ang batang to."

Hinarap niya muli ang bata "hindi inarkila ni Autumn ang kasama niya ngayon, bata dapat matuto kang maging mabait sa kapwa bata mo hindi maganda yang inaasal mo, ikaw gusto mow ala kang daddy tapos pagtatawanan ka ni Autumn?"

Tumahimik ang bata "bata, pasalamat ka mabait ang mommy ni Autumn nagpapasensya lang siya."

Lumapit na ang magulang nito "pasensya na po sa inasal ng anak ko."

"sa lahat ng kaklase ni Autumn lalo na yung mga magulang pakituruan naman po ng GMRC mga anak ninyo, nagkaka-traumang pumasok ang bata dahil sa pang bu-bully ng mga anak niyo, ayoko masira ang family day niyo pero nakakabahala na ang behavior nila, pasalamat kayo mabait ang magulang ng bata para hindi patulan ang mga anak niyo."

Nakayuko lang si Summer ang bait bait ng pamilya Bedingfield sa kaniya "anak lumapit ka kay Autumn humingi ka ng sorry." Utos ng mga magulang isa isa lumapit kay Autumn at humingi ng sorry hinahaplos naman ni Kyle ang mga batang lumalapit "dapat friends kayo dito sa room huh? Bad ang mag away." Tumatango naman ang mga bata.

Nagsimula na ang program nila sa room kanya kanya pakitang talent ang mga magulang kasama ang anak.

Hindi alam ni Summer anong plano ng dalawa kinausap siya na silang dalawa muna ang kakanta.

Mukhang kilig na kilig si Amethyst "ang cute nilang tignan no Ate Summer." Ngumiti siya ngayon lang niya talaga nakitang masaya si Autumn. Lumapit si Amethyst sa dalawa para kunan ng picture

Ng chorus na nakatingin si Kyle sa kaniya eye to eye contact.

'Cause you make my heart feel like it's summer
When the rain is pouring down
You make my whole world feel so right when it's wrong
That's why I know you are the one
That's how I know you are the one

Hindi niya alam parang tambol ang puso niya damang dama niya ang lyrics pero ayaw niyang mag-assume sobrang malapit na magkaibigan lang sila ni Congressman Kyle.

Napapikit na si Kyle sa huling linya

That's why I know you are the one
That's how I know you are the one

Kung ibang babae lang kikiligin pero alam niya kaya lang ginagawa ng lalaki ito para sa ikakasaya ng anak niya walang labis walang kulang. 

The Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon