Chapter 35

102K 3.1K 1.1K
                                        

Chapter 35




Nagkulong ako sa kuwartong nakalaan para sa akin, wala akong ibang maisip. My mind is already clouded with things happenend. Magmula sa biglaang pagasabog ni Antonia kanina at sa kung paano napunta ang painting ko na ginawa para sa anak ni Nanay Amalia two years ago.

Don't tell me, siya ang anak ni Nanay Amalia?

Umiling ako at napabalikwas ng pagkakahiga, hindi iyon maaari. Masyadong malayo, ni wala silang pagkakahawig sa itsura. Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin.

Inalis ko iyon sa isip ko, tumayo ako sa kama at sumilip sa bintana kung saan ang backyard. Nakita ko ang kalmadong magpipinsan sa lamesa nila habang ang matatanda naman ay nagtatawanan sa kanilang pinag-uusapan.

Nagbuntonghininga ako at muling sinara ang kurtina, bakas ang saya ni Daddy sa mukha. Mabuti na lang talaga at hindi natuloy ang kumusyon kanina roon. I don't wanna ruin my Dad's birthday tonight. Plus, it would be rude for them to see me defending myself in the middle of their relatives. Kahit anong gawin ko roon ay alam kong sila-sila pa rin ang magpapanigan dahil ako ang naiba. Kung sakaling may magtatanggol ay baka si Ansel lang o si Dad.

Hindi ko matanggap ang pinagsasabi nila sa aking salita, nakakasama ng loob na ganoon ang biglaang tingin nila sa akin dahil lang sa kasinungalingan ni Antonia. I trust Elos more than her argument, she's obviously lying. Miski pinsan niya nga ay nakikita ang mukha ko sa social media account ni Elos, imposibleng silang dalawa pa kung ako na ang binabalandra ni Elos sa lahat.

Can't she face it? Noon, ako ang lubos na insecure sa kanya dahil ang atensyon ay kanya at mukha pa siyang mabuting babae na pinatunayan niya ngayong gabing nagkakamali lang ako. Ngayong nagpakita na ang totoong Antonia sa akin ay mas lalong maliit ang mundo ko rito, I really need to go home early tomorrow.

Kalmado ang puso kong nakatulog sa gabing iyon at kinabukasan ay tinanghali ako ng gising kaya sobrang nakakadismaya. Walang almusal ay mabilis akong kumilos para makaligo at maayos ang mga gamit ko. Alas dos ng tanghali ay nagpasya akong lumabas at bumaba dala na ang aking mga gamit dahil hindi ko na kinakaya ang gutom sa aking tiyan.

Naabutan ko ang pagtatalo ni Chelle at Daddy sa sala, tungkol iyon sa akin.

"Walang hiya ba iyang anak mo? Donny! Pinahiya niya ang anak ko sa harapan ng mga pinsan niya! Ano 'yan? Nagsisiga-sigaan sa sarili kong pamamahay?"

Napayuko ang ulo ko, napahinto pa ako sa paglalakad ko dahil doon. Hindi maiwasan ang pagkahiya dahil sa nangyari.

"Paalisin mo na 'yang batugan at maharot mong anak! Tama ba 'yon, ha? Sinulot na niya ang boyfriend ni Antonia at pinagmalaki pa? Palibhasa ay lumaki sa nanay niya, parehas silang malandi!"

"Stop bad mouthing my daughter!" sigaw ni Daddy. "Sinabi kong pagsasabihan ko, hindi ba? You don't need to be that harsh! That's my daughter!"

"And that's my daughter she embarrassed in front of our own relatives!" sigaw pabalik ni Chelle.

My heart wrenched in anger and pain for my Mom, humakbang na ako pababa ng hagdanan para tumungo sa kanilang puwesto. My eyes were glaring at Chelle angrily.

"Hindi kasama ang Mommy ko sa nangyari! Don't you dare throw her bad words again!" nanggagalaiting sambit ko.

Gulat niya akong tiningnan, tunog sarkastiko agad. Hinanap ng mga mata ko si Antonia sa sobrang galit na namumuo sa dibdib ko pataas sa aking ulo na malapit ng sumabog. Hindi ko maialis sa isip ko ang mga sinabi niya kay Mommy.

"Aba! May tapang ka pang makisabat dito? Bastos ka talagang pinalaki! Hindi mo matanggap na parehas lang kayo ng ina mo? Totoo namang malandi kayo parehas! Hindi mo ba alam na nilandi niya 'yang si Jaime kaya hiniwalayan si Artemis?"

Villareal #4: Flowered SeascapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon