It's been 5 years since I last visited this room. Ngunit pagmasdan ko pa lang ang pintuan at hawakan pa lang ang door knob; muli kong nararamdam ang kirot at pangungulila sa aking puso.
Matagal na rin simula nang maglakas ako ng loob upang buksan uli ito. Kung saan, nakapaloob dito lahat ng mga alaalang matagal ko ng binaon sa aking isip at puso. Nakakatawa, dahil lang sa isang simpleng mensahe ay napabalik ako dito.
Muli kong kinuha sa bulsa ang cellphone ko upang muling basahin ang mensaheng natanggap ko.
[UNKNOWN]
SEND YOU A MESSAGE•Your brother is still À̵̕͠Ĺ̸̨̢̀̕͘͜͡͠҉̨I̡v̴̧̛͞͞҉̀͢È̷̡͜͟͞
•
Who are you?
•
What do you want? Do you think it is funny to prank me like that?!•
Dear, I'm telling a truth. Do you really believe that your brother is already dead?•
Fvck Off•
Then try to get his phone and you will see it.____________________________________
SORRY
You Can No Longer Message This Person
____________________________________Agad kong isinuksok ang susi sa doorknob saka ito pinihit upang bumukas ito. Tumambad sa akin ang madilim na pasilyo; nanginginig man ay lakas loob kong pinindot ang bukasan ng ilaw. At doon, muli kong nasilayan ang kwarto niya. Muling nagbalik ang mga alaala ko sa kaniya. At muli kong naramdaman ang tila paghinog ng mga sugat ko sa nakaranaan. Ganito pa rin pala ang itsura ng kwarto niya, ang pinagkaiba nga lang ay puno na ng alikabok ang kwarto niya. Dapat sigurong linisin ko na ito at hanapin ang cellphone na kailangan ko.
Ilang minuto lang naman ang nagugol ko nang matapos ko ang paglilinis, ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita ang iniingatang cellphone ni Yngrid. Bigla kong naalala ang tanging lugar na hindi ko ginagalaw.
"Ang drawer niya..." mungkahi ko sa aking sarili at sa hindi matukoy na dahilan ay dinadala ako ng mga paa ko rito. Dati kasi, pinakaayaw talagang ipagalaw sa akin ito ni Yngrid, para bang may tinatago siyang lihim na nakalagay dito.
Nag-aalangan man ay lakas loob ko itong binuksan. Mabuti na lang, dahil sa tinagal ng panahon ay humina na ang kapit ng mga turnilyong nakakabit dito kaya hindi ko na kailangang hanapin ang susi nito.
Puno ng mga litrato ang bumungad sa akin, ang kakaiba nga lang ay ni isa; wala rito ang mukha ng aking kuya. Ngunit hindi ito ang pakay ko.
Agad kong hinalungkat ang laman ng drawer niya at sa wakas! Nakita ko rin ang kakaibang cellphone niya.
Pinagmasdan ko muna ito ng maigi. Kakaiba ang kulay itim nitong case lalo na ang kulay pula nitong camera na tila hugis mata. Pinindot ko naman ang power button nito at tila biglang pumula ang buong screen nito.
____________________________________
Welcome my new master!Please type your name:
— — — — — — — — — —
|Done√
____________________________________To be continued...
BINABASA MO ANG
Switched
Science FictionSi Ysabelle ay isang ordinaryong babae. Ngunit sa hindi inaasahan, lahat ng ito ay magbabago. Sa simpleng mensaheng natanggap niya ay aksidente niyang magagamit ang isang app. Ang misteryosong app kung saan pwede siyang makipagpalit ng katawan sa is...