Bumungad sa akin ang isang babaeng may hanggang balikat na buhok, masama ang titig sa akin ng mala-kape nitong mga mata. Habang suot-suot ang isang black na hoodie.
"You damn woman, bakit ang tagal mo akong pagbuksan ng pinto?!"
"Fra-fraiden...." Hindi ko alam kung bakit ko siya niyakap bigla.
"What the? Bitawan mo nga ako babae! Ano bang nangyayari sa'yo?!" Dahil sa sinabi niya ay nabalik ako sa wisyo ko at tuluyan ko na siyang pinapasok sa loob.
Nang nakapasok, agad siyang umupo sa isang swivel chair sa loob ng kwarto niya habang nakadekwatro.
"Now tell me. Why did you answer that call?! Are you really dumb?! Sinabi ko naman sa'yo na kahit anong mangyari, kahit sino man iyon ay huwag mong sasagutin! Pero bakit ang kulit mo pa rin at sinagot mo pa talaga!" inis niyang talak sa akin habang nakakrus ang kanyang dalawang braso at ngayo'y nakataas ang isang kilay matapos kong ikwento sa kanya ang nangyari kanina.
"I'm sorry okay? Hindi ko naman sinasadya na mapindot ang answer call at mas nakakatanga naman kung bigla-bigla kong ibaba 'yung tawag 'di ba?!"
Napahilot na lang siya sa sintido habang pinapakalma ang sarili niya.
"So what are you planning now? Do you have any any idea on what place you entered?!" tanong niya na nagpakunot ng noo ko.
"What did you mean?"
"Ysabelle! You really know nothing! Papasok ka lang naman sa mundo ng ABYSS! Alam mo ba kung gaano kadelikado ang lugar na ito?"
"Blah! Blah! Blah! Abyss ka ng abyss eh hindi mo pa nga sinasabi sa akin kung anong lugar iyon!"
"Fine. Abyss is a place where all evil existed. It was deep underground tunnel that is located here in Manila but can't be easily found and believe me, once you enter this place you cannot back at your normal life again. Yes, you can hide as far as you want but they will always seek you. This place is a total chaos! Illegal gamblers, serial killers, violence, sex! Sa madaling salita, this is a hell-like place that was built for evil humans!"
Natahimik ako sa sinabi niya. Maski siya ay nanahimik din matapos niyang sabihin sa akin ang abyss. Pero muli kong ibinuka ang bibig ko dahil sa naisip ko.
"Pero... Fraiden, possible na nandoon ang kuya ko." Seryoso ko lang siyang tinitigan habang seryoso rin siyang nakatitig sa mga mata ko.
"Narinig mo ba ang sinabi ko Ysabelle o sadyang bingi ka lang?!"
"I don't care kung gaano man kadelikado ang lugar na iyon Fraiden! Pero gusto ko talagang mahanap ang kuya ko! Kahit anong mangyari ay hahanapin ko siya kahit buhay ko man ang maging kabayaran!"
Nagulat na ako nang bigla niyang suntukin ang katabi niyang kahoy na lamesa na ngayo'y nagkaroon na ng crack dahil sa tindi nang pagkakasapok niya.
"Yngrid was already DEAD, Ysabelle."
To be continued...
A/N: Alam kong ang konti ng updates but 2 chapters naman ang pina-publish ko and ayoko kasing pahabain o masyadong ideskripto ang mga pangyayari lalo na kung hindi naman kailangan sa kwento.
![](https://img.wattpad.com/cover/147081823-288-k755430.jpg)
BINABASA MO ANG
Switched
Science FictionSi Ysabelle ay isang ordinaryong babae. Ngunit sa hindi inaasahan, lahat ng ito ay magbabago. Sa simpleng mensaheng natanggap niya ay aksidente niyang magagamit ang isang app. Ang misteryosong app kung saan pwede siyang makipagpalit ng katawan sa is...