Magandang araw po sa inyong lahat na magiliw na mambabasa ng inyong lingkod. Ako po ay lubos na nasisiyahan sa ipinakita ninyong suporta sa lahat ng aking mga likhang kwento. Ngayon po ay may panibago na naman akong munting alay sa inyo - ang kwento ni Imang. Sigurado po ako na lahat tayo ay may nakasalamuha o baka mas angkop ang "nakasagupa" ng katulad ng pag uugali ni Imang.
Si Imang ay isang singkwenta anyos na nakapag Japan noong kabataan niya, nakapag asawa ng banyaga at guminhawa ang buhay mula sa isang kahig isang tukang pamumuhay. Nang makaranas ng konting ginhawa at masayaran ng konting mamahaling pintura ang mukha ay nag iba na ang ugali ni Imang. Naging pintasera, laitera, mapanghamak at naging napakataas ng tingin sa sarili.
Tunghayan natin ang magiging pakikipagsapalaran ng ating bidang kontrabida at kung paanong isang malagim na pangyayari ang magpapamukha sa kanya ng pangit niyang katotohanan na tanging pagsisisi na lamang ang kanyang magagawa.
Salamat pong muli ng marami sa inyong lahat!
🌸TATIM🌸
BINABASA MO ANG
Salamin, Salamin! Maganda ba Ako?
Horror#1 in Horror-Thriller 03102019 - Highest Ranking #10 in Horror - Highest Ranking #15 in Horror 11172018 #17 in Horror 11152018 Lahat ng tao, lalo na ang mga babae ay maganda ang tingin sa sarili. Ating nakikita sa sariling anyo lahat ng mainam sa pa...