13. Tubruk

1.9K 70 1
                                    

Isa't Kalahating Taon Bago ang Kasalukuyan...

Nakaupo sa isang hilera ng metal benches si Imang, tangan ang Samsonite replica niyang maleta. Nasa Shinshu-Matsumoto Airport siya ngayon sa Matsumoto, Nagano Prefecture, Japan. Pauwi siya ng Pilipinas dahil pumanaw na ang butihin niyang ina. Sa totoo lang, oo nga't siya lahat ang nagkagasta sa pagpapagamot sa kanilang ina, hindi naiwasan ni Imang ang tila paghinga ng maluwag ng mabalitaan niyang wala na ang kanyang ina. Lahat kasi siya ang nagkakagasta-espesyalistang doktor, pagpapa ospital, oxygen tank na binili niya para sa bahay, nebulizer machine, gamot, private nurse at caregiver, etc. Hindi na niya tuloy mabili ang mga mamahaling kemikal na pinapajid niya sa kanyang mukha upang magmukhang bata parin ang kanyang balat. Oo, ganyan ka banidosa si Imang. Pinagkakagastahan niya talaga ang mga pampaganda. Kahit magutom o sumala sa oras o kahit hindi siya makapag padala ng pera sa Pinas sa mga kapatid at ina niya, basta kumpleto siya sa make up at mga pampaganda, iyon ang importante.

Medyo nabubwisit si Imang dahil lahat ng mga kapatid niya ay walang kontribisyon para sa burol ng kanilang ina. Ang ipinagpuputok ng butsi ni Imang ay noong nabuhuhay pa ang kanilang ina ay wala man lamang me panahong mag alaga dito o magbantay sa ospital. Minsan may nagi Skype sa kanya na naiiwan mag isa ang ina at wala man lang magpakain dito. Pagkaminsan ay may ilang kapitbahay na nagmamalasakit na siyang tumitingin dito. Ngunit katwiran ng mga kapitbahay ay tatlo tatlo ang mga anak nito sa Pilipinas eh kung bakit wala man lamang mag alaga sa matanda.

Kaya nagpupuyos ang kalooban ni Imang. Isa pa ay dahil may naka schedule siyang Botox session na maaantala. Kapag ganung may proseso ng pagpapaganda si Imang ay ayaw na ayaw niyang naaantala ito.

Habang naghihintay ng tawag para mag board sa eroplano ang mga pasahero ng flight ni Imang, may lumapit sa kanyang matandang babaeng Haponesa. Maayos naman ang pananamit nito ngunit halatang hirap sa buhay.

"Anata wa watashi ni watashi ga uete hodokoshi o ataeru koto ga dekimasu." ("May sobra ka bang barya gutom na gutom na ako?") Pagsusumamo ng matandang Haponesa kay Imang.

"Anata ga yogorete iru watashi o komara seru teishi o hanarete ikimasu." ("Umalis ka! Wag mo akong pestehin!") Ang pabulyaw na sagot ni Imang sa matanda.

"Watashi wa uete iru jihi o motte kudasai." ("Parang awa mo na, gutom na gutom na ako.")

"Go away! Keisatsu o yonde kudasai!" (Alis! Tatawag ako ng pulis!")

Maluha luhang tumayo ang matandang babae upang umalis ngunit bago ito tuluyang lumayo ay umusal ito patungkol kay Imang:

"Anata wa riko-teki katsu mudadesunode, anata ga zen no kōi o okonau baai o nozoki, anata wa shinde shimaimasu!" ("Dahil maramot ka at palalo, ikaw ay mamamatay dapat gumawa ka ng isang kabutihan.")

"Aba't baliw pala itong matandang ito ah! Hoy! Matandang mabaho! Wag mo ako mapeste peste at mainit ang ulo ko! Tsupi!"

At tuluyan na ngang umalis ang matanda.

Alamat sa Likod ng mga Kaganapan...

Ang hindi alam ni Imang, ang matandang nakasagupa niya sa paliparan ng Nagano ay isang Tubruk o masamang espiritung nag aanyong matandang kaawa awa na naghahanap ng mga karaniwang may mabubuting kaloobang nilalang at titiyempuhan nilang may matinding problema o pinagdadaanan at nasa estado ng pagka bugnot, pagka init ng ulo o pagka galit. Sa kahinaan ng mga taong ito ay doon sasamantalahin ng mga Tubruk ang pagkakataon upang makagawa ang mga taong ito ng kasakiman, kasamaan, kalupitan at pagkapalalo. Kanila itong isusumpa ng kamatayan ngunit dahil sadyang mabubuti ang mga taong ito ay hindi magkakaroon ng kaganapan ang sumpa at imbes na kamatayan ay unti unting paghihirap lamang ang dadanasin ng mga ito hanggang sa tuluyan ng lukuban ng kadiliman ang kanilang kaluluwa. Ganito ang naranasan ni Imang na mabuti naman talaga kung tutuusin. Kaya hindi siya namatay ay dahil nakagawa siya ng kabutihan sa naturang matanda/Tubruk noong siya ay nasa mall.

Ngunit sa kalagayan ni Imang na wala paring kamalay malay na halos mabulok na ang kanyang buong katawan  at kaya lamang hindi niya nararamdaman ang sakit at hirap na dulot ng mga sugat, galis at impeksyon nya sa buong katawan ay dahil pinapamanhid ng salamin ang tunay nyang dapat madama. Mistulang isang drogang nakaka adik ang salamin na isang sulyap lang dito at tila "high" na ang tumutunghay.

Salamin, Salamin! Maganda ba Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon