Umalingawngaw sa kalaliman ng gabi ang sirena ng ambulansya at patrol car ng pulis. Matuling tinatahak ng dalawang sasakyang ito ang daan patungo sa bahay ni Imang upang sagipin ang huli. Gawa narin ito ng paghingi ng tulong ng dalawang nagmamalasakit na kaibigan ng Japayuki na sila Chona at Lyn. Hindi nila magawang pabayaan ang kaibigan sa kalunos lunos na kalagayan nito.
Samantala, naramdaman ng Tubruk ang papalapit na tagasagip ng kaluluwang ilang araw nalang ay maaangkin na nito at magiging habambuhay na alipin ng kadiliman. Hindi makakapayag ang Tubruk na makaalpas pa ang kaluluwa ni Imang sa bitag na pinaghirapan nitong ipain dito. Mabilis ang naging aksyon ng Tubruk. Habang nakatunghay si Imang sa magarang salamin ay humarap ito bilang repleksyon ng tila namamalignong babae. Ipinakita nito kay Imang ang tunay nitong anyo. Isang nakadidiring kulubot na babae, puno ng nagnanaknak na galis ang buong katawan, mabaho at malansa, at ipinadama na nito kay Imang lahat ng hapdi, kirot, sakit at hirap na pinapamanhid na lamang ng gayumang dulot ng mahiwagang salamin.
Biglang sumargo lahat ng namamanhid na hirap at sakit ng buong katawan ni Imang. Ngunit hindi iyon ang halos magpalagot ng hininga ni Imang kundi ang anyong nasa harap niya sa loob ng magarbong salamin.
Isang matandang madungis, buto't balat na halos bungo na ang nakamasid pabalik kay Imang. Isang mapait na realisasyon ang humarap kay Imang. Ang dati'y pinandidirihan at kinasusuklaman niyang matandang hukluban na mabaho at madumi ay walang iba kung hindi siya! Lahat ng pinaghirapan niya ay mababalewala lamang. Sa isip ni Imang, ang respeto ng tao sa kanya ay ininabase sa panlabas niyang kaanyuan. Pano siya igagalang at pagpipitaganan kung ang hitsura pa lang niya ay basura na? Dahil hindi naman mataas ang naabot na edukasyon ng ating si Imang, sadyang napakababaw ng pananaw niya sa buhay. Kasing babaw ng balat na unang tinitingnan at pagkaminsay yun narin ang nagiging batayan ng panghuhusga ng ilan.
Walang alam si Imang sa presensya ng Tubruk na siyang halos sumira ng tuluyan sa isipan niya. Ang buong akala niya ay mag isa lang siya sa kahangalang pinagdaanan. Ang masakit pa, malinaw sa alaala niya na pinagtangkaan niyang patayin ang dalawang matalik na kaibigan na karamay niya sa lahat ng pagsubok ng buhay. Alam niya na sa ginawa niya, siya din ang tumapos sa tatlumpung taong pagkakaibigan nilang tatlo.
Nanlambot si Imang sa napagtantong katotohanan. Sila Chona at Lyn na nga lang ang kakampi niya nagawa pa niyang pagtangkaan ang buhay ng mga ito. Panigurado namumuhi na ang dalawa sa kanya. Ang mga kapatid nga niya walang galang at pagmamalasakit sa kanya ngayon pati sila Chona at Lyn wala narin. Hiya sa sarili at galit sa mundo ang nanaig sa puso ni Imang. Wala siyang kaalam alam, likha ng Tubruk lahat ng negatibong nararamdaman niya.Kinuha ni Imang ang kutsilyong ipinang amba nya kina Chona at Lyn. Napakahapdi ng mga sugat na nagnanaknak sa buong katawan niya. Ang anit niya naman ay napakakati! Kinamot niya ang ulo gamit ang kamay na walang hawak. Naramdaman niyang nagputukan sa pagkiskis ng madumi niyang kuko ang mga pigsang baboy na nadaanan ng kanyang pagkamot. Naamoy niya ang malansang nana na kumapit sa mga kuko niya.
"Diyos ko! Bakit naging kalunos lunos ang sinapit ng buhay ko? Gusto ko lang namang hangaan ako ng mga tao dahil sa aking kagandahan. Mali bang hangarin yun? Ayoko ng tinutukso akong igat, pangit, pango, pandak, sakang, boba, jologs, cheap, skwaking, bantutin! Ano pang silbi ko ngayong hindi lang ako pangit, puro galis pa at mabaho? Dapat ay tapusin ko na ang paghihirap ko!"
Lumuluhang itinaas ni Imang ang kutsilyo upang gayahin ang ginagawa ng mga Hapon na nagpapatiwakal. Magha harakiri na si Imang, habang ang Tubruk ay nandidilat at naka ngising demonyo, sabik na sabik ng maangkin ang kaluluwa ni Imang upang ibulid at pahirapan ng walang hanggan sa kailaliman ng impyerno!
"SIGE! GANYAN NGA! DUKUTIN MO ANG SARILI MONG LAMANGLOOB AT I-ALAY NATIN KAY SATANAS ANG MAY BAHID MO NANG PUSO! GWAHRHARHAR!!!"
"Huh? Ano yun? Tila may bumubulong sa akin!" Naulinigan ni Imang sa hindi malamang dahilan ang sinabi ng Tubruk. Buong akala niya at tinakasan na siya ng bait.
"Hindi! Hindi ako magiging pabigat sa mga kapatid ko o kanino man. Hindi ako magiging alagaing baliw! Tama ngang wakasan ko na itong inutil kong buhay!"
At itinaas na nga ni Imang ang kutsilyo sa ere, tumigil sandali upang humingi parin ng tawad sa Diyos, at saka mabilis na itinarak iyon sa kanyang walang lamang sikmura!
"Jooooy! Huwaaag!"
Magkasabay na sigaw nila Chona at Lyn matapos tadyakan ng mga rumespondeng pulis at kawani ng pagamutan ang pinto ng bahay ni Imang.
Napalingon sa mga ito ang wala ng pag asang si Imang. Kumislap ang mga mata. May nagmamahal parin pala sa isang pangit at loser na gaya niya.
"Pa-patawarin nin-yo ako. Cho-chona, Lyn..."
"Shhh wag kang magsalita Joy. Dadalhin ka namin ni Chona sa ospital. May kasama kaming ambulansya. Tayo na po mga kuya----!"
Biglang naputol ang pagsasalita ni Lyn ng makarinig sila ng isang kakila-kilabot na atungal mula sa salamin. At ganun na lamang ang pagka gimbal nilang lahat ng makita ang isang matandang babaeng itim na itim ang suot, pati narin ang kulay ng balat nito ay itim, itim na mga ngipin na may itim na likidong tumutulo mula sa bibig nito na animoy isang asong ulol! Ang naibang kulay lamang sa mukha nito ay ang nanlilisik at titig na titig kay Imang na mapupulang mata nito.
At ang kulay pulang mga matang iyon ang huling bagay na nakita at tumatak sa isip ni Imang bago siya lamunin ng kadiliman!
Abangan ang Pagwawakas...🌸
BINABASA MO ANG
Salamin, Salamin! Maganda ba Ako?
Horror#1 in Horror-Thriller 03102019 - Highest Ranking #10 in Horror - Highest Ranking #15 in Horror 11172018 #17 in Horror 11152018 Lahat ng tao, lalo na ang mga babae ay maganda ang tingin sa sarili. Ating nakikita sa sariling anyo lahat ng mainam sa pa...