Dalawampung taong naglagi upang maghanapbuhay sa Japan si Imang. Third year hayskul lamang ang inabot niya sa eskuwela nang mamatay ang Tatay niya na siyang tanging naghahanapuhay para sa kanilang pamilya. Apat silang magkakapatid na puro babae at siya ang panganay. Siya ang tumulong sa Nanay niya sa pagtataguyod sa kanilang pamilya ng pumanaw ang kaniyang ama. Palibhasay sadyang mahina ang katawan ng ina kung kayat pili lamang ang gawaing kaya nitong gampanan. Si Imang ang halos gumampan sa lahat. At ng tumuntong na ng hayskul ang bunso nilang kapatid, alam ni Imang na kailangan na niyang makahanap ng mas malaking kitang trabaho. Ngunit sa isang tulad niyang walang tinapos, wala siyang alam na hanapbuhay na sasapat ang kita para sa pangangailangan nilang lahat. Kaya ng udyukan ng kanilang kapitbahay na nag Japayuki at nakapag asawa ng matandang Hapon na sumama sa kaniya sa pagja-Japan, hindi nagdalawang isip si Imang at nangutang sa halos lahat ng kalilala at kamag anak para pambayad ng placement fee. Nagtagumpay naman ito na makarating ng Japan matapos ang halos isang taong mahigit ding pag aayos ng papeles at pagtitipon ng pamasahe. At magmula ng lumipad si Imang papuntang Japan ay dalawang beses lamang siyang umuwi sa Pilipinas. Una ng makapag tapos sa kolehiyo ang kanyang bunsong kapatid na siya naring huling paaral niya at ikalawa ng mamatay ang kanilang ina. Sa dalawang beses niyang pag uwi sa Pilipinas na iyon, parehong tag isang linggo lamang ang inilagi niya sa bansang sinilangan. Nagmamadali siyang lumilipad pabalik sa Japan sa dahilang nakapag asawa na siya doon ng matandang Hapon at may isang anak siya dito. Nang lumaon ay namatay ang kanyang asawa at ang kaisa isang niyang anak sa Hapon ay may sarili naring pamilya. Kaya si Imang, na minana lahat ng kayamanan ng asawang namatay ay malaya ng nagawa ang gusto para sa kaniyang sarili.
At heto na nga, lulan ng eroplanong biyaheng Pilipinas, nakatanaw si Imang sa maliit na ventanilla ng eroplano. Nakatanaw siya sa labas na puro ulap naman ang kaniyang nakikita. Sa ikatlong pagkakataon ay uuwi siya sa Pilipinas at one way lang ang ticket niyang kinuha.
Noong nakaraang dalawang uwi niya ay naging tampulan ng diskusyon ng mga kapatid niyang pawang tapos ng kolehiyo ang kanyang pananamit, kulay ng buhok at pati ang pagpapa nose lift niya. Tandang tanda pa niya ang kanilang diskusyon matapos mailibing ang kanilang ina.
"Hoy Teresita, ikaw ba walang balak mag asawa? Abay baka kung kelang bakukong na yang matres mo saka mo pa maisipang magpakasal dyan sa jowa mo!" Paninita ni Imang sa pangatlo nilang kapatid na CPA sa isang kilalang auditing company.
"Ate, marriage is not my priority. I still have plans of pursuing further studies and the same with Jerome (ang jowa ni Teresita), we both want to land careers in brokerage in New York." Ang paliwanag nito sa wikang Inggles na kinasanayan na nitong gamitin.
"Nakuuu wag mo nga akong mainggles inggles dyan Teresita! Alam mo namang na no-NOISE BREED ako pag nag iinggles kayo 'nyeta kayo!" Sabay sumalampak si Imang sa sofa na nakabukaka at halos tanaw na ang singit sa suot na maong na shorts.
Mahinang nagtawanan ang tatlo niyang kapatid sabay nagtinginan. Nagsalita si Arlene, ang sumunod sa kanya, "Hihihi, Ate hindi NOISE BREED, nose bleed!" At lalong nagtawanan ng mas malakas ang tatlo.
"My gosh si Ate...so jologs. Saka yang hair color mo 'te it's too flamboyant! Parang nabuhusan ng agua occinada ang ulo mo."
"People stopped wearing acid washed jeans after 1986 Ate! Where have you been? Eeewww!"
Sumabay nalang sa tawanan ng tatlo niyang mas nakababatang kapatid si Imang kahit wala siyang naiintindihan sa mga pinagsasabi ng mga ito.
Isa lang ang naiintindihan ni Imang ng nga sandaling iyon.
Siya ang pinagtatawanan ng kanyang mga kapatid at labis na sakit ng kalooban ang kanyang nararamdaman.
~• ~• ~• ~• ~• ~• ~• ~• ~• ~•
Nagulat si Imang ng mag anunsiyo ang piloto na muli nilang ikabit ang kanilang mga seatbelt sa nalalapit na pag landing ng eroplano.
Nasa Pilipinas na siya. Babalik siya sa dati nilang bahay na ngayon ay wala ng nakatira. Nanatili iyon sa pangalan niya dahil siya ang nagpagawa nito noong bago pa lang siya sa Japan. Maliit man ito pero konkreto. Wala ng may gustong tumira dito sa tatlo niyang kapatid dahil masikip daw, kesyo pangit ang tanawin sa paligid etc, etc. Ang mga kapatid ni Imang ay pawang sa malalaking subdivision nakatira kasama ng kani kanilang pamilya. Ang bunso nila na si Josefina ay nasa bansang Alemanya at doon nagtuturo ng Molecular Biology na siya ding kursong tinapos nito. Si Arlene naman ay isang abogada na nagtatrabaho bilang Court Attorney V sa Sandiganbayan. Ni isa sa tatlo ay wala ng kumokontak sa kanya. Sinubukan niyang magyaya ng reunion ngunit maraming dahilan ang mga ito. Siya ang palaging naglo long distance sa bawat isa sa mga ito upang makibalita sa mga buhay buhay ng mga ito ngunit isa isang nagpalit ng kani kanilang mga numero ang mga ito at hindi ipinaalam sa kanya ang mga bagong numero. Hanggang tuluyan na siyang nawalan ng komunikasyon sa mga ito. At doon naipangako niya sa sarili na wala ng pwedeng lumait sa kanya dahil sa totoo lang, mas maganda siya sa lahat ng kapatid niya noh!
At tuluyan na ngang lumapag ang eroplano sa paliparan ng Ninoy Aquino.
BINABASA MO ANG
Salamin, Salamin! Maganda ba Ako?
Horror#1 in Horror-Thriller 03102019 - Highest Ranking #10 in Horror - Highest Ranking #15 in Horror 11172018 #17 in Horror 11152018 Lahat ng tao, lalo na ang mga babae ay maganda ang tingin sa sarili. Ating nakikita sa sariling anyo lahat ng mainam sa pa...