Epilogo

1.8K 66 0
                                    

Isinuksok ni Shin ang susi sa seradura ng pinto. Masayang masaya siya dahil sa dalawang taon niyang pagtatrabaho bilang Team Leader sa isang kilalang Call Center ay heto at nakabili na siya ng sarili niyang bahay. Bukas ay susunduin na niya ang Ate niyang si Alexxe sa inuupahan nitong apartment (bedspacer lamang si Alexxe dito) at magkasama na sila titira sa bagong bahay na nabili ni Shin. Ulila na silang dalawa at ang Ate Alexxe niya ang nagpa aral sa kanya hanggang makapagtapos siya ng kolehiyo. Namasukan ito sa isang factory ng sinulid at ilang taon ding nagtiis mapagtapos lang siya. Kaya gusto niyang masuklian ang paghihirap at sakripisyo ng kanyang Ate.

Pumasok si Shin sa loob ng bahay. Malinis ang kabahayan at may mga kurtina pa ang lahat ng bintana. Mukhang bagong kabit ang mga ito dahil malinis at mukhang bago pa. Pagharap ni Shin sa sala ay bumungad sa kanya ang isang full-length mirror na may magarang disenyo sa paligid. Humarap si Shin dito at pinagmasdan ang sariling repleksyon.

"Ang ganda naman ng salaming ito. At ang ganda ko talaga! Hmmm...Salamin, Salamin! Sa akin ka na ha? Maganda ba ako?"

Salamin, Salamin! Maganda ba Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon