10. 2 Weeks

1.9K 74 2
                                    

Nakakasilaw ang ilaw na mainit na nakatutok sa mukha ni Imang habang nakahiga siya sa reclining chair sa klinika ni Dr. Demet Dimaano. Isang tanyag na cosmetic surgeon si Doktor Dimaano at sa kanya din nagpatangos ng ilong si Imang nung kasagsagan ng "career" niya bilang Japayuki. Isinabay narin niya sa pagpapatangos ng ilong at pagpapatanggal ng malaking buhay na nunal sa kanyang ilong na may dalawang hiblang buhok pa. Sa isang entertainer kasing tulad niya, anumang marka o palatandaan sa mukha ay kapintasan. Kaya ng tumangos na ang kanyang ilong at matanggal ang nunal dito ay talaga namang pakiramdam ni Imang ay Miss Universe na siya sa ganda.

Lumabas si Dr. Dimaano sa private room niya at nagtungo kung nasaan si Imang.

"No need to worry. Simple cauterization lang naman ang procedure natin. Kaya lang, aside from the two big warts you saw, may tatlo pang maliliit under your chin that we need to remove. It's similar to porongcolosis and if not removed, those could multiply alarmingly."

"Yes doktor." Tumango tango si Imang na akala mo ay naiintindihan ang sinabi ng manggagamot.

"Ok. Shall we begin?"

👨‍⚕️👨‍⚕️👨‍⚕️👨‍⚕️👨‍⚕️👨‍⚕️👨‍⚕️👨‍⚕️👨‍⚕️👨‍⚕️👨‍⚕️

Matapos ang dalawa at kalahating oras, napabuntunghininga ang doktor at pinahiran ng tissue paper ang pawis sa noo. Mahina ang tolerance sa pain ni Imang at habang kino cauterize ang mga kulugo at mayat maya ang hiyaw nito sa sakit. At ng matapos na nga ang procedure ay tila pinag piyestahan ng maria capra ang mukha ni Imang na tadtad ng brown spots.

"May I varow yor salamin doktor?"

Agad tiningnan ang mukha sa salaming iniabot sa kanya ng doktor.

"Eeehhhh bakit andaming pekas ng mukha ko? Ohw ehm jih! My face! My beautiful face! Bakit ganito? Akala ko ba pagagandahin mo ako lalo Doktor?"

"Take it easy Miss Wenceslao. Ganyan talaga ang initial appearance ng cinauterize. Wag ka magpapa araw na direct exposure to sunlight. After a couple of weeks, I assure you makinis na makinis na ang mukha mo."

"Promise yan ha doktor?"

"You'll see. You'll love the result."

"Ahahaha! Tiis ganda pala talaga doktor."

Pagkatapos magbayad ng 18 thousand pesos ay agad na umuwi si Imang lulan ng taxi. Dumeretso siya sa harap ng salamin kahit ihing ihi na siya. Laking galak niya ng mamalas niya sa magarang salamin na tila wala na ang mga brown spots dulot ng cauterization. Parang napaka sutla ng kutis niya sa repleksyong dulot ng salamin.

Sa loob ng dalawang linggo, hindi talaga nagpa araw si Imang hindi dahil masunurin siya sa bilin ng doktor kundi wala siyang kagana ganang lumabas. Hindi naman niya kailangang mamili ng kakainin dahil marami siyang imbak na de lata. Wala narin siyang panahong magluto man lang kung kayat puro easy-open canned goods lang ang kinakain niya. Wala siyang ginawa maghapon at magdamag kundi ang tumingin sa salamin. Itinapat din niya ang sofa sa sala sa harap ng magara niyang salamin upang hindi na niya kailanganing pumasok pa sa kwarto upang matulog. Hindi na halos nililisan ni Imang ang harap ng salamin sa loob ng dalawang linggong iyon maliban na lamang kung iihi siya o dudumi. Nang lumaon ay naglagay na siya ng arinola sa harap ng salamin upang kapag dudumi na lamang niya kelangang lisanin ang harap ng salamin. Hindi narin halos nakakapaligo si Imang dahil dito. Ni pagsusuklay ay kinalimutan na niya. Sa loob ng dalawang linggong paglalagi ni Imang sa loob lamang ng bahay sa harap ng salamin ay nakalimutan na niya ang hygiene at pag aayos sa sarili. Hindi niya alam na naging marungis ang itsura niya at nagkaroon ng masamang amoy ang kanyang katawan. Dahil sa twing pagharap niya sa magarang salamin ay ubod parin ng gandang Imang ang kanyang nakikita. Parang kalalabas lang niya ng parlor sa repleksyiong dulot ng salamin. At bukod sa halos perpektong imahen niyang iyon, mahalimuyak na sarili ang kanyang nalalanghap kahit sa totoo ay amoy anghit na si Imang dulot ng halos dalawang linggong hindi paliligo.

Salamin, Salamin! Maganda ba Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon