Capsule 1

29 4 3
                                    

Warning: typos and errors.
-

Sa isang malawak na paaralan ay makikita na abala ang lahat ng estudyante. Ang iba ay nakikipag-kuwentuhan sa mga kaibigan, mga nakaupo sa sulok at may hawak na libro, mga estudyanteng nag mamaldita. May mga estudyante rin na nagpapa-sosyalan ng mga gamit.

Sa isang matayog na puno nakasandal habang nakatayo ang isang binatilyo. Kahit madaming nakatingin dito ay iniignora niya lamang. Inilagay niya ang kanyang mag kabilang kamay sa bulsa ng pantalon at kunot noong tumingin sa paligid.

Halata sa mukha nito ang bahagyang pag kainis dahil kanina pa niya hinihintay ang mga kaibigan. Malapit na ang unang klase nila, ngunit wala pa rin ang mga ito.

"Gudo!" bahagya niyang iniliko ang kaniyang ulo para makita ang taong tumawag sa kaniya.

Umayos ito ng tayo at kunot-noo pa rin habang hinihintay na makalapit sa kaniya ang mga kaibigan. Nang makalapit ang mga ito ay napansin niyang gusot gusot ang uniporme ng dalawa.

"Why you two took so fvcking long?" medyo irita at malamig na tanong nito.

"May humarang na chix, Gudo. Alam mo naman na hindi ako makatanggi sa magagandang babae." sagot ng isang binata habang binubotones ang polo nito.

"May nakasalubong akong wannabe at nag hamon sila nang-away." maikling paliwanag ng isa habang inaayos ang nagulo nitong buhok.

"Fix yourselves, idiots." anito.

Nag simula na silang mag lakad papasok sa kanilang silid-aralan. Huling taon na nila bilang High School at isa sa dahilan kung bakit abala ang ibang Nerds sa gilid ay nag hahanda ang mga ito para sa pag-susulit sa nais nilang pasukan na unibersidad.

Habang nag lalakad ang tatlong binatilyo ay pinagtitinginan ang mga ito. Ang iba ay isinisigaw pa ang mga pangalan nila para lamang mapansin at isa sa mga pumapansin sa mga ito ay babaero nilang kaibigan.

"Zoriel, come in my condo tonight." sabi ng babae na humarang sa dinaraanan nila.

"Here's my calling card, babe." sabi ng binata at mabilis na hinalikan ang babae sa labi nito.

Nang maka-alis ang babae ay pinunasan ni Zoriel ang kanyang labi gamit ang panyo at halos matanggal pa ang labi nito kakapunas.

"Hindi marunong humalik! Ang pangit pa ng lasa 'nung lipstick niya. Pwe!" angal ni Zoriel.

Napailing na lamang ang dalawa rito saka sila mabilis na pumasok sa classroom. Mabuti na lamang at puro nerds ang nasa classroom kaya walang maingay. Tahimik silang naupo sa kanilang upuan.

"Baka bukas makalawa may Aids kana, Zoriel." ani Caleb.

"Hindi mangyayari 'yon. Pinipili ko rin naman ang kinakama ko, Gago!"

"Kahit nga sa bakla pumatol ka!"

"At kanino mo naman nakalap ang walang katotohanan na balitang 'yan?"

"Diyan sa mga chismosang babae sa tabi-tabi." sagot ni Caleb at malakas na tumawa.

Napailing na lamang si Gudo sa kanyang mga kaibigan at inilagay ang kanyang headphones para hindi marinig ang dalawa. Nakatingin lamang siya sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang mga estudyanteng nag mamadaling pumasok sa kanya-kaniyang building.

Sa hindi kalayuan ay may napansin siyang tatlong babae na naka-sibilyan pa at mukhang bago. Kumunot ang kanyang noo dahil nasa kalagitnaan na ng taon kaya bakit tumanggap pa ng mga transferees.

Nang makapasok ang mga ito ay sakto naman ang pag kulbit sa kanya ni Caleb at doon niya nalaman na may guro na sa classroom. Tinanggal niya ang headphones at isinandal ang likod sa upuan. Nag simulang mag tsek ng attendance ang kanilang guro ng may kumatong sa kanilang pinto.

YOUNGBLOODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon