Capsule 5

4 2 0
                                    

Warning: typos and errors.
-

Madaming customer ang seksyon nila Gudo dahil maganda ang naging pakulo nila. Pangalawang araw pa lang pero marami na silang benta kaya naman tuwang-tuwa ang Presidente nila sa kinakalabasan ng booth nila.

"Ngiting-ngiti ka, Aisaka?" tanong ni Caleb na kakatapos lamang mag palit ng damit.

Tapos na kase ang oras nila para sa cosplay.

"May awarding din kase ang kada booth kaya i'm sure na makakasama tayo 'don." sagot nito.

"Paano ka naman nakaka-siguro, aber?" singit ni Zoriel na kakatapos lang din mag bihis.

"Epal ka talaga ano? Syempre kay Gudo pa lang bentang-benta na tayo. Kung alam ko lang edi sana ganito rin ginawa natin sa mga nakalipas na taon." anito.

Napailing na lamang ang dalawa sa tinura ng dalaga.

"Saan si Gudo?" bungad ni Yana ng makalapit ito sa mga binata.

"Baka nasa Field na, ngayon kase ang laban n'ya." sagot ni Caleb.

"Anong laban?" tanong ni Macy.

"Combat Battle." sagot muli ni Caleb saka ito tumingin sa kanyang relos.

Niyaya na ni Caleb na lumabas si Zoriel dahil manonood sila ng laban ni Gudo. Wala naman silang dalang gamit kaya wala silang bitbit na bag.

"Sama kami!" sigaw ni Macy.

Napatigil naman sila sa pag-lalakad dahil 'don kaya naman napakamot ng ulo si Macy.

"Kailangan sumigaw?" tanong ni Ellie.

"Baka kase 'di nila marinig." sagot ni Macy.

Habang nag lalakad sila ay na uuna sina Caleb at Zoriel habang ang tatlong babae ay nakasunod lamang sa kanila. Bawat nadaraanan nila ay abala sa pag-tingin ng mga booth pero kahit 'ganon ay nakukuha pa nilang lingunin ang dalawang binata na abala sa pag-uusap.

Hindi katulad noon, 'di gaanong nambababae si Zoriel ngayon kaya kahit lapitan s'ya ng kung sinong babae ay hindi niya pinapansin.

"What's with him?" takang tanong ni Macy.

"Baka nagsawa na." sagot ni Ellie.

Nang makalabas sila sa building, bumungad sa kanila ang napakaraming estudyante na pakalat-kalat. Ang iba abala sa pag subok ng iba't-ibang klase ng booth at ang iba naman ay nakikita nilang nag mamadaling mag punta sa isang direksyon.

Nakita nilang malayo na agad sa kanila ang dalawang binata pero 'di naman 'ganon kabilis mag lakad.

"Ang layo agad nila." sambit ni Yana.

"Mahahaba kase biyas nila saka 'yung isang hakbang sa kanila, tatlong hakbang ata satin." natatawang sabi ni Macy.

Nang makarating sila sa Field ay madami na agad tao kahit 'di pa nag sisimula. Hinanap nila Macy ang pwesto ng mga binata at nakita nilang kumaway si Caleb para makita sila.

Nasa may pinaka-unahan ang pwesto nila kaya kinailangan pa nilanh sumingit para lamang mapunta sila sa unahan. Ayaw pang mag padaan ng ibang estudyante kaya nahirapan silang makarating sa pinakauna.

Pag dating nila sa unahan, nakita agad ni Ellie si Gudo na nakaupo sa kabilang gilid ng ring. Habang ang kalaban nito ay nag-eensayo sa gitna. Si Gudo ay prente lamang na nakaupo.

"Hindi ba s'ya mag pa practice?" tanong ni Ellie.

"Taray teh, concern ka?" pang-aasar ni Macy.

"Nag-eensayo na 'yan sa bahay kaya bago s'ya tumungtong sa ring, alam niya na ang kanyang gagawin." sagot ni Zoriel.

YOUNGBLOODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon