Capsule 3

10 2 2
                                    

Warning: typos and errors.
-

Matapos makausap ni Gudo ang lalaki ay pinuntahan niya ka agad ang dalawang kaibigan. Kinuha n'ya ang kanyang selpono para ma-track agad kung na'san ang mga ito at sa grocery store niya nakita ang mga ito. Mula sa kanyang selepono, nakikita niyang nakatigil lamang ang dalawa sa isang pwesto.

Sumakay siya sa escalator dahil sa 2nd Floor pa ang grocery. Pag dating niya 'ron ay napansin niya ang ibang estudyante mula sa kanilang paaralan. Mga naka-suot pa ito ng uniporme at halatang-halata agad kung ano ang pakay ng mga ito sa Mall.

Dumeretso siya kung na saan sila Caleb at Zoriel at nadatnan niyang nag tatalo ang dalawa.

He crossed his arms.

"Ano ka ba naman, Zoriel. Hindi naman 'yan kasama sa mga bibilihin natin." suway ni Caleb dito.

"Nandito na rin naman tayo, saka pera ko naman ang gagamitin pambayad." inis na anito.

"Kahit na, kingina ka! Nang dahil d'yan sa binibili mo napatagal na tayo rito. Imbis na mga gamit sa booth ang inaatupag natin." inis na sagot ni Caleb.

"Alam mo bang pinaka-mahirap sa lahat ay mamili ng flavor nito. Palibhasa kase wala kang alam." naka-ngising anito.

"Kingina ka talaga! Alam ko 'yan pero hindi ako katulad mo na kung sino-sino ang ginagalaw." mahinang sagot nito.

Kumunot ang noo ni Gudo dahil mukhang alam niya na ang pinag-tatalunan ng dalawa. Tinapik niya ang balikat ni Zoriel at napansin naman siya ni Caleb.

"Ano ba naman, Cal. Saglit lang!" angil nito.

"Gusto mo bang sayo ko ipakain 'yan?" seryosong sabi ni Gudo.

Lumingon si Zoriel sa nag salita at mabilis niyang naibaba ang mga hawak n'ya. Dinampot niya ang basket, kaya naman napatingin ang binata 'ron na mas lalong nakapag-pakunot-noo rito.

"Seriously, Zoriel? Titan Jel?" naka-ngising sambit ni Gudo.

Ipinag-patuloy nila ang pamimili ng mga gamit. Madami-dami na rin silang bitbit at kapag may nakikita silang pwedeng idagdag sa booth ay kinukuha rin nila kahit wala sa listahan.

"Saan ka ba galing kanina?" tanong ni Caleb.

Tumingin lang naman ang binata sa kanya at hindi sumagot.

Hindi niya pa alam kung paano sasabihin sa mga ito na, nakikipag-kasundo ang tauhan ni Zeus sa kaniya. Maganda ang offer pero ayaw niyang sayangin ang buhay nila sa huling pag kakataon. Maayos at tahimik na sila ngayon kahit sa maling paraan sila nakuha ng pang-tustos sa pangangailangan nila.

Wala naman ibang paraan dahil 'don sila na sanay simula ng mangyari 'yon. Sinanay talaga nila ang sarili nila sa pakikipag-laban, madaming kumukuha sa kanila galing sa iba't ibang organisayon pero tinatanggihan nila 'yon. Mas gusto nilang maging independent na grupo kung saan walang sinusunod na batas.

"Naramdaman ko rin 'yun." seryosong anito.

Lumingon lang saglit si Gudo sa kaniya at mabilis din silang nakarating sa parking. Inilagay nila lahat ng pinamili nila sa kotse. Isang sasakyan lang ang gamit minsan lalo kapag kailangan, kung minsan commute ang iba sa kanila para hindi makahalata ang iba.

Sa likod naupo si Gudo habang si Zoriel ay seryosong nakatingin sa laptop niya. Kumukuha s'ya ng impormasyon para sa gaganapin na selebrasyon ngayong gabi.

Pinag-aralan niya talaga kung paano ihack ang mga system. Nahirapan siya dahil hindi naman ganon kadali 'yon lalo na at ilang taon din silang walang muwang sa paligid. Pero hindi naging hadlang 'yon dahil isa sa mga dahilan kung bakit nila hinahasa ang mga sarili sa ganitong bagay ay dahil may plano sila.

YOUNGBLOODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon