Capsule 4

5 2 0
                                    

Warning: typos and errors.
-

"Bakit ba kase kailangan pareho-pareho ng shirt ngayon?" angil ni Zoriel habang nasa labas ng Gate.

"Unang araw ng Foundation ngayon, isa pa ayos naman 'yung kulay ng shirt natin ngayon ah." sabi ni Caleb.

Nasa tapat sila ng Gate ngayon dahil hinihintay nilang dumating si Gudo. Nauna na kase silang dalawang pumasok sapagkat 'yon ang sabi sa kanila ng kaibigan. Maaga pa naman at alas-otso pa ang Opening Ceremony.

Kada seksyon ay iba-iba ang kulay ng suot na shirt para makilala agad sila ng mga bisita. Bukas kase sa ibang paaralan ang Foundation nila kaya naman pinag-handaan talaga nila ang magaganap na aktibidad ngayon.

"Pero hindi ba parang ang baduy naman. Dapat kase pwede na lang kahit ano!" sambit ni Zoriel.

"Napaka-reklamador mo talaga, pwede naman mag palit mamaya." anito.

Sa hindi kalayuan sa pwesto nila ay natatanaw na ni Caleb ang kaibigan. Nag lalakad lang ito habang nakalagay ang mag kabilang kamay sa bulsa ng pantalon. Nakasuot din ito ng shirt na katulad sa kanila.

Ilang hakbang pa at nasa tapat na agad nila si Gudo.

"Tignan mo nga si Gudo, hindi man lang nag rereklamo. Para kang bakla." sabi ni Caleb.

"Malay mo nag rereklamo 'yan sa isip niya. Di naman pala-salita 'yan!" inis na sagot ni Zoriel.

"Hindi ka makakahakot ng babae kung mas mukha ka pang babaeng mag reklamo kay sa kanila." ani Gudo.

Wala naman nagawa si Zoriel kundi ang makinig na lamang sa kaibigan. Mag isa lang s'ya at dalawa sila kaya naman talo kung makikipagtalo pa siya sa mga 'to.

Pag-pasok nila sa loob ng paaralan ay nag kalat na sa gilid ang iba't-ibang klase ng mga stall. Ang ibang seksyon kase ay hindi sa mismong classroom nila gumawa ng booth. Karamihan sa mga booths ay nag kalat sa paaralan. Naisip nilang ganon ang set-up para 'di mahirapan ang iba na mag akyat at baba sa mga classroom.

Parang naging maliit na carnival ang paaralan nila dahil may ibang stall na ang main food ay Cotton Candy. Ang ibang stall ay may mga games tulad ng dart. Babatuhin ng dart ang lobo at ibabase ang mapuputok na lobo sa makukuhang premyo. May mga pinggan din at kapag ang pinggan ay nabasag sa pinaka-mataas na numero, makukuha mo ang pinaka-magandang premyo.

Dumeretso ang mag kakaibigan sa Gymnasium dahil 'don gaganapin ang Ceremony.

Pag pasok nila samu't-saring mga pang-paingay ang nadatnan nila.

"Shit!" dinig nilang mura ni Gudo.

"Hindi ko alam na mas wild sila ngayong taon. May drums pa, hanep!" iiling-iling na sabi ni Caleb.

"Mga naka-cheerleader costume pa. Ang se-sexy!" naka-ngising sabi ni Zoriel at sumipol pa ng mahina.

Kahit naiirita si Gudo sa ingay ay wala naman siyang magagawa. Required na mag punta sa Open Ceremony dahil kasabay 'non ang pag-aanunsyon ng mga palaro para sa unang araw.

Kinailangan pa nilang hanapin ang mga ka klase nila dahil dapat mag kakasama ang mga ito sa isang upuan.

"Bakit ngayon lang kayo?" tanong ni Yana.

"Ngayon lang kasi dumating si Gudo." sagot ni Caleb sabay upo sa tabi nito.

"Sakto lang sa inyo 'yung shirt, bagay pa." naka-ngusong sabi ni Macy.

"Hindi niyo ba alam kung anong size n'yo?" tanong ni Zoriel.

"Ibang size kase napa-punta sa'min kaya kinailangan namin itali ng ganito para maayos tignan." dugtong ni Yana.

YOUNGBLOODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon