Capsule 2

12 4 1
                                    

Warning: typos and errors.
-

Nang matapos ayusin ni Gudo ang kakailanganin nilang mga gamit ay bumaba agad ito sa sala upang tignan ang mga kaibigan. Si Zoriel ay abala sa kanyang Computer, tutok na tutok ito dahil may kailangan silang ihack na system para sa pupuntahan nila. Si Caleb naman ay abala sa pag-pili ng gagamitin nilang sasakyan.

Tumabi si Gudo kay Zoriel at tinignan kung malapit na ba itong matapos. Nakita niya ang napakaraming camera sa screen nito at sa gilid ay may lumalabas na mga pangalan kung sino-sino ang nasa loob ng venue.

"Ang mga imbitado sa selebresyon na 'yan ay mga kilalang negosyante sa Pilipinas. Pwede natin silang isama sa target natin ngayon, mas malaki ang makukuha natin pag-nagkataon." sambit ni Caleb.

"Just stick to plan, Cal. Mapanganib kung lahat sila tatapusin natin ngayong gabi, may mga susunod pang araw at malay niyo sila naman ang ipa-despatiya sa'tin." ani Gudo.

"Napasok ko na ang system nila, kontrolado na natin lahat nang parte ng venue." sabi ni Zoriel.

Isang sasakyan lamang ang ginamit nila at si Caleb ang nasa driver seat habang si Zoriel ay katabi nito at hawak ang laptop niya. Si Gudo ay abala sa pag-a-assemble ng mga baril nila, hinahasa niya rin ang mga maliliit nilang espada incase na maubsan sila ng bala.

Ang venue na pag-gaganapan ng kasiyahan ay medyo malayo sa bahay nila kaya naman kinailangan nilang umalis ang maaga. Alas-otso ang simula ng kasiyahan at alas-sais pa lang ay nasa byahe na sila. May kailangan pa silang ayusin sa venue bago nila simulan ang plano.

"Ang padre de' pamilya lang ng Lafourde ang target natin pero kapag may nanlaban man o nakakita sa'tin, patayin agad para walang sagabal." sambit ni Gudo.

Nang makarating sila sa venue ay nakita nilang madami ng kilalang tao ang nag papasukan sa loob. Hindi sila dumaan sa entrance dahil hindi naman sila imbatado, bagkus dumaan sila sa likod. Doon nila nakita na marami din ang naka-bantay 'don, halata mong nais nilang masiguro ang seguraridad ng mga bisita.

Pumwesto naman sa unahan nila Zoriel at kinuha ang baril nitong may silencer. Isa-isa niyang binaril sa dibdib ang mga bantay, sakto sa puso ng mga ito. Naka-kubli sila sa mga halaman at nakasuot sila ng puro itim na damit upang hindi ka agad sila mapansin ng mga ito.

Nang magawa na ni Zoriel na patayin ang mga bantay sa likod ay sinenyasan niya ang dalawang binata na pwede na silang tumuloy.

"Kapag nakapasok na kami sa loob ay ihanda mo na ang pinaka-madaling daan para makalabas kami." sambit ni Caleb.

"Sa van na tayo mag kita, kung may problema may earpiece kaming dala." ani Gudo.

Dumaan sila sa likod ng venue at pag pasok nila kusina ang bumungad sa kanilang dalawa. Napahinto ang mga Crew dahil sa biglaang pag sulpot ng dalawa at bago makasigaw ang mga ito ay pinatay na nila agad.

Isa-isa at dahan-dahan nilang hinila palabas ang mga bangkay ng mga ito. Kinuha nila ang mga damit ng mga ito at iyon ang pinalit nila sa suot nilang damit. Nag suot sila ng puting sumbrero at itinago ang baril sa loob ng malaking plato na may takip.

"Mr. Lafourde is mine." malamig na sambit ni Gudo.

"Alam ko, nandito lang naman ako para maging back up at mata mo kung may napapansin akong kakaiba." iiling-iling na sambit ni Caleb.

Nang makalabas sila ng kusina ay nag-hiwalay na sila ng landas. Si Caleb ay mag tungo kung saan ang catering at si Gudo naman ay nag-simulang mag libot sa loob ng venue. Halos lahat ng kilalang negosyante ay nasa loob, nag-papayabangan, nag-papasosyalan ang mga asawa at hindi mawawala ang pakikipag-plastikan ng mga ito masabi lang na maganda ang pag-uugali nila.

YOUNGBLOODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon