Capsule 6

6 3 0
                                    

Warning: typos & errors.
-

Nasa gymnasium sina Caleb at Gudo dahil kasalukuyan na nag-lalaro ng basketball si Zoriel. Kanya-kanyang pakulo ang taga-cheer lalo na at parehong 4th year's ang nag lalaban ngayon. May nagda-drums sa pangalawang seksyon habang may torotot naman sa unang seksyon.

Kada makakapuntos ang mag kabilang panig ay kanya-kanyang ingay at pang-aasar ang mga ito.

Nakapuntos ang grupo nila Zoriel kaya naman sigawan, hiyawan at panay pang-aasar ang inaabot ng kabilang seksyon.

"Tignan mo nga naman. Enjoy na enjoy si Zoriel." sambit ni Caleb.

"Tsk! Hindi na s'ya nambababae." tugon ni Gudo.

"Alam mo naman ang dahilan kung bakit n'ya ginagawa 'yon. Siguro, sapat na ang naranasan niyang pambababae kaya tumigil na siya." ani Caleb.

"Hindi niya naman kailangan gawin 'yon para lang masulit ang panahon." seryosong anito.

"Pero 'yon ang isa sa mga gusto niyang maranasan. Isa pa, tapos na rin naman. He's now enjoying with someone." naka-ngising anito.

Kumunot ang noo ni Gudo at humalikupkop ito dahil sa sinabi ni Caleb.

"Madami pa ba?" napalingon si Caleb kay Gudo dahil sa tanong nito.

Noong una ay hindi niya makuha ang ibig nitong sabihin pero kalaluan ay naintindihan niya rin.

"Medyo na lang." naka-ngiting sagot nito.

Bumuntong hininga si Gudo at hinilot ang kanyang sentido. Lumingon s'ya kay Zoriel na nakangiti habang nag-lalaro. Halata sa mukha ng binata na masayang-masaya siya sa kanyang ginagawa. Masyado itong natutuwa sa mga nangyayari. Hindi niya mapigilan ang sarili niya dahil minsan lang naman n'ya mararanasan 'yon.

"Kung ano man ang iniisip mo, 'wag mo ng ituloy." seryosong sabi ni Caleb habang nakatingin din kay Zoriel.

"Para sa inyo 'yon." umiling lamang si Caleb at ngumiti.

"Matagal na namin pinaghandaan ang bagay na ito." nakangiting tugon nito.

Nawala ang seryosong usapan nila dahil sa malakas na sigawan. Buhat na buhat na, ng mga ka klase nila si Zoriel at hinahagis ito sa ere pero 'di naman kataasan. Panalo ang seksyon nila at wala naman samaan ng loob dahil friendly game lang naman.

Nakipag-kamayan muna ang myembro ng basketball team nila sa kalaban bago sila patakbong nag tungo sa bleachers kung saan nakaupo ang mga sumusuporta.

"Ang galing ko, diba?" proud na sabi ni Zoriel ng makalapit ito sa mga kaibigan.

"Napanood nga namin. Di ka lang pala puro kalokohan." sabi ni Caleb.

"Di mo man lang ba ko pupurihin?" tanong nito kay Gudo.

Hindi naman sumagot ang binata at tinitigan lang s'ya nito.

"Huwag ka mag alala, pinanood niya ang laban mo at proud 'yan sa'yo." nakangiting sabi ni Caleb.

Naudlot ang pag-uusap nila dahil lumapit ang isa nilang ka klase kay Zoriel.

"Pre, may selebrasyon daw mamaya sa bar." anito.

Nakita ng dalawang binata na bumagsak ang balikat ni Zoriel dahil sa kanyang narinig.

"Hindi pwede, may gagawin kasi ako." naka-ngiting sagot nito.

"Sayang naman kung 'ganon mga ka klase lang din natin ang kasama. Bonding natin, pre." anito.

Tinapik naman nito ang balikat ni Zoriel matapos ay sumama na ulit sa iba na lang ka klase.

YOUNGBLOODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon