NANA'S POV
(The graduation song began to play).
Alam mo yung pakiramdam na ga-graduate ka na sa pagiging Junior High? Yung tipong tutungo ka na sa pagiging Senior High?
Masarap sa pakiramdam kasi aalis kana at tutungo sa bago mong paaralan.
Bakit ako masaya?
Alam mo kasi bawat isa sa atin ay naghahangad ng panibagong daloy ng buhay natin. Yung tipong gusto mong makadiskobre ng bago, yung Hindi paulit-ulit na nakikita mo.
Total desisyon naman nila ito at hindi sakin, kaya susundin ko na lang din.
"Anak." Tawag ni mama sakin.
"Ma!" Lumingon ako at niyakap ko siya ng masaya.
"Congrats anak." Malambing na kung sinabi ni mama.
"Salamat ma." Masaya ko siyang sinambit.
"Nana!" Sigaw ni Jason habang papalapit ito samin.
"O? Himala man na dumating ka?" Sarcastic kung tinanong sa kaniya.
"Bakit ayaw mo ba? Maswerte ka nga kasi nagka-free time ako ngayon at rarely lang ako makakapunta para sa isang tao." Sambit niya habang nakangiti ito sakin.
"Ah ganun ba? Edi wow!" Tinaasan ko siyang kilay.
"Wag ka ngang ganyan sa bestfriend mo," Pinalo ni mama yung kamay ko "Magpasalamat ka nga kasi umattend talaga siya para lang makita kang magMoving-Up." Mainahin na kung sinabi ni mama.
BINABASA MO ANG
Mga Pangakong Naglaho | Book Series #1
Teen FictionThey say, memories won't last forever. They say, no need for you to remember the past. They say, just keep moving on no need for you to look back. But she asked, "Eh kung yung mga alaala are way more important than you expected? What if, those memor...