Nana's POV
Pagkatapos ng awkward na pangyayari kanina agad-agad akong pumasok sa klasroom namin, which is hindi sumunod at pumasok si Kenzo.
"Sigh, ano ba kasi na kain niya kanina. Kung makapag react siya kanina Parang jow-" Napahinto ako namula sa hiya.
"Ano ba yan Nana! Ang pangit mo talaga kung mag-isip." Umupo kaagad ako sa upoan ko.
"Ang tagal naman ni sir." Rinig Kong nag-uusap yung kaklase ko.
"Oo nga, late na siya ng 10 minutes." Sambit ng kasama niya.
"Baka walang klase ngayon!" Excite na sabi ng isa nilang kasama.
"Haha Loko talaga." Tumawa silang lahat at bigla sila nagulat nung pumasok yung advisor nila na naka sibilyan.
"Okay class, today wala kayong pasok."
Nagsigawan sa saya ang mga estudyante.
"Pero di kayo makaka-uwi kasi lahat ng teacher na nagtuturo sa inyo dito, timing na may inaasikaso. So ibig sabihin yung section na 'to lang walang pasok."
"Ahh~" Reklamo nila.
"Sige, gawin niyo na ang dapat yung gawin ngayon. Dismiss." Lumabas siya.
"Bye Sir" Sabi namin.
"Gawin na lang natin yung sa music natin." Sabi ng classmate ko sa kasama niya.
"Oo nga. Tara." Agad silang lumabas.
"Punta na lang din kaya ako sa music room." Pabulong ko habang kumukuha ako ng scratch paper para sa lyrics na magagawa ko.
[MUSIC ROOM]
"Tao Po!" Sigaw ko habang binubuksan ang pinto. Pero pagpasok ko ni isang tao wala akong makita.
BINABASA MO ANG
Mga Pangakong Naglaho | Book Series #1
Teen FictionThey say, memories won't last forever. They say, no need for you to remember the past. They say, just keep moving on no need for you to look back. But she asked, "Eh kung yung mga alaala are way more important than you expected? What if, those memor...