CHAPTER 1

7.5K 95 1
                                    

(Stacey)

"Daddy ayoko po munang umuwi diyan sa Pilipinas. Alam mo namang nandito sa Malaysia na ang buhay ko eh!" tumawag kasi sa akin ang daddy kong governor sa Pilipinas.

Pilit niya akong pinapauwi sa Pilipinas dahil gusto na niyang i-manage ko na 'yong kompanya namin. Wala na rin kasi ang mommy ko. noong third year high school palang ako ay nawala na siya sa mundo dahil sa sakit na cancer.

Mula noon ay nagpasya akong dito na mamuhay sa Malaysia. Dahil hindi ko kayang umuwi sa bahay. Mamimiss ko lang ang mommy ko.

"Stacy dear kailangan mong umuwi dahil kailangan kita para tulungan akong i-manage ang kompanya natin dito. Saka para makapag focus na rin ako sa trabaho ko bilang gobernador dito. Kaya please anak umuwi kana muna!" pagmamakaawa ng daddy ko.

"But dad?"

"Please Stacy. Ok let's have an agreement. You will be staying here for only 6 months. At 'pag natapos 'yun ay pwede ka nang bumalik diyan sa Malaysia!"

Kahit na gustuhin ko mang tumanggi ay wala akong magagawa dahil nang mawala ang mommy ko ay ngayon lang nagrequest ang daddy ko "Fine dad. Uuwi na ako bukas na bukas!"

"Thanks my beautiful daughter!"

Mabilis akong tumawag para magpa book ng ticket pauwi pagkatapos nang usapan namin ng dad ko.

Hay,, this is it! After 6 years ay mapipilitan na akong umuwi.

(Kenneth)

"Tol tara mag bar tayo" yaya sa akin ni William na isa sa mga tropa.

"Bakit wala ka bang duty?" tanong ko dahil isa siyang doctor. Lahat naman kami sa tropa ay nakapagtapos. Hindi nga lang pare-pareho ang hilig.

Si Kent ay magaling sa paggawa ng mga bagay na magagamit namin sa tuwing nasa operasyon kami. Kung tawagin ang tropa namin ay mga "JERKS GROUP" na kung saan ay tumutulong kami lalo na 'pag nasa bingit ng kamatayan ang isa sa mga tropa.

Si Drew ay magaling sa pagbaril. I mean, magaling siyang umasenta para matamaan ang nais naming barilin. Si Luke na magaling sap ag-hack ng lugar kung saan naroon ang mga bihag. Dahil din sa kanya ay natuto kaming mag-hack din. Di nga lang kasinggaling niya.

At ang pinakahuling dumagdag sa amin ay si Dash na maaasahan mo pagdating sa pagkilatis ng mga baril na dapat naming gamitin.

"Wala eh kaya nga nagyayaya ako. Naroon na rin ang mga tropa" wika niya kaya tumango nalang ako at naghanda para makaalis agad kami.

POSSESSIVE JERK SERIES 3: KENNETH AND STACY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon