CHAPTER 24

2.9K 50 0
                                    

(Stacey)

Gaya nga ng inaasahan ko ay walang Kenneth na dumating ngayon ng Sabado na birthday niya. Sobrang lungkot ko ngayon. Kasama ko naman si May ngayon pero walang ibang ginagawa ang gaga kung hindi ang kulitin ako.

"Sige na kasi bes. Punta na kasi tayo ng salon ngayon para magpaganda" see? Sobrang kulit siya. Ang dami niyang dada.

"Di ko na kailangang magpaganda kasi natural ng maganda ako!" wika ko sabay tawa kaya mabilis niya akong nilapitan at binatukan.

"Ikaw na ang maganda. Anong akala mo sa akin panget?" Singhal niya kaya tinawanan ko na naman siya nang malakas.

"Wala akong sinabing panget ka! Ang sabi ko maganda ako!"

"Ganun na din 'yun eh!"

Nagtawanan na lang kami nang nagtawanan hanggang sa pumayag nalang ako na pumunta kami.

Nang dumating kami sa mall kung saan naroon ang kaibigan kong si Venus ay agad kaming pumasok.

"Bes musta na?" tanong sa akin ni Venus sabay beso.

"Okay lang ako bes! Ito kahit papaano ay nagugustuhan ko na ulit ang Pilipinas" ang sa rap lang sa feeling na dati gusto kong umalis agad ng Pilipinas, pero ngayon parang ayaw ko na.

"Ganun ba? Well, masaya ako kung ganun!" naging masaya ang pag-uusap naming hanggang sa

"Ehem" nakalimutan ko palang kasama ko si May ngayon. Nang tinignan ko siya ay inirapan lang niya ako.

"Ah nariyan ka pa pala bes" pang-aasar ko na alam kong mas lalo niyang kinainisan "Hindi wala!" wika niya sabay irap ulit sa akin kaya tinawanan ko nalang ulit siya.

"Siya ng apala bes, ito si Bes May, kaibigan kong lukaret" pakilala ko kaya lumapit siya sa akin at expected may batok na naman ako.

"Ipapakilala mo na nga lang ako, may lukaret pa! Anyways, nice to meet you Venus. Buti nalang at natagalan mo ang eng-eng kong kaibigan" gumanti naman siya sa akin ngayon.

"Actully, gusting-gusto ko ang 'yang pagkakaibigan ninyong dalawa. Puwedeng-puwede tayong magkakaibigang tatlo" sigaw naman ni Venus sabay yakap sa aming dalawa." Sa palagay ko mas lalo lang akong naging baliw dahil sa nagsama na ang dalawa kong kaibigang walang ibang ginawa kundi ang tumili at maging parang baliw.

"That's a great idea! Tatlo na tayo ngayon, di ba bes?" tanong sa akin ni May "Bes?" sabay sigaw ng dalawa kaya napatango nalang ako.

"Oh. Tara na at magpaganda na tayong tatlo dahil alam kong may sasaya mamaya!" rinig kong wika ni May kaya napakunot ang noo ko. Ano kaya ang sinasabi niya? Sabagay abnormal naman siya kaya hindi ko nalang pinansin.

POSSESSIVE JERK SERIES 3: KENNETH AND STACY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon