(Stacey)
"Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa sinasagot si Papa Kenneth best?" tanong sa akin ni May dahil nandito siya sa opisina ko. Ewan ko ba dito at trip niya akong guluhin kung gusto niya.
"Eh sa ayoko pa eh!" sagot ko naman.
It's been six months nang mangyari ang bilgarang panliligaw sa akin ni Kenneth. Sa loob ng six months ay ang dami na siyang ginawa. Tulad ng pagsayaw niya sa harap ng lahat ng empleyado namin. Tawa na kami nang tawa nang ginawa niya 'yun.
Umawit din siya noong trip ng tropa niya na magkaroon ng bonding. Ang dami niyang natanggap na batok noon dahil para siyang tanga. Ikaw ba naman ang kumakanta habang sumasayaw ng tatlong bibe. Tanga lang ang peg. Pero naapreciate ko 'yun dahil para daw mapasaya niya ako ay gagawin niya ang lahat.
Minsan din ay sinurpresa niya ako sa condo ko. Nagluto siya ng marami para daw sa dinner date namin. Natuwa sin ako dahil doon.
Oo. Inaamin kong mahal ko na siya. Pero siguro nag-aantay lang ako ng perfect time para sagutin ko siya.
"Anong ayaw mo pa? Kawawa naman si Kenneth kung patatagalin mo pa!" eh kung siya nalang kaya ang sumagot.
"Bakit di nalang ikaw ang sumagot tutal ikaw naman ang aporado" wika ko kaya mabilis niya akong binatukan.
"Anong ako? Ikaw ang nililigawan tapos ako ang sasagot? Sapatusin kaya kita?" tignan mo to parang tanga kung makapagsabi.
"Eh sa ikaw ang makulit eh!" baling ko sa kanya sabay batok din kaya nauwi sa tawanan ang usapan namin.
Alam kong time will come sasagutin ko din siya.
(Kenneth)
"Kumusta si Stacey anak? Sinagot ka na ba niya?" kausap ko ngayon ang mama ko dahil sa importanteng paalala. Pero nauwi sa pangungulit niya sa panliligaw ko kay babe ko.
"Hindi pa ma. Pero alam kong soon ay makukuha ko ang matamis niyang oo" paninigurado kaya na mabilis naman niya tinilian. Para pa rin talaga silang isip bata.
"Sabagay. Tama naman ang ginagawa ni Stacey na pahirapan ka anak dahil sa ganda niyang 'yun ay dapat talaga siyang pumili ng nararapat sa kanya."
Tignan mo to! Kanina tumitili tapos ngayon sumang-ayon sa ginagawa ng babe ko sa akin."Whatever ma!" wika ko sabay tayo dahil kanina ko pa katext ang babe ko. Wala daw siyang kasama sa opisina kaya gusto ko agad siyang puntahan. Kung alam ko lang na hindi naman mahalaga ang sasabihin ng mommy ko sa akin ay hindi na ako pumunta.
"Kenneth, where are you going?" rinig kong sigaw sa akin ng mommy ko. Ngunit 'di ko na pinansin dahil pagtitripan niya ako. May sarili naman siyang kotse, so she can take care of herself.
It's been six month mula nang manligaw ako sa babebko pero hanggang ngayon ay hindi ko siya pinipressure dahil alam ko at ramdam kong mahal din niya ako.
Ang mahalaga ngayon ay okay kami sa isa't isa at alam kong malapit na niya akong sagutin at sisiguraduhin kong siya na ang kaisa-isang babaeng mamahalin ko at magiging ina ng mga anak ko.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE JERK SERIES 3: KENNETH AND STACY (COMPLETED)
General FictionSi Kenneth ay isang matinong lalaki na mapili sa mga babae. Ayaw na ayaw niya sa mga babaeng maarte at spoiled brat. Pero paano kung makilala niya si Stacy na sobrang arte at spoiled brat anong gagawin niya? Si Stacy ay isang maarte at spoiled brat...