Maaliwalas na paligid, sariwang hangin at maberdeng lugar ang nasa harapan ko ngayon. Ito na ba? Ito na ba ang lugar kung saan lumaki ang aking ina? Bakit ba ako kinakabahan? Hindi pa ba ako sigurado sa mga desisyon ko?
"Saan ang tungo mo ineng?" Tanong sa akin ng tricycle driver na medyo may katandaan na.
"Sa sitio pulang ilog ho tatang, maaari nyo po ba akong maihatid doon?" Nakita kong medyo nag alangan ang matanda pagkarinig ng lugar kung saan ang punta ko. "Dodoblehin ko po ang ibabayad ko sa inyo ihatid nyo lang po ako"
"O sya sige sumakay kana" nakahinga ako ng maluwag pagkarinig ko sa sagot ni tatang. Pwede naman akong maghanap ng ibang masasakyan ngunit gagabihin na ako kung maghihintay pa ako ng panibagong tricycle na darating.
"Dito na tayo ineng, mag ingat ka sana at walang masyadong nakatira dito. Hindi ko nga alam kung bakit pumunta kapa dito" kahit naman ako manong hindi ko alam kung bakit pa ako pumunta dito.
"Maraming salamat ho sa paghatid tatang mag ingat din po kayo sa pag mamaneho mukang delikado na ho sa dadaanan nyo wala pa naman pong streetlights akong nakita kanina"
"Sanay na ako ineng, sige na mauna na ako sayo" saka ko palang naramdaman ang takot ng tingnan ko ang daan na tutunguin ko.
Tama ba itong gagawin ko? Masyado ba akong padalos dalos sa pagdedesisyon? Hindi, alam kong una palang ay tama na ang desisyon kong pumunta dito. Habang naglalakad ako sa masukal na daanan patungo kung saan ang bahay ng aking ina, naramdaman kong may nakatitig sa aking maraming pares ng mata. Mga mata na alam kong isa sa mga kauri ko. Alam kong bago lang ako dito ngunit, hindi na bago sakin ang presensya ng mga kauri ko.
"Lumabas na kayo, alam kong alam nyo na kung bakit ako narito" sigaw ko sa kawalan kahit wala akong nakikitang tao, alam kong nandyan lang sila sa paligid at nagmamasid. Alam na alam ko yun dahil isa din ako sa kanila.
Unti unti silang naglalabasan. Alam kong nababahala sila sa aking maaaring sabihin, ngunit wala silang ibang pagpipilian kundi sundin ang gusto kong mangyari.
"Resha, itigil mo na ang kahibangan mo. Ilang taon na kaming nabubuhay at ganito ang nakasanayan namin. Ganito na kami lumaki, maging ang iyong mga magulang-"
"Tumigil ka, wala kang alam sa mga naging karanasan ko. Wala kayong alam kung ano ang naging buhay ko. Ngayong wala na si ina, mababago na ang buhay ko. Makakawala na tayo sa maling gawaing ito. Hindi ba kayo natutuwa? Dapat mag saya kayo sapagkat hindi na kayo lalayuan ng mga normal na tao"
"Hindi mo naiintindihan Resha, lahat ng aming ginagawa ay para sa iyong ina. Para sa pamilya nyo at sa pamilya namin. Lahat ng meron kayo ngayon, dahil yun sa amin!"
Hindi ko ginusto na maging ganito ang buhay nating lahat. Nagsimula ang lahat sa kasinungalingan at hanggang ngayon ay naniniwala at pinagpapatuloy pa rin natin ang kasinungalingang binuo ng aking mga magulang! Gusto ko sanang sabihin sa kanila yan ngunit hindi maaari. Magugulo ang mga plano ko.
"Malayo pa ang pinanggalingan ko, pagod ako at gusto ko ng magpahinga. Sana naman ay naiintindihan nyo, bukas ng gabi ay magkakaroon tayo ng pagpupulong sabihin sa lahat ang balitang iyan. "
"Rosco, samahan mo si binibining Resha sa bahay ng kanyang mga magulang. Batid nating lahat na ito ang unang beses na nakapunta dito ang anak ng ating INA, nawa'y pakitunguhan natin sya ng maayos" utos ng isang matandang babae na sa tingin ko'y kasing edad ng aking tiyahin na si Tiya Linda.
Napatingin ako sa lalaking nagngangalang Rosco. Nagulat ako at nakatitig pala sya sakin, magkasalubong ang kanyang makapal na mga kilay na tila nangaakit. Nag iwas ako ng tingin at agad ng nagsimulang humakbang, kinuha ng isang binatilyo ang aking mga gamit at sya na raw ang magbubuhat ng mga ito.
Nauna nang naglakad yung Rosco at huminto ito sa isang medyo may kalakihang bahay na gawa sa kahoy.
"Binibining Resha, ipapasok ba namin ang gamit mo sa loob o iiwan na lang namin dito?" Oo nga pala, ang aking ina at maging ako ay sagrado. Hindi kami pwedeng hawakan sa kahit anong parte ng aming katawan, ngunit hindi alam ng mga kauri ko na maraming normal na tao na ang nakahawak sa aking kamay.
"Pwede nyo ng iwan ang mga gamit ko dito, ako ng bahala mag pasok ng mga iyan sa loob" Yumuko ang binatilyo at nagmamadaling umalis. Kukunin ko na sana ang mga gamit ko ng napansin kong hindi pala umalis si Rosco.
"Bakit ka ba pumunta dito? Sana hindi kana bumalik pa dito, mapapahamak ka lang"
"Wala kang karapatan kausapin ako ng ganyan, nais mo bang maparusahan?"
"Bumalik kana ng maynila Ciannaiah!"
Nagulat ako sa lakas ng sigaw nya ngunit mas nagulat ako at kilala nya ako bilang Ciannaiah!
BINABASA MO ANG
End This War
HorrorTatanggapin ko na lang ba ang magiging kapalaran ko o gagawa ako ng paraan upang matakasan ang sumpang ito.