Sinag ng araw na tumama sa aking mukha ang nagpagising sa akin. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid. Oo nga pala, narito ako sa lugar kung saan lumaki si Ina. Bahagya akong nagulat ng may kumatok sa pintuan.
"Sino yan?" Tumayo na ako upang ayusin ang sarili at maghanda para sa gagawin ko ngayong araw.
"Binibini, nakahain na po ang inyong agahan. Batid namin na hindi ka nakakain kagabi"
"Susunod na ako" tiningnan kong maigi ang sarili ko bago ako lumabas. Isang itim na T-shirt at faded jeans na tinernuhan ko ng itim sapatos ang suot ko ngayon.
Pag bukas ko ng pintuan ay isang ngiti mula sa gwapong mukha ni Rosco ang bumungad sakin. Ano ba yan, sinabi ko bang gwapo sya? Hay, sa maynila ay mas maraming gwapo ang naroon. Bakit ko ba naisip na gwapo sya?
"Magandang umaga binibini, hayaan nyo sana akong samahan ka papunta sa bulwagan" nakangisi nanaman nyang tugon.
"Bakit kaba nakangisi? Alam mo bang nakakabwiset ka kapag nakangisi ka?"
"Ang sabihin mo nagugwapuhan ka lang sakin binibini" sabi nya at tsaka humalakhak, naramdaman kong uminit ang pisngi ko naman nag iwas ako ng tingin at nauna nang naglakad. "Binibini, sandali! Hintayin mo ako" sigaw nya.
"Bahala ka dyan, gutom na ako mauuna na ako sayo"
"Kung ganun, sumama ka sakin binibini at bibigyan kita ng pagkain"
"At bakit naman ako sasama sayo? Kaya nga ako nagmamadali dahil may pagkain sa pupuntahan ko tapos sasama pa ako sayo?" Binilisan ko pa lalo ang lakad ko upang hindi na nya ako maabutan.
Napahinto ako sa paglalakad at parang bumaliktad ang sikmura ko sa eksenang nadatnan. Ang bihag kagabi ay nakahiga sa mahabang lamesang kahoy. Ang kanyang mga kamay at paa ay nakagapos pa din kahit wala na itong buhay. Wakwak ang tyan at labas lahat ng lamang loob. Unti unti akong lumapit sa lamesa ng mapansin ko sa isang gilid na may malaking kawa na naglalaman ng mata, tenga, ilong, dila, ari at mga daliri ni tatang. Hindi ko na nakayanan pa at tumakbo ako papalayo sa lugar na iyon, huminto ako sa isang puno at doon sumuka.
"Sabi ko naman sayo binibini sumama ka na lang sa akin eh" unti unting lumapit sakin si Rosco at hinawakan ang kamay ko. "Tayo na binibini, sumama ka sakin upang makakain ka" hindi ko na tinangka na umayaw at sumunod na lang kay Rosco, batid kong hawak nya pa din ang aking kamay ngunit hindi ko na sisitahin iyon.
Huminto kami sa isang bahay kubo na sa tingin ko ay ang tinutuluyan ni Rosco. "Ikaw lang ang mag isang narito?" Tanong ko.
"Pansamantala ay dito muna ako tumutuloy, maupo ka riyan at ihahanda ko ang pagkain" inilahad nya ang isang kahoy na upuan at nagtungo na sa kusina. Hindi nag tagal ay dala dala na nya ang pagkain at isa-isang inilapag sa lamesa. Nagulat ako at bacon, sunny side up at toasted bread ang hinain nya.
"Akala ko karne ng hayop ang ihahanda mo, mabuti naman at matino naman tong nakahain dito" nilagyan nya ng bacon at sunny side up ang plato ko at ang kanya.
"Hindi ako kumakain ng hilaw na karne"
"Bakit? Hindi kaba dito lumaki? Nasaan ang mga magulang mo? Ang pamilya mo?" Sunod sunod kong tanong sa kanya. Bakit ba kasi napaka misteryoso nya. Magtatanong sana ako ulit ngunit natigil ako ng lagyan nya ng tinapay ang bibig ko.
"Kumain kana lang, huwag ka ng magtanong please?" At tsaka tinignan ako ng masama.
"Hoy! Ba't ganyan ka makatingin sakin? Baka gusto mong tusukin ko ng tinidor yang mata mo" akala nito uubra sakin yang tingin na ganyan? Dapat nga matakot sya sakin, ako kaya ang pinaka makapangyarihan dito.
BINABASA MO ANG
End This War
HorrorTatanggapin ko na lang ba ang magiging kapalaran ko o gagawa ako ng paraan upang matakasan ang sumpang ito.