Ikaanim

285 10 0
                                    

Mag uumaga na ngunit hindi pa din ako makatulog. Hindi ko inaalis ang paningin ko sa napaka among mukha ni Rosco. Hindi rin maalis sa isip ko ang mga sinabi nya kagabi. Ano nga ba ang balak nila Ka Omay? Bahagyang gumalaw si Rosco kaya dinaluhan ko agad ito.

"R-resha tulungan mo ako" sabi ni rosco habang nakapikit. Batid kong nananaginip ito kaya naman tinapik ko ang balikat nya upang magising sya.

"Rosco, ako ito si Resha. Pakiusap idilat mo ang mga mata mo" maya maya lamang ay unti unti nyang binuksan ang kanyang mga mata. Nang nagtama ang aming paningin ay agad nya akong niyakap ng mahigpit.

"Salamat at ligtas ka Resha, akala ko ay hindi na kita makikita" umalis ako sa pagkakayakap ni Rosco at hinarap sya.

"Anong pinagsasabi mo Rosco? Narito lamang ako sa aking kwarto nung dumating ka kagabi at duguan ka. Batid kong narinig mo ang mga plano nila Ka Omay ngunit ang sabi mo kagabi ay sa susunod na kabilugan ng buwan pa nila isasagawa ang kanilang plano" nakita ko ang pagluwang ng paghinga nya. Siguro ay napanaginipan nya na may masamang nangyari sakin.

"Isang masamang panaginip lang pala, salamat naman kung ganoon" ngumiti sya at niyakap ako ulit. Ang sarap sa pakiramdam na kayakap mo yung taong espesyal sayo. Yung taong alam mong ililigtas ka kahit anong mangyari.

"Rosco, huwag ka muna lalabas dito sa aking kwarto. Kailangan mong magpagaling ng lubusan. Kailangan din natin magplano"

"Ilang araw na lang bago ang kabilugan ng buwan, tingin mo ba ay sapat na ang nalalabing araw para maisakatuparan ang ating gagawing plano? Resha, umalis na lamang tayo dito" umalis ako sa pagkakayakap kay Rosco at tumayo.

"Wala ka bang tiwala sa akin Rosco? Marami pa tayong kauri dito na gusto din ng normal na buhay. Ipagkakait ba natin sa kanila ang simpleng mithiin na iyon?" Umupo sya sa dulo ng kama at inabot ang mga kamay ko. Pinagsalikop nya ang aming mga daliri at tumingin sa akin.

"Naniniwala ako na magtatagumpay tayo Resha basta't magkasama tayo. Ipangako mo sa akin na kahit anong mangyari ay hindi mo ako iiwan" ngumiti ako at hinigpitan ang hawak sa kamay nya.

"Oo Rosco, hindi kita iiwan" bumitaw na ako sa pagkakahawak ng kamay naming dalawa.

"Magpahinga kana Rosco, magpapahanda lamang ako ng pagkain kay Kolas" hindi ko na hinintay ang sagot nya at tumalikod na. Dumiretso ako sa kusina at nadatnan si Kolas na naghahanda ng pagkain. Tinulungan ko sya at binilinan na umakyat sa kwarto pagtapos nyang maglinis sa sala.

Nagliligpit na ako ng pinagkainan namin ni Rosco nang may kumatok sa pinto.

"Binibining Resha, ako po ito si Kolas"

"Pumasok ka Kolas" sumunod naman ito at nakayuko nang pumasok.

"Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo Bibibining Resha?" May inabot ako sa kanyang papel.

"Puntahan mo ang mga nasa listahan, pumunta kamo sila dito bago maghapunan"

"Masusunod po Binibini" aalis na sana si Kolas ng tawagin kong muli.

"Sandali Kolas, nais ko sanang ilihim mo ang tungkol sa pagtuloy rito ni Rosco. Maaari ba?" Tiningnan nya sandali si Rosco bago sumagot.

"Wala pong problema Binibini, maaasahan po ninyo ako" nakangiting  saad nito at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Napatingin naman ako kay Rosco at nakitang nakangiti ito ng nakakaloko habang nakatingin sa akin. Agad kumunot ang noo ko.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Tumayo ito at lumapit sa akin.

"Wala naman, naisip ko lang na kapag nagkaanak tayo sana ay hindi magmana sayo" sabi nya sabay halakhak.

Agad naman tumaas ang kilay ko "At bakit naman hindi dapat magmana sa akin ang bata?" Niyakap nya ako ng sobrang higpit at hindi na sumagot pa.

"Araaayyyy, bakit mo naman ako kinurot Resha?" Kinurot ko sya sa tagiliran.

"At bakit hindi ka na makasagot aber?" Tumawa lang ulit sya at niyakap ako ng mas mahigpit.

Hay nako Rosco, pasalamat ka at wala akong gana makipagtalo sayo ngayon. Ngumiti na lamang ako at ginatihan ang higpit ng yakap sakin ni Rosco.

End This WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon