Ikalima

248 5 0
                                    

Umaga na ngunit narito pa ako sa aking kwarto. Ayokong lumabas, ayoko silang makita, at higit sa lahat ayaw kong makita nila ang mata ko na namamaga pa dahil sa pag-iyak ko kagabi.

Oo umiyak ako, kasi hindi ko na kaya. Hindi ko maintindihan kung bakit napunta ako sa ganitong sitwasyon, kung bakit kailangan kong gampanan ang isang tungkulin na hindi ko naman gusto.

Alam ko'ng pwede naman akong umalis, kalimutan lahat ng ito, kalimutan ang tunay kong pagkatao at mamuhay bilang isang normal na tao. Ngunit hindi kaya ng konsensya ko na may ibang nilalang dito na katulad ko, katulad ko na ang hangad din ay simple at payapang buhay. Kung iiwan ko sila dito sino pa ang maglalakas loob na tulungan silang magbago.

"Binibining Resha, tanghali na po. Batid namin na nagugutom na kayo. Bakit po hindi kayo lumalabas ng kwarto? Masama po ba ang inyong pakiramdam?" Si kolas, isang binatilyo na naglilingkod sa akin. Batid kong mabait sya at tulad ko ay pangarap nya ring makawala sa lugar na ito.

"Hayaan nyo muna ako Kolas, bigyan nyo muna ako ng kaunting oras upang makapag isip."

"Ngunit Binibini, narito na po ang mga grupo ng inatasan nyo ukol sa inyong plano. Nais nilang ipaalam sa iyo ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw" napabuntong hininga na lamang ako bago sumagot.

"Paki sabi sa kanila na pababa na ako, maraming salamat Kolas"

Bumangon na ako at ginawa ang mga dapat gawin, nag suot ako ng isang kulay puting blusa at pinaresan ng itim na palda na hanggang tuhod. Nang nakuntento sa aking suot ay bumaba na agad ako sa aming sala dahil naroon ang aking mga panauhin.

"Magandang tanghali Binibini" sabay sabay nilang bati habang nakayuko ang mga ulo. Sinenyasan ko silang umupo na at simulan na ang sasabihin.

"Kamusta ang pagbabantay nitong mga nakaraang araw Minsoy at Oscar? May mga nag tangka bang tumakas?" Tinitigan ko si Minsoy, matangkad sya at maputi. Makinis ang kanyang kutis at alam kong hindi sya taga dito. Tingin ko ay katulad din sya ni Rosco.

"Wala naman pong problema Binibini, bukod sa minsanang pagbisita ni Ka Omay ay wala naman pong problema"

Agad kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. "Si Ka Omay? Bakit sya bumibisita?"

Tumikhim si Oscar at sya na ang sumagot, tumingin muna si Oscar kay Minsoy bago nag umpisang mag salita.

"Siguro po nag aalala lamang si Ka Omay sa aming mga nagbabantay kung kaya't bumibisita sya paminsan minsan sa amin" sabi nya nang hindi tumitingin sakin. Batid kong may tinatago itong si Oscar.

"Mabuti naman kung ganoon. Ang tungkol sa ating pagkain anong balita? Nasasanay na ba ang iba sa pagkain ng karne ng hayop?"

Humakbang ng isang beses si Buboy bago nagsalita. "Nung una po Binibini ay hindi po nila kinakain ang aming nakukuhang karne ng hayop. Ngunit siguro'y sa sobrang gutom ay natutunan din nilang kainin ang aming mga dalang karne. At nito pong mga nakaraang araw ay madalas na po nila akong hanapan ng karne ng hayop" natuwa naman ako sa balitang dala ni Buboy, batid kong isa-isa nang umaayon sa aking plano ang lahat.

"Sana ay mag tuloy tuloy na itong magandang balita, sana ay magtulungan tayong lahat." Ngumiti ako tinignan sila isa isa. "Nais kong makaroon ng salo salo mamayang gabi, wala munang magbabantay o maghahanap ng pagkain. May tiwala ako na ang mga nakuhang karne nila Buboy at Lito ay sapat na sa atin hanggang sa susunod na buwan. Sabihan ninyo ang lahat na maghanda mamayang gabi"

Masaya ako nagtutulungan kaming lahat. Ngunit alam ko na ang kasiyahan na nararamdaman ko ay maglalaho din kalaunan. Katulad na lamang nang gabi na ito.

Mula sa napaka himbing na tulog ay nagising ako sa malakas na kalampag sa pinto ng kwarto ko. Sa lakas ng hampas nito wari'y masisira na ang pinto.

"Sino yan? Malalim na ang gabi, anong kailangan mo?" Dahan dahan akong bumaba sa aking kama, nababatid ko na kauri ko lamang ang nasa likod ng pinto.

"R-resha" si Rosco! Agad kong binuksan ang pintuan at tumambad sa akin ang duguang si Rosco!

"R-rosco... a-anong nangyari? Bakit puro dugo ka" hindi agad sya nakasagot, bahagya syang gumalaw ngunit natumba na lamang sya. Mabuti na lang ay maagap ako at nasalo ko agad sya. Binuhat ko sya at hiniga sa aking kama. Bumalik ako sa pintuan at kinandadong mabuti iyon.

"Rosco... Ano bang nangyayari?" Malakas ang tibok ng puso ko, pinaghalong pag aalala kay Rosco at kabang hindi ko maintindihan.

"R-resha kailangan mong umalis dito. Narinig ko sila Ka Omay na may balak silang patayin ka sa susunod na kabilugan ng buwan" kinabahan ako, bakit? Bakit nila ginagawa to. "Umalis kana Resha hanggat malayo pa ang nakatakdang araw, alam kong malakas ka ngunit hindi natin sila kakayaning lahat. Maraming kaanib si Ka Omay"

"Narinig ko ang lahat ng usapan nila, nakita ako ni Oscar at agad nila akong pinagtulungan. Ilang araw nila akong binihag, mabuti na lamang at sadyang napakabuti ni Buboy at naitakas nya ako"

"Gamutin natin ang sugat mo, 'saka na natin pag usapan ang mga narinig mo kapag maayos na ang kalagayan mo. Dito kana lamang tumira, itatago kita. Kakausapin ko si Kolas na huwag ipagsabi ang tungkol sa pagtuloy mo dito" magsasalita pa sana sya ngunit inunahan ko na sya.

"Makinig ka sakin Rosco, sa kalagayan mo ngayon ay wala tayong mabubuong plano. Magpahinga ka at magpagaling. Wag ka ng makulit" tatayo na sana ako upang kumuha ng mga bagay na pwedeng gamitin sa paggamot nang hawakan ni Rosco ang kamay ko.

Tinignan ko ang kamay nyang nakahawak sa kamay ko at tsaka tumingin sa mga mata nya. Bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko. Bakit ba ganito ito kapag kay Rosco?

Bahagya nya akong hinila dahilan ng pagkakasubsob ko sa kanya. Ramdam ko ang pagpula ng mukha.

"Quit staring!" Sabi ko ngunit hindi man lang inalis ang titig nya sa akin. What the hell? Inaakit nya ba ako?

"Napaka ganda mo talaga Resha" sabi nya na halos bulong na lang. Agad nag sitayuan ang mga balahibo ko sa batok. Hindi ko alam ngunit parang may sariling isip ang aking mga labi. Nang magtama ang aming mata ay para akong inuutusan nito na halikan sya. Unti unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya. Napapikit ako nang maramdaman ang lambot ng labi nya.

"I like you, i hope someday my like will turn into love" napangiti ako, kasi alam ko sa puso ko na may gusto na nga ako sa kanya ngunit hindi pwede ngayon dahil magulo pa ang lahat.

Tumayo ako at nilingon sya "Magpahinga kana kukuha lang ako ng mga gamot para sa sugat mo" nakita kong ngumit sya at pinikit na rin ang mga mata.

I like you too but I know this is not just a like. This is LOVE, and I Love You so much Rosco. Always remember that Im always here. Sleep well My Rosco.

End This WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon