Ikalawa

733 13 0
                                    

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Nangangatog na yung mga tuhod ko, hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.

"Marami akong alam, ikaw may alam ka ba?" Nakangisi nyang tanong sakin. Kinilabutan ako ng makita ang mukha nya. Tinitigan ko itong maigi ngunit hindi ko talaga matandaan na nagkita na kami noon.

"Kung ganoon, sabihin mo sakin lahat ng nalalaman mo." Pinilit kong maging kalmado ang mukha ko kahit na sa kalooblooban ko ay nanginginig na ako sa takot.

Oo, isa kaming hindi pangkaraniwang tao. Kami yung kinakatakutan, kami yung pumapatay at higit sa lahat kami ang nilalang na kinakatakutan hindi lang ng mga tao, maging ang ilang hindi pangkaraniwang nilalang ay takot at ayaw samin.

"Wala akong dapat sabihin sayo Cianna-"

"Tumigil ka!" Sigaw ko sa kanya "Hwag na hwag mong babanggitin ang pangalan na iyan dito" pinaghalong  takot at galit ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko akalain na mararamdaman ko ng magkasabay ang dalawang emosyon na iyon.

"Resha, nanganganib ang buhay mo dito. Bumalik ka na ng maynila habang maaga pa" masuyong sabi nito .

"Ano bang alam mo? Bat hindi mo nalang sabihin sakin?" Nanghihina na ako, gusto kong maniwala sa kanya ngunit mas nananaig ang kagustuhan kong matapos na ang lahat ng ito.

"Marami, kaya bumalik ka na ng maynila. Hindi kita kayang protektahan. Kung magtutulungan tayo ay hindi pa rin natin kaya. Dalawa lang tayo ngunit napakarami nila"

"Matutulog na ako" napahinto ako sa paghakbang ng hawakan nya ang braso ko.

"Magtiwala ka sakin, walang ibang tutulong sayo kundi ako. Ako lang ang pwede mong pagkatiwalaan sa lugar na ito." Hindi na ako nakapagsalita, gulong gulo na ang isipan ko.

"Matulog kana, alam kong pagod ka. Magandang gabi binibini" saka lamang ako nakakilos ng mawala na sya sa aking harapan.

Pag pasok ko sa loob ay namangha ako. Hindi ko akalain na ganito ang itsura ng bahay ni ina. Akala ko noon, ang bahay ng aking ina ay puno ng kandila at langis. May iba't ibang halaman o di kaya'y ilang bahagi ng katawan ng tao. Ngunit ang bahay na ito ay sadyang kabaliktaran ng aking iniisip.

Maghahating gabi na at kailangan ko ng maghanda, sa kauna unahang pagkakataon makikita ko na kung pano pumaslang ang isang tulad ko. Oo, kauri nila ako ngunit kailanman ay hindi ako kumain ng pagkain nila. Sariwang karne ng hayop ang madalas kong kinakain na syang lubusang ikinagagalit ni ina noon.

Tumunog na ang isang lumang malaking orasan na nasa loob ng aking silid. Hudyat na kailangan na namin kumain upang manatiling malakas ang aming pangangatawan.

Ilang marahang mga katok ang aking narinig.

"Binibining Resha, maaari na po kayong lumabas upang pangunahan ang seremonya na gagawin ngayong gabi" batid kong may mangyayaring ganitong kasiyahan ngayong gabi. Pagpapakita ng paggalang at kasiyahan ang ganitong uri ng seremonyas.

"Susunod na ako" huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng bahay.

"Magbigay galang sa ating Binibining Resha" sigaw ng isang matandang lalaki sa di kalayuan na sinunod naman agad ng ibang nilalang na naroon. Sabay sabay silang lumuhod at yumuko.

"Tulungan ninyo ako! Tulong!" Isang sigaw ang bumasag sa katahimikan ng lahat.

"Binibining Resha, tanggapin niyo po ang aming handog bilang pasasalamat sa pagparito mo dito"

"Dalhin na dito ang alay para kay binibining Resha"

"Huwag, tulungan ninyo ako ayoko pang mamatay pakawalan nyo ako" sigaw ng bihag na tinutukoy ng matanda.

Nagulat ako ng mamukhaan ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon. Siya ang tricycle driver na naghatid sakin kanina rito. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, lahat ng kauri ko ay nagiingay at tila sabik na sabik sa lalaking bihag ngayon.

"Maaari nyo na pong umpisahan ang seremonyas binibini" sabi ng matanda na syang namumuno pansamantala sa aming mga kauri.

Sabay sabay na nagsiluhod at yumuko ang aking mga kauri. Nangangatog ang aking mga tuhod, isa isa nang inilabas ang mga kagamitan para sa seremonyas na magaganap ngayon. Nanginginig ang aking kamay ng abutin ko ang isang punyal na syang magiging instrumento sa pagkitil ng buhay ng isang pangkaraniwang na tao. Unti unti ko ng binabanggit ang isang dasal na itinuro sa akin noon ni ina. Nanlalamig ang buo kong katawan, ni minsan ay hindi ko pa nagawa ang pumatay o manakit ng kapwa.

Inangat ko na ang kutsilyo at unti-unti ko ng itinapat sa dibdib ng bihag, sinira ko ang suot nyang damit at saka sinulatan ang kanyang dibdib gamit ang kutsilyo na hawak ko. Halos mabingi ako sa lakas ng sigaw ni tatang. Ramdam na ramdam ko kung gaano kasakit ang ginawa ko sa kanya. Tumingala ako upang pigilan ang pag tulo ng aking luha. Pagyuko ko ay nahagip ng aking mata si Rosco na nakatayo sa di kalayuan. Pagod na mga mata ang ibinigay nyang tingin sakin, tila gustong iparating nito na mali ang ginagawa ko.

"Binibining Resha, pwede nyo na pong tapusin ang seremonyas upang makakain na ang lahat" napatingin ako sa gawi kung saan nakatayo si Rosco kanina ngunit wala na sya roon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Lahat ng naririto ay nag aabang sa susunod kong gagawin. Pumikit ako ng madiin at tsaka ko itinaas ang aking kamay na may hawak na kutsilyo, isasaksak ko na ito sa dibdib ni tatang ng may biglang humawak sa aking kamay. Dumilat ako at hinanap kung sino ang pumigil sakin, napabuga ako ng hininga ng matantong si Rosco ang may gawa niyon.

"Anong ginagawa mo Rosco, bakit mo hinawakan ang kamay ng binibini? Isang malaking kasalanan ang ginawa mo" sabi ni Ka Omay, isang matanda na may mahabang balbas na kulay puti. Batid kong isa sya sa mga malalapit kay ina.

"Tinatanggap ko po ang kahit anong kaparusahan ang ibibigay sakin ni Binibining Resha" agad itong lumuhod at yumuko.

"Nais ko sanang ipagpatuloy ang seremonyas na ito sa susunod na gabi, bukod sa may sinuway na alintuntunin si Rosco ay pagod ako sa aking paglalakbay. Ikulong ninyo ang bihag at ako ng bahala sa kanya. At kay Rosco naman" tumingin ako sa gawi nya "sumunod ka sa akin sa loob, doon ko sasabihin ang iyong kaparusahan" Taas noo akong naglakad at pumasok sa bahay. Saka lamang ako nakahinga ng maluwag nang isarado ko ang pinto ngunit tila natigil ako sa paghinga ng may kumatok sa pinto. Binuksan ko ng bahagya ang pintuan at saka sinilip kung sino ang nasa labas.

"Akala ko ba sumunod ako sayo bakit sinaraduhan mo ako ng pinto?" Nakangisi nyang tanong sakin.

"Tsk pumasok kana at hwag kang magpahalata. Dapat muka kang takot at guilty sa nagawa mo sakin" tuluyan ko ng binuksan ang pinto at dumiretso na ako sa mahabang  upuang kahoy at tsaka humalukipkip.

"Ganyan ka ba magpasalamat? Welcome" natatawa nyang tanong sakin.

"Bakit mo ginawa yun?" Seryoso kong tanong sa kanya.

"Para iligtas ka, alam kong hindi mo kayang patayin yun. Nasisiraan kana ba ng ulo at gagawin mo talaga yun?"

"Bakit kaba nakikialam? I don't know you, bakit mo ba ako tinutulungan?"

"I thought you will run and kiss me because I saved you pero eto lang makukuha ko sayo? Ni walang thank you? Dammit ano bang problema mo!" Taas baba ang dibdib nya pagkatapos nya akong sigawan, ikaw ang may problema! Bakit mo ba to ginagawa bakit Hindi mo sakin sinasabi ang nalalamam mo? Gusto ko sanang isigaw sa kanya yan ngunit natatakot ako na baka magalit sya at hindi na ako tulungan kahit kailan.

"Sino kaba talaga? Bakit ang dami mong alam?"

"Sumama kana sa akin Ciannaiah, kalimutan na natin ang lahat ng ito. Hindi tayo nababagay dito, tumakas na tayo"

Nanlamig ang buong katawan ko, hindi ko maintindihan o ayaw ko lang intindihin ang nangyayari. Sino ba sya? Bakit kilala nya ako? Bakit kailangan namin tumakas?

End This WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon