CHAPTER 2
HINDI ko kayang tingnan si Direk sa mata buong shooting namin ng pelikula dito sa baguio. Riri had been asking me question pero di ko naman kayang sagutin. Nauutal lang ako at di mapakali.
Shet. Ano ang ginawa mo sakin, Direk?
"Okay, Cut!" Sigaw ni Direk at as usual lahat na ng tao nagsikilosan para tignan kung nasa ayos pa ang lahat o kung may mali ba.
Bumaling naman agad sakin si Direk. "Hey, you okay?"
Napatingin ako sakanya saglit at agad ko binaling ang attensyon ko sa iba. "Oo naman, Direk."
"Then look at me."
Nagaalangan akong tumingin sakanya. Shocks! "Yes, direk?"
Ilang minuto niya akong tinitigan sa mata bago bumuntong hininga. "Sige na, magpahinga ka na. Wala ka naman na ginagawa. Magpahatid ka nalang kay manong sa hotel na tutuluyan naten."
Agad naman akong tumango. Di na ko tatanggi dahil kanina pa ko dito nagtitiis ng awkwardness na nakapalibot saamin.
Hindi dapat ako magpapaapekto doon sa sinabi niya e, pero the way na ideliver niya ang message, nadali ako. Parang nagwawala ang mga hayop na alaga ko sa tyan ko. Hindi naman ako marupok pero bat ganun?
I shook my head para mawala na isip ko dun sa nangyari.
Pagdating ko sa hotel agad naman akong humiga at natulog. Di ko namalayan na maghahating gabi na pala nung gumising ako.
Napabaligwas naman ako ng bangon at napatingin sa orasan na nasa bed side table. Twelve thirty na ng hating gabi. Kaya pala tumutunog na ang tyan ko sa gutom. Lunch lang ang kinain ko kanina.
Lumabas ako ng hotel room ko at bumaba sa lobby para bumili ng makakain. Pagdating ko sa baba agad ko namang nakita si Riri nagpapapicture at nagpapa-autograph sa mga fans niya.
I rolled my eyes. Di ko ba alam kung ano nagustohan ng mga fans niya dito. Nung nakalapit ako sa kanya sinitsitan ko siya. Napalingon naman siya agad sakin.
"Oh, ateng!" Umaliwalas ang mukha niya at halos takbuhin niya ang pagitan namin.
"Madaling madali te? Anong meron at gising pa yang mga fans mo?" Nguso ko sa mga fans niyang nagpapapicture parin sakanya.
"Eh kasi—Oh, hi. Thankyou. Wow. Talaga? Uy, salamat!" Patuloy niyang usap sa mga umaaligid niyang fans. "Aalis dapat ako, naghahanap ako ng strawberry since nandito naman tayo sa baguio."
Nagsimula nang magsi-alisan ang mga fans niya.
Naging singkit ang mga mata ko sakanya. "Sana nag-isip ka ng magandang palusot yung kapani-paniwala naman. Ang corny kasi nung rason mo e."
"Christine Eris! Wag ka ngang masyadong maingay!" Riri hissed. "Ano nalang sasabihin nung mga nakarinig nung nirason ko yan kanina? Sinungaling ako?"
"Oh eh san ka ba talaga pupunta? Magst-strawberry hunting ka nakahigh heels outfit ka. Di halatang nagsisinungaling ka."
"Eris naman e!" Parang batang sabi niya. "Nakita ko kasi si Direk tsaka George lumabas kanina. Kaya susundan ko sana kung hindi lang umaligid sakin mga fans ko."
Biglang umigting ang tenga ko nung narinig ko ang salitang 'Direk'.
"Bakit? San sila pumunta?" Pilit kong inalis ang pagkakainteres sa boses ko. Good thing mas angat ang sarcastic kay Riri kaysa sa pagiging maissue.
"Kakasabi ko nga lang diba? Susundan ko pala kung hindi ako inaligidan ng mga fans ko." Ulit niya sakin.
"Oh? Ano pang hinihintay naten? Sundan na naten!" Hinili ko na siya agad palabas ng hotel.
BINABASA MO ANG
Eris Is The New Psyche
RomanceChristine Eris is the Writer of an upcoming movie who is directed by Marcus Eros. Will Eris be the new Psyche in Eros heart?