PROLOGUE
"Christina umuwi ng maaga, kumain sa tamang oras at higit sa lahat mag-ingat ka." Bilin ko sa nakakabatang kong kapatid. "Tsaka picturan mo lahat ng nakakasabay mo sa jeep at isend mo saakin para malaman ko kung sino ang mga magtatangka sayo."
"Opo, Ate. Pati mga dumadaan pipicturan ko na rin." Pilosopong sagot niya sakin.
"Seryoso ako, Christina!" Jusko, nahihighblood nanaman ako dito sa kapatid ko. Araw araw nalang pinapaalalahanan hindi pa din matandaan.
And fyi mga netizens, hindi pa ko gurang noh. I'm twenty six years old, single and—hanggang dun lang.
"Ate naman, alam ko na kasi yan. Daig mo pa tong si nanay at si Ate Christy kung makababy sakin."
"Oo nga, Christine Eris." Second the motion naman ng nanay ko. "Inaagaw mo na ang trono ng pagiging nanay ko. Parang feeling ko tuloy ako na ang panganay na anak mo."
Sinamaan ko ng tingin ang nanay ko. "Hindi niyo kasi pinapaalalahanan yang anak mo."
"Malaki na yan, kaya na niya sarili niya." Sagot niya naman sakin. "Tignan mo nga si Christy, tuwing linggo lang umuuwi dito. Independent, my dear."
"Yan ang nanay ko! Kaya mahal na mahal kita e!" Sabi ni Christina sabay yakap ng mahigpit kay nanay.
Inirapan ko nalang sila at sabay tawag kay Ate Christy.
"Hello, my dear sister. Why'd you call?" Sabi ng hilaw kong kapatid.
"Umuwi ka dito palagi! Tsaka pagsabihan mo tong nanay mo. Mapapasok ko to sa mental."
"What? I cannot understand you." Kunwaring sagot niya.
"Hoy, pinapaalalahan kita isang buwan ka palang jan sa may San Francisco wag kang magFil-Am, Fil-Aman jan!"
"Uy, si Ate Christy Fil-Am na." Sabat naman ng abnormal kong kapatid.
"Oo, Fil-Am. Half Filingera, Half Ampota." Sagot ko naman.
Napatawa nalang ng malakas ang si nanay at nakakabata kong kapatid.
I heard Ate Christy, sighed. "Okay ka na? Napagtawanan na nila ako ngayong araw? Nako, kung tatawag ka lang para bwisetin ako, sinasabi ko sayo Christine. Sisiraan ko yang pagiging writer mo sa ibang companya."
I rolled my eyes. "Di porket artista ka e may kapangyarihan ka na, tandaan mo ako ang sumulat niyang pelikulang ginagawa mo jan sa SF. Pwede kong bawiin yan."
"May contrata kang pinermahan, gaga!"
"Hoy! Tama na yan. Ayan nanaman kayong dalawa. Magaaway gamit yang mga trabaho niyo." Saway ni nanay. Bumaling naman agad siya kay Christina. "Kaya ikaw, Christina. Wag na wag kang pumasok sa industriyang pinasokan ng mga ate mo. Ayoko nang makarinig ng mga ganyang away."
"Nay, Film and Media Arts ang curso ko malamang sa malamang pasok pa din ako sa industriya nila. Pangatlong taon ko na to oh, ano? Baback out pa ko?" Sagot naman ng napakagaling kong kapatid. "Tsaka ikaw inspiration ko dito nanay."
Pinatay ko na ang tawag at nagpatuloy na mag-ayos ng damit ko. Papasok na rin naman ako sa trabaho at sigurado akong papagalitan nanaman ako kung late ako—Bigla naramdaman kong may umakap sakin galing sa likuran.
BINABASA MO ANG
Eris Is The New Psyche
RomansaChristine Eris is the Writer of an upcoming movie who is directed by Marcus Eros. Will Eris be the new Psyche in Eros heart?