Matt's POV
"Sa sobrang bobo ng kapatid mo, nakandado sya sa tindahan ng mattress at natulog sa sahig," Pang aasar ni Billy.
Nasa Basketball Court ako ngayon kasama si Billy at Ken dahil nagkayayaan mag Basketball.
Nakasuot kami ng white T-shirt ni Billy at black sweatpants. Samantalang si Ken ay naka black sweat shirt at jeans.
"Ah ganun?" Sagot ko. "Sa sobrang bobo naman ng kuya mo pinagbenta nya ang sasakyan nya para makabili ng gas."
"Ows? Sa sobrang bobo ng kapatid mo naupo sya sa TV at pinanood ang upuan." Ganting sabi ni Billy.
"Ah ganun. Sa sob-"
"Tumahimik na nga kayo!" Sigaw ni Ken.
"Lagi nalang kayong nag - aasaran! Pagod na ko. Mabuti pa maglaro nalang tayo. Matt, tingnan natin kung maaagaw mo sakin ang bola." Sabi ni Ken sabay dribol ng bola.
Hinarangan ko agad si Ken na akmang i Shoo-shoot ang bola. Naka alis mula sa pagkakaharang ko si Ken. Tinangka kong agawin ang bola ngunit huli na. Na shoot nya ang bola.
"Oh Matt eto Snickers. Para kang Lolo ko pag gutom ka." Pang - aasar ni Billy.
"Talaga lang ha? Ikaw nam-"
"Shut up!" Halatang galit na talaga si Ken. Namumula na sya.
"Gusto nyong malaman kung gano kayo ka bobo? Sa halip na nagpapractice kayo para sa laro natin bukas eh anong ginagawa nyo? Nag-aasaran lang kayo!"
Binigay ni Ken ang bola kay Billy at humarap sakin.
"Sa huling pagkakataon Matt, agawin mo ang bola mula kay Billy. Kuha mo?"
Tumango lang ako.
"Okay. Game!" Sigaw ni Billy.
Mabilis na nag dribol si Billy. Sa loob ng tatlong segundo nakita ko nalang na tinalon nya ang ring. At "shoot!" naka dunk na agad sya habang ako ay di man lang nakagalaw.
*clap* *clap* *clap*
"Ang galing mo talaga Matt idol na kita." Sabi ni Rhea sakin sabay ngiti ng pang - aasar.
Umupo ako sa gilid ng Court. Muntik ko na syang hindi makilala dahil ang dati'y itim na itim nyang buhok ay brown na ngayon at kulot na ang tuwid nyang buhok.
Nakasuot sya ng hapit na blue striped blouse at maikling palda.
"Anong nangyari sayo?" Tanong ko habang papalapit sya sakin.
Hinaplos nya ang buhok nya.
"Anong bang ibig mong sabihin?"
"Ibig kong sabihin, hindi pa naman Halloween ah bakit naghahanda kana?"
Nagsalubong ang kilay nya sa galit.
Inagaw nya ang bola kay Billy.
"Tingnan natin ang galing mo Matt."
Pumwesto sa Court si Rhea. Matamlay akong tumayo at pumwesto sa tapat nya. Nagkatitigan kami. Dinribol na nya ang bola at dumaan sa kaliwa ko. Tumakbo ako para harangin sya. Nalagpasan nya ulit ako. Nakatayo na sya ngayon sa kalahati ng Court. May kalayuan mula sa ring. Napatigil ako ng makitang naka porma na sya para ishoot. Napatawa ako. Bobo ba sya? Hindi nya yan kaya. Mapapahiya lang sya. Pero, nagkamali ako. sa loob ng apat na segundo ay pumasok ang bola sa Ring. Perpekto ang pagkaka shoot nya.
"Nice!" Puri ni Ken habang inaayos ang naka tirik nyang buhok.
Lumapit si Billy kay Rhea. "Walang kupas" sabay apir kay Rhea.
Tumingin sakin si Rhea at kumindat.
"Sinwerte ka lang," Sigaw ko sa kanya.
Pero sa totoo lang imposibleng sinwerte lang sya dahil bata pa lang kami ay di hamak na mas magaling sya sakin pagdating sa sports.
Nag uwian na ang lahat. Naiwan akong nag - iisip kung pano maipapanalo ang laro namin sa ibang Team. Malapit na kami sa Regional kaya hindi pwedeng ako pa ang makapagpatalo sa amin.
Makalipas ang limang minuto naalala ko ang "Erlson Intelligence Transfer System"
"Pero, hindi maaari...
BINABASA MO ANG
HELP! She's Trapped in His Body
Genç KurguBiggest mistake I've ever done ! - Rhea Nymph