( 4 )

33 1 0
                                    

Matt's POV

"Gusto mong makipagpalit ako ng katawan sayo?!" hindi makapaniwalang tanong sakin ni Rhea.

"Isang beses lang. Bukas ng umaga." Sagot ko.

"Ewan ko sayo." Sabay hanap na ulit ng librong Accounting.

Nasa Library kami ngayon dahil 4 hours naman ang break namin.

"Akala ko ba magiging mabait na tayo sa isa't - isa?" Paalala ko.

"Oo nga, pero ibang usapan na yan." sagot nya habang tuloy parin sa paghanap ng libro.

"Bakit naman?" tanong ko.

Ng tumingin sakin si Rhea mukhang may sasabihin na naman syang masama, pero nakita kong pinigil nya ang kanyang sarili.

"Pag nagpalit tayo, hindi mo na kailangan pumunta sa dentista. Ako ang pupunta para sayo." Dagdag ko.

Nakita kong pumungay ang mga mata nya na para bang papayag na sya.

"At ano namang kapalit?" Tanong nya.

"Ah... eh... maglaro ng Basketball?"

Tinitigan nya ko na parang hinahanapan pa ng ibang sagot.

"Hmm. Talaga lang ha? Yun lang ba talaga?."

Ang totoo meron nga talaga. Gusto ko na sanang sabihin sa kanya ang tungkol kay Tumiko. Pero sigurado akong lait na naman ang aabutin ko sa loob ng 3,000,000,000 years. Kaya lang mukhang wala nakong choice.

"Tandaan mo ha, sabi mo maging mabait na sa isa't isa." Sabi ko para hindi na nya ko asarin pa.

Tumango lang sya pero nakita kong lalong pumungay ang mga mata nya. Alam siguro nyang may sasabihin akong katangahan.

"Ahm, meron kasi akong inadd sa Facebook, galing sa Japan." At kinwento ko sa kanya ang buong storya tungkol kay Tumiko at ang pagpunta nila dito kasama ang tatay nya.

"Aw, ang cute naman. Si Baby Little Matty may secret girlfriend ^___^." at ngumiti ng isang sobrang nakakaasar na ngiti.

"Akala ko pumayag ka ng maging mabait!" paalala ko sa kanya.

"Sabi ko lang naman na may secret girlfriend ka ah, anong masama dun? Sweet nga eh." depensa nyang sabi.

Tinitigan ko sya ng masama. Hindi ako naniniwala sa kanya. Selos lang siguro.

"Lilinawin ko lang ha, hindi ko sya girlfriend, pen pal lang parang ganun."

"Oh eh anong problema?" Tanong nya.

"Ah, eh, kase, ahm, uh, ganto, Medyo may konting ah pagsisinungalin akong nasabi sa kanya."

Naramdaman kong nag init ang pisngi ko sa hiya.

Nakita kong kumislap ang mata ni Rhea sa tuwa.

"Ano?"

"Hindi mo sasabihin sa iba?" tanong ko.

"Oo na."

"Mamatay ka man?"

"Oo na nga!"

Napansin kong nakalagay ang kamay nya sa bulsa.

"Hindi ka naman siguro naka cross fingers noh?"

"Hinde."

"Patingen."

"For Pete's sake! Yan na oh! Pangako hindi ko sasabihin kahit kanino!" at pinakita na nya ang kanyang kamay.

"Okay."

HELP! She's Trapped in His BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon