Matt's POV
Tsk. Sya na nga tong nilait lait ako, sya pang nagalit. Hindi ko talaga maintindihan ang mga babae. Buti nalang hindi ako naging babae.
Sumulyap ako sa orasan.
11:23 na pala.
Hindi parin ako dinadalaw ng antok.
Nakokonsensya kaya ako? Bakit kasi ang init lagi ng ulo nya? Pero tama nga siguro sya. Baka ang sama ko lang talaga.
Bumalikwas ako sa kama at umupo sa may parteng bintana. Dumungaw ako sa labas.
Pero masama din naman sya saken ah? At sya nagsimula! Oo na, alam kong hindi ko dapat sya patulan dahil babae sya at isa pa kababata ko sya at kahit ganun, sya ang pinaka matagal ko ng kaibigan at pinaka nakakakilala sakin. Pero bakit ako kelangan mauna umamin?
Nahiga na ulit ako at nagtalukbong ng kumot.
*Kring* *Kring*
Hays? Ano ba yun?
*Kring* *Kring*
Magkring kring ka mag isa!
*kriiinng* *kriiinng!*
oo na eto na nga babangon na po!
10:00 AM na pala
"Hello?"
"Matt." Sigurado akong si Paps to. At nasa kotse sya ngayon.
"Hi Paps, what's up?"
"Traffic eh. Mukhang mamaya pa kami babalik ng Mommy mo. Nag - agahan kanaba?"
"Opo, kakatapos lang po." Kakatapos lang daw -___-
"Good. Ah, nalimutan kong sabihin. Bibisita bukas si Mr. Itzumi kasama yung anak nya si Tumiko."
"Ano...?" Napanganga ako sa gulat.
"Galing pa sila sa Japan. May ididiscuss lang akong Business kay Mr. Itzumi. Samahan mo muna si Tumiko habang nandito pa si Mr. Itzumi ha?"
"Ah... eh... S-sige."
"Mabuti naman. Sige maya nalang." End of call.
Humiga ulit ako sa kama. Pupunta si Tumiko Itzumi? Matagal na kaming magka chat sa Facebook. Magkasama sa Business ang Dad namin. Ako nag add sa kanya sa Facebook. Bukod kay Paps wala na kong pinagsasabihan tungkol kay Tumiko.
*Riiinng* *Riiing*
Ang cellphone ko naman ngayon ang tumutunog.
"Hello?"
"Matt." Boses ni Rhea.
"Ano na naman?"
"Bakit ba kailangan natin lagi mag - asaran?"
Mag iisip sana ko ng pang bara o pam pikon sa kanya.
"Magkita tayo sa Evergreen Park. 12:00"
Magsasalita pa sana sya pero pinatayan ko na sya ng phone.
Nagmadali nakong maligo. Umalis ako ng bahay ng hindi kumakain.
Rhea's POV
Evergreen Park daw? Ano naman kayang gagawin namin dun? Ako naman kaya ang ipapahiya nya ngayon?
Anyway, dahil nakaligo na naman ako. Nagbihis nalang ako. I was wearing a red striped shirt na hanggang elbow ang haba at may white lace na nakapaikot sa may bandang leeg and black leggings.
Pumunta na ko sa sinabi nyang lugar.
11:55
"Kanina kapa?" Nagulat ako dahil pang Guiness Book Record na nauna sya sakin sa usapang oras.
"Umupo ka nalang." Sabi nya sabay higit sakin sa tabi nya.
"Bakit nga ba natin kailangan lagi mag - away?" Tanong ko.
"Ewan ko."
"Lagi tayong nagsasakitan. Siguro mas maganda kung subukan naman nating mag - intindihan." Malumanay kong sabi.
"Gusto mong malaman ang totoo? Kahit subukan ko sa loob ng 1000 years hinding hindi talaga kita maiintindihan."
"Bakit naman?" naisip kong wag na muna syang awayin.
"Kase hindi ako umiiyak at nagiging hysterical kapag hindi ko alam kung anong isusuot ko. Hindi ako nagdadabog pag panget ang make-up ko o pag magulo ang buhok ko. Ikaw, lagi mo yang ginagawa."
Napa isip ako sa sinabi nya.
"Tama ka, Matt. Hindi mo ko naiintindihan. Pero pwede ba kahit hindi natin naiintindihan ang isa't isa, subukan naman natin maging mabait sa isa't isa pwede?." Sabay abot ko ng kamay para makipag deal.
Tinitigan nya lang ako.
"Pinapaalala ko lang sayo na ikaw ang nag umpisa ng lahat ng to dahil sa pagpapahiya sakin sa mga kaibigan ko."
Tumango nalang ako.
"Alam ko, pero may Schedule ako sa Dentista bukas ng umaga. Magpapalinis ako ng ipin."
"Oh ano ngayon?" Tanong nya.
"Alam mo namang takot ako sa panturok nila." paliwanag ko.
"Anong big deal dun? May amnesthesia naman at wala kang mararamdaman."
Bigla akong nakaramdam ng pamumutla. Hindi ko matiis o matagalan ang pagpunta sa mga Clinic.
"Wag na nga nating pag usapan." at inilahad ko ulit ang kamay ko para makipag kasundo.
"Let's just agree na hindi na tayo magiging masama sa isat isa simula ngayon."
"Okay." sabay shake hands sa kamay ko.
"Ano bang amoy yun?" tanong nya habang hinahanap kung san nanggaling ang amoy
"Qatchouli oil. Matapang lang sya sa umpisa pero masasanay ka rin." Sagot ko.
"ibig sabihin pabango mo yon?"
"Oo."
"Anong point?" Nagtataka nyang tanong.
"Ayoko lang maging katulad ng ibang babae, yun lang naman."
"Sa palagay ko hindi mo na dapat inaalala yun." sabi nya sa tonong nang aasar na naman.
"Teka, akala ko ba pumayag ka ng maging mabait sakin?" Sabi ko sa mataas na boses.
"Ah oo nga. Isipin mo nalang compliment yon."
Tumango nalang ako. Masaya ko dahil nagkasundo na rin kaming wag ng mag away. Ansarap sa feeling.
Biglang bumalik ang isip ko sa Novocaine ng dentista. Bukas na ng umaga yun. Malaking problema T^T
BINABASA MO ANG
HELP! She's Trapped in His Body
Genç KurguBiggest mistake I've ever done ! - Rhea Nymph