Rhea's POV
"Okay sige. Bye."
"Ano namang pumasok sa kokote mo at naisipan mong makipagdate sa gag*ng yun? Alam mo namang walang babaeng hindi papatulan yun." Pasigaw na sabi sakin ni Matt.
Tss. Di pala umalis ang mokong nato.
"Nakinig ka?!"
"Diba yun naman ang ginagawa ng "abnormal" na kaklase?" Padabog nyang sagot.
Napailing nalang ako.
"Hindi ako makapaniwalang pumayag akong maging mabait sayo."
"Hmm. Bukas? San ka naman kaya nya dadalhin? Ah! Baka sa Carnival!." pang aasar nyang sabi habang nakahawak sa kanyang batok.
"Ang talino mo talaga Matt."
"Dahil lang dun ayaw mong makipagpalit ng katawan sakin?" tanong nya.
"Ayoko lang mawala sya sakin." sagot ko.
"Haha. Takot kang mawala sayo yung tigidig na yun?"
"Would you please stop calling him that?! Eric ang pangalan nya!"
Dahan dahang umiling ang ulo nya.
"Eric Spring ... Akala ko pa naman magaling kang pumili. Nagkamali pala ko."
"Remember the deal." pataray kong sabi.
"Okay, magiging mabait nako. May gusto lang ako malaman. At seryoso to. Bakit sya? Maliban sa mas maraming butas ang mukha nya kesa sa Golfball, playboy ang gag*ng yun!"
"Tss. Masyado kang obvious. Bawasan mo nga yang pagseselos mo. Hindi bagay." sagot ko.
"Selos?! Asa ka. Gusto ko lang malaman kung anong nakikita ng mga babae sa kanya."
"Well, sya pa lang ang lalaking matured na kilala ko. Gentleman sya. At kahit may minor skin problem sya, gwapo pa rin sya at maporma."
"Kahit ano pang sabihin mo bukbukin parin yang si Eric tigidig mo."
Argh! Malapit na talaga kong mapuno sa isang to. I swear konti nalang ibabaon ko na to sa lupa.
"Teka, kung may date kayo bukas ng bukbok na yon, mas mahalagang makipagpalit ka sakin. Kung hindi siguradong mapupyat ka kaiisip sa kung anong pagpapasakit ang gagawin sayo ng dentista mo. Bukas baka lalong lumaki at umitim yang eyebag mo. Pati - "
"Nice try, Matt." sabay tayo ko sa upuan at lakad palabas ng library.
BINABASA MO ANG
HELP! She's Trapped in His Body
Teen FictionBiggest mistake I've ever done ! - Rhea Nymph